EPILOGUE

1.1K 19 0
                                    

=Neil's POV=

"Dada gusto ko ng chocolate"

"Baby Flame, mapapagalitan na tayo ni Mama mo"

"Wala naman po sya eh. Sige na Dada"

Napabuga ako ng hangin. Pumunta agad kami sa estante ng mga chocolates at kinuha ko sya. Napapalakpak naman agad sya.

Oo nga pala, si Flame Harril ay babae. Four years old na sya ngayon. And yes, anak namin sya nino pa ba? Eh di ni Aicclie. Yung features nya, halos lahat sa akin nakuha. Except yung mata, kamukhang-kamukha ng sa Mama nya. Pero ang ugali nya, halos lahat nasa Mommy nya namana.

Well magkekwento ako. Si Eunice at Chleo, may anak na din. Lalaki. Mas nauna sila sa amin. Una piningot si Chleo ni Tito Chronos pero bandang huli, may nalalaman pang kurot sa bewang. Parehas kasing lalaki.

Si Sheila at Mikhail naman, nagulat nang kambal yung anak nila. Parehas babae. Well, pati din naman kami nagulat.

Si Yyrissa at Mike, may anak na. Magdadalawa na nga eh! Hahahaha! Una babae, sunod ata lalaki.

Si Zharm at Nick, may anak na din. Nasa tiyan pa nga lang ni Zharm at kaka-develop pa lang non sa tiyan nya dahil 3 months pa lang. Tanga kasi si Nick! Hahaha!

At yung iba, may anak na din. Lahat sa barkada namin, may anak na. Matagal na din namang taon ang nakakalipas.

Well si Flame napakabasagulera din. Kinder pa lang, nakikipagsagutan na. Sino ba nanay? Napaka-moody at ang hilig magpacute.

Nagbayad na kami sa cashier. Si Aicclie asan? Eh di nasa bahay. Di namin pinapalabas ni Flame dahil, buntis na din sya. Five months. Tapos nagc-crave sya sa juice drinks kaya kami napunta dito ni Flame sa hypermarket at nadamay na naman ang paborito nyang chocolates.

Binuhat ko yung pinamili namin at nilagay yun sa likod ng kotse. Sinakay ko sa passengers seat si Flame.

"Dada, alam nyo po bang ang daming umaaway sa akin"

"Yung mga ganon baby, di na dapat pinapatulan"

"Pero Mama said always fight as long you know you are right. They're fighting with me even though they are wrong"

Napahilot ako sa sentido ko. Napaka-kunsintidor talaga ni Aicclie lalo na pagdating sa mga awayan, debate, sagutan. Lahat na. Pero syempre, mahal na mahal ko yon.

"Pero wag kang mananakit Baby Flame ha. Sige ka, magagalit si Dada sayo"

"I promise Dada. Pero pwede argument?"

"Oo na nga, sige na nga. Hindi naman kita mapipigilan doon pero always remember na makipag-argue lang kapag tama ka, okay?"

"I understand Dada"

Nakarating kami sa bahay namin. Yep, nakapagpundar na kami ni Aicclie ng sarili naming bahay. Parehas na kasi kaming doktor ngayon. Ang bilis kong na-promote dahil mabilis daw akong mag-cope up.

Di lang ako pumapasok dahil gusto kong alagaan si Aicclie dahil nga, buntis sya.

Pumasok ako sa bahay na buhat-buhat yung mga pinamili ko at akay ko din si Flame na may hawak na Barbie. Buti na lang babae si Flame.

"Mama!", sigaw nya at tumakbo palapit kay Aicclie na kakalabas lang galing sa kusina. Niyakap nya ito.

"Baby, andito na ulit si Ate Flame", sabi ni Flame at hinimas yung tiyan ni Aicclie. Nagkatinginan kami ni Aicclie at alam kong natutuwa sya. Parehas naman kami.

"Mama, Dada, maglalaro lang po ako barbie sa taas ha"

"Wag kang magkakalat Flame. Pagtapos maglaro, ligpitin mo yung mga barbie mo ha?"

"Opo Mama"

Umakyat na sya papunta sa kwarto nya at ako naman, hinalikan ko kaagad si Aicclie.

"Eto namang si Neil, makahalik ka naman"

"I miss those lips"

"Miss agad? Para namang pumunta lang kayo ng hypermarket ni Flame ng ilang minuto, namiss mo kaagad ako"

"Every second that you're away with me, I'm missing you"

Kinurot nya ako sa tagiliran.

"Tigil ang paglandi. Tignan mo oh, I'm like Santa Claus. Ang laki-laki ng tiyan ko"

"No you're not. Ikaw nga ang pinakamagandang babaeng nakita ko tuwing nagbubuntis. You're always blooming"

"Wushu. Pakiss nga"

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya.

I know our love story isn't perfect, but we made it right. Naging maayos ang lahat.

May mga problema talagang darating sa ating buhay. Di naman mawawala yon sa buhay natin. And that's the way na binibigay ni God para mas makilala mo yung sarili mo at makilala mo ang taong nagpapahalaga talaga sayo.

In our case, I chose to be the problem for Aicclie. But she figured out who is the real me. Alam namin sa sarili naminna mahal namin ang isa't-isa at kahit na sinong Poncio Pilato pa ang humadlang sa amin, babalik at babalik pa din kami sa isa't-isa.

At ngayon, di ko man masasabi na perpekto na ang buhay namin, masaya na kami ngayon dahil may sarili na kaming pamilya.

Kahit ano pang sabihin nila, she will always be my MISS TROUBLEMAKER.

------------

HUHUHUHUHU GUYS! Another story na natapos. I kennot~ *le cries Han River* But srsly, I didn't expect na three stories ang matatapos ko. And madami pang naghihintay sa phone draft ko. I'm so proud of myself *sumayaw ng Bang Bang Bang*

Thank you sa lahat na naghihintay ng mga UDs. Syempre sa mga friends ko na nagbabasa nito *kaway-kaway* I love you all talaga! Dahil sa inyo, patuloy pa din akong nagsusulat. I love you guys! Mwaaah! ^___^

THANKS FOR ENJOYING THIS STORY AGAIN ^____^

PS: New story na naman ang mapa-publish niteeeyyy~ <3

PSS: Yung teaser nya eh pagtapos nitong epilogue ^__^

=B2stful Author=


Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon