=Aicclie's POV=
(Timeline: October 5 ****)
Second semester na. Mas busy na kasi ako ngayon dahil sa Student Government. Kailangan makagawa na kami ng project or kahit events man lang.
May pinagbago sa schedule ko. Four days na lang ang pasok ko at Monday to Thursday. Kaparehas ko si Zharm at Hara ulit pero si Mikhail at Nick, naiba kasi ang pasok nila Friday to Sunday. Si Neil, malay ko -3-
Naglalakad ako papunta sa locker building. Maaga pa naman at may kukunin ako. May practical test kasi ngayon at kailangan namin ng surgical kit.
Pagkadating ko sa locker ko, binuksan ko iyon at ang daming bumagsak na papel. Ano ba naman? Umupo ako at kinuha yung mga papel.
Napalingon ako, yung katabi kong locker, bukas. Si Neil, nandito. Parehas kaya kami ng schedule? Hay whatever! -3-
Inayos ko yung mga papel na nalaglag. Yung iba di na kailangang basahin dahil love letter lang pero yung iba importante.
Siguro lima lang yung love letter at yung iba ay galing kay Ate Melanie na dating Student Government's President. At yung iba ay kay Tito Darwin.
Napalingon ako kay Neil, wala na sya. Di nga sya umaatend sa mga meeting namin eh. Fvck him! Masyado syang lumalayo. Natakot masapak at masipa -_-
Kinuha ko na yung surgical kit ko at nilagay sa bag ko. Sinarado ko na yung locker ko at naglakad na habang binabasa yung mga letters.
Binasa ko yung isa at puro rules. Nakakadugo ng utak. Tumatakbo na ako habang binabasa ko yung letter nang....
=Neil's POV=
Payapa akong naglalakad dito nang biglang may bumangga sa akin medyo malakas yung impact nun kaya pati ako napaupo pero sa pagkakaalam ko, mas malakas yung impact sa kanya.
Buti na lang napaupo ako at napaharap. Nasalo ko kaagad sya at nanlaki yung mata ko. Si Aicclie. Nakapikit sya.
Dinilat nya yung mata nya nang dahan-dahan at pagkamulat nya, pumikit ulit sya saka dumilat ulit
"N-neil..."
"You're so clumsy"
Nakatitig lang sya sa akin at ako din, parang natulala. Tapos yung ayos pa namin, parang sandigan nya yung tuhod ko tapos nakacling yung kamay nya sa leeg ko.
"I-I think I need to go", sabi nya bigla at tumayo na. Nagpagpag sya ng damit at tumakbo na. Yung puso ko, nagiging abnormal na. Ano bang nangyayari sa akin?
Naglakad na ako papunta sa room namin for Surgical Instructions. May practical test nga ngayon eh.
Pagkapasok ko, naglalagay na yung iba ng rubber gloves, hair net, surgical mask at hospital gown. Binaba ko lang yung bag ko at naglagay na din ng mga yon.
Pagkaayos ko, napalingon ako sa bag na katabi ko. Familiar to. Pati yung dalawa nyang katabing bag, familiar.
"Excuse me... Neil?", si Hara.
Binaba nya yung surgical mask nya.
"Parehas ba tayo ng schedule"
"I don't know"
"Good morning class"
Nakakagulat naman tong prof na to -_-
"Okay, there's a forty human dummy here na parang may problema. As a partner, kailangan maayos nyo yung problema sa kanya. Kung sino ang makakatapos nang malinis, sila ang makakakuha ng highest grades. Use your surgical kits. Now, choose your partner"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER