=Aicclie's POV=
Iniwan ko na si Neil. Alam ko na ang bilis ng mga pangyayari. Nagkagusto agad alo kay Neil. Inaamin ko. May gusto na ako kay Neil. Masyadong mabilis dahil hindi ko pa sya kilala.
Nakarating ako sa kanila at nasaan na sila?
"Ate!"
Napalingon ako. Si Chley.
"Asan kayo?"
"Kanina ka pa hinahanap no? Di pa nga nila napag-uusapan eh!"
"Asan ba kayo?"
"Nasa puso ni Neil!", biglang sabat ni Jell.
"Fvck you! Asan nga kasi?"
"Nandoon sa isang room na tagong-tago. Nakalock nga eh"
Pumunta na kami at tama sila. Sa gawing hallway ng building na to na walang ilaw, may isa palang room doon na hindi na nagagamit.
Kumatok ako at may nagbukas naman agad. Infairness ha, ang ganda dito. Di halatang abandonado ang room na to.
"Oh Zecky, bakit nandito pa kayo?"
"Akala mo ba madali yung ipapagawa mo?"
"Madali lang yun kung may pinaglalaban kayo"
Lumabas na kami at si Zeck, Zecky at Wenaiah eh magkakasama. Tawa sila ng tawa na parang nakakatuwa yung pinag-uusapan nila.
Pinagtitinginan nga kami kasi halos lahat ng kasama ko may kulay na buhok. Si Eunice, ako tsaka si Jemillie na lang walang nagbago sa buhok eh. Si Mikhail kasi di talaga magpapakulay tsaka si Mike. Si Jell may brown na nakahighlights. Si Zera naman nakablonde na din pati si Yvan. Si Zecky at Zeck ayaw magpakulay. Yung kapatid ko may balak ata. Malas lang dahil baka hindi ako payagan ni Daddy. Wag na kayong magtaka kung payagan si Chley, lalaki yan, lalaki si Daddy natural, they are tie -_-
Nagulat ako nang pumunta sa harap namin si Serna.
"This is it", bulong ko kay Hara. Nag-apir naman kami.
"Bakit kayo nandito?", tanong nya.
"Pake mo?", sabi ni Wenaiah at umirap pa.
"Lakas ng loob na magpakulay ha—"
"Talaga! Di naman kasi pinagbabawal ang pagkukulay dito sa university na to eh. Tsaka isa pa, may kulay buhok mo no! Color black, matakot ka transparent yan eh di nakalbo ka na" Zecky na nakipag-apir pa sa kakambal nya.
"Ano na namang kaguluhan—Wen, Zeck, Darz?", si Tito Darwin. Natahimik yung tatlo at yung mata nila, full of sadness.
"Wen, Zeck, Darz, kamusta na kayo?"
"Wag mo kaming hawakan. Sana maintindihan nyo kung bakit", sabi ni Zeck na pumiglas sa hawak ng tatay nila.
"Zeck..."
"Di nyo nga kami naisipang ipaglaban sa gagung yan di ba? Kami tong anak nyo, pinabayaan nyong mapalayas. Alam nyo ba yung naranasan namin? Nakatulog ba kayo sa bistro? Nabigyan ba kayo ng pera para lang makaraos kami? Ang mawalan ng tulog? Ang magmukhang kawawa sa harap ng tao ha? Hindi nyo man lang naisip yung Pa", sabi ni Zeck. Mas matanda sya kay Zecky ng 1 minute and 24 seconds. Tapos mas matanda silang dalawa ni Zecky kay Wenaiah ng isang taon.
"Zeck..."
"Pa, gusto kong maayos tayo. Pero gusto kong ipaliwanag nyo kung bakit di nyo kami napagtanggol", sabi ni Zeck.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER