Chapter 75: Kidnapped

466 12 0
                                    

=Aicclie's POV=

"Wag ka nang bumalik sa parking area. Iika-ika ka na nga oh", sabi ni Zharm.

"Kailangan ko yung phone ko. Mamaya tumawag si Mommy, si Daddy, si Chleo or si Neil"

"Kaya mo ba?", tanong ni Hara.

"Yeah. Kaya ko. Basta hintayin nyo na lang ako don sa mga benches. Babalik din ako dito"

Tumango na sila. Kahit nahihirapan ako, lumaban ako. Joke, I mean lumaban akong makapuntang parking area. Mamaya, tumatawag na si Neil sa akin. Lalo pang magalit sa akin yon.

After ilang minutes din, nakarating na akong parking area. Baket naman kasi nilagay ko pa sa phone hub yun at sa lahat ng kakalimutan, ayun pang bagay na yon?

Naramdaman kong biglang may nakatingin sa akin. Kinabahan ako. Yung gamot di ako nag-take non. Jusko naman!

Binuksan ko yung pintuan ng kotse ko at doon ko naramdaman na may lumapit na sa akin. Kaya ang ginawa ko, umikot ako saka ako bumwelo ng sipa. Sumakit yung isa kong paa. Tigad din kasi nung mukha. Tinamaan naman sya. Napatingin ako sa paligid, dumadami sila. Pumasok agad ako sa kotse ko at tatawagan ko sana yung unang contacts sa cellphone ko pero biglang binasag yung bintana ko kaya ang tendency, nakuha nila ako. Nakawit pa yung likod ko sa mga glass sa bintana kaya alam kong dumudugo na yung likod ko. Madami sila. Yun lang ang masasabi ko.

Bigla nyang tinapat yung isang panyo sa akin pero dahil nga mabilis akomg kumilos, kinagat ko sya sa kamay kaya nakawala ako pero madami nga kasi sila. Kaya wala akong takas. Masakit ang paa ko, di ko alam kung kakayanin ba nito.

Nung lumapit yung isa, sinipa ko kaagad at tumuba. Kinuha ko yung mga malalaking bubog at tinapat sa kanila. Naramdaman ko ang paghapdi ng likod ko. Parang may dugo na.

"Wag kayong lalapit sa akin kundi matatapos na ang paghinga nyo sa mundong to!"

Lumalayo sila dahil malaki nga yung hawak kong bubog. Sumakay ako sa kotse ko at kinuha yung phone ko nang biglang may humila sa akin na mas malaking lalaki kumpara sa mga kasamahan nya. Tantya ko, sampu sila.

Binitbit nya ako at tinakpan na yung bibig ko kaya nalanghap ko yung chemical. Baket ba sa mga oras na to, hindi ko naisipang uminom non? Nanghina na ako at wala na akong nakita.

=Neil's POV=

Tangina! Kinakabahan ako! Di ako makapag-concentrate. Hiniram ko na nga yung kotse ni Chleo para lang makapunta doon sa mall eh. Kapag may nangyari kay Aicclie, I swear to God na sarili ko ang sisisihin ko.

Nakarating agad ako at pumasok sa loob ng mall. Takbo lang ako ng takbo at hindi ko nararamdaman ang pagod. Wala akong pakealam kung may nagmamanman pa sa akin pero sa ngayon, sa palagay ko eh wala na dahil ang pakay na nila ay si Aicclie.

Napunta ako sa part ng mga benches. Yung pahingahan ng mga tao. Nakita ko sila Zharm, Hara, Yyrissa at Eunice doon.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ni Eunice.

"Si Aicclie, asan?", tanong ni Yyrissa. Bigla na akong kinabahan.

"Di ba kasama nyo sya?!"

"Oo nga. Eh sabi nya, pupunta syang parking kasi naiwan nya ang phone nya", sabi ni Hara.

Napatakbo ako bigla sa parking. May nakita akong parang mga bubog doon at halos manlumo ako. Kotse yon ni Aicclie. Bukas yung driver's seat na pinto at basag yung bintana non. Nakita ko na nasa baba yung phone nya.

Naalala ko yung tumatawag ako nung nasa part na nandito din ako kanina. Nung hindi ko maaninang yung mess na to.

Sinabunutan ko yung sarili ko! Tangina! Nang dahil to sa akin! Dahil sa kagaguhan ko! Dapat ako na lang ulit! Ayaw kong makita na nasasaktan si Aicclie.

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon