=Aicclie's POV=
Nakaupo ako sa tapat ni Tito Richard. Naghihintay ng sagot nya para kay Neil. Gusto ko makasama kasi sya eh.
"Aicclie. Di ba...."
"Opo Tito! Wag nyo nang balikan yung past! It's just a part of my history. Kaya sige na naman Tito!"
"Pero Aicclie—"
"ANG GARA NI TITO!"
Napahilot sya sa sentido nya.
"Eh di sana ikaw na lang umupo dito sa swivel chair ko kung ikaw lang din naman pala masusunod"
"Sorry na, To! Pero ngayon lang naman ako nangulit sa inyo eh! Dali na!"
Bigla nyang kinuha yung papel at pinirmahan. Papayag din, pala eh.
"THANK YOU TITO! TATANAWIN KO ITO BILANG ISANG UTANG NA LOOB!"
"Oo na. Manahimik ka na. Lakas ng bunganga mo. Lumayas ka na"
"THANK YOU TALAGA TITO!"
Pagkalabas ko, tinawagan ko kaagad si Neil.
"NEIL!!!!"
Napalingon-lingon ako. Tanga ko, mamaya marinig ako.
'Oh baket?'
"Pwede ka nang magtrabaho dito!"
'Talaga?! Thank you Aicclie!'
"You're welcome. Mamaya punta ako sa unit mo ha?"
'Okay! We're going to celebrate okay?'
"Yes! Love you"
'Love you too'
Tumakbo ako papunta sa office ko at lahat ata naw-weirduhan sa akin. Pano ba naman, naka-hospital gown ako tapos naka-heels tapos nagtatatakbo ako. Galing di ba?
Pumasok ako sa office ko. Nagulat naman ako nang biglang may roses doon. Bigla akong tinamaan ng kaba. Ayaw ko sa lahat yung kinukutuban ako eh. Karaniwan kasi totoo.
Lumapit ako doon at tinignan ko yung buong boquet. What if may maliit na camera dito? Nakita ko na may letter.
'Hey Aicclie! Receive my roses? Wait for me. Canon'
Napangisi ako. Sabi na eh. Si Canon na naman. Bigla namang nag-vibrate ang phone ko. Sinagot ko kaagad kahit unknown number yon.
"Hello my dearest cousin"
'Aba naman. Nakuha mo ba yung regalo ko?'
"Of course my dearest cousin. Kailan ka ba aatake?"
'Ako? Wait for me my dearest cousin. Wag kang mainip. Mapapasakin ka din'
Kinilabutan ako sa sinabi nya. Nakakadiri.
"Well, naghihintay ako"
'Matapang ka talaga'
"Hindi naman ako katulad mo na duwag. Puro tawag at padala lang ng pagbabanta. Kung ako ikaw, matagal na kitang pinatay"
'Maghintay ka. Malapit na Aicclie'
"I wonder kung anong nakalagay dito sa boquet of roses na to?"
'Nothing. Gusto ko lang na magkaaway ulit kayo ni Neil'
Bigla akong kinabahan. Baket nya alam? Na-end yung call at dahan-dahan kong binaba yung phone sa tenga ko. Totoo bang... alam nya? Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER