=Aicclie's POV=
Three months later. Mabilis ang panahon. Malapit na din ang pasukan. Enrollment na naman.
Nothing special happened in my birthday. Binigyan ako ng regalo, binati ako, nag-thank you ako. Kung nandito sana sya—Nevermind.
Magkakasama kami ni Hara, Zharm at Yyrissa dito sa Starbucks malapit sa subdivision namin.
"Hara, kanina pa kami nagkekwentuhan dito at kanina ka pa din hindi umiimik. Alam mo kung hindi lang kita bestfriend baka nagtampo na ako sayo", sabi ni Zharm. Sumipsip lang ako ng kape na iniinom ko. Mochalattè Frappucino.
"Sino ba kasi yang katext mo?", tanong ni Yyrissa.
"Si.. Zander", sagot nya.
"Zander. Zander. Zander. Nakakasawa na. Simula nung lumapit sayo yang lalaking yan, masyado ka na ding nalapit. Ang pangit naman nya", I said and then I rolled my eyes.
"Hindi ko naman kasi sya gusto, kung gusto mo iyo na sya", sabi ni Hara at tumawa.
"Di ko sya type. Di ako mahilig sa panget"
Sumipsip na naman ako ng kape ko.
"Lumayo ka dyan sa lalaking yan, di mo pa sya kilala", sabi ni Yyrissa.
"It's been three months nung mawala sya and I'm pushing myself to move-on", sabi ni Hara.
"Start moving on with your friends, not with your new boyfriend. Hay nako naman, Friend! Tsaka kung pipili ka, paganahin mo taste bud mo sa mata ha. Ang shonget kaya ni Zander", sabi ni Zharm at sumipsip din ng kape.
"Grabe namang lait kay Zander yan ha. Halatang-halata na ayaw nyo sa kanya", sabi ni Hara.
"Well ayaw naman kasi namin talaga sa kanya. Kahit three months na ang nagdaan na nakasama natin sya, wala pa din akon tiwala sa kanya. May pinagtatakpan lang yan kaya ganyan yan at kapag nakuha na nya ang kailangan nya, iiwan ka lang nya", sabi ko at nagcross-arm pa.
"Naiintindihan ko naman ang punto nyo eh—"
"Di mo naiintindihan, kasi kung naiintindihan mo, hindi mo ipipilit ang gusto mo. Kabutihang panlahat hindi lamang sa sarili. Isipin mo din kung anong magiging reaksyon namin kung magkasama at magkadikit kayo lagi. Natural maiinis kami sayo pero kayo, iniisip nyo na masaya kami tulad nya", sabi ni Yyrissa at sumipsip sa kape nya.
"Bakit ba parang may galit kayo kay Zander?", tanong ni Hara.
"Hello, my Friend? Earth to Hara, Hara to Earth. Hindi pa din naman kasi mawawala sa listahan ng pagiging kriminal si Zander dahil sa pagpatay sa pinakamamahal mo!", sabi ni Zharm at parang inis na inis.
"Eh sinabi nya na nga yung totoo di ba? Siya na yung naging daan para makulong si Jeff", sabi ni Hara kaya nasamid kami pare-parehas.
"PANONG NAKULONG SI JEFF?!", sabay-sabay naming tanong.
"Hindi nyo ba alam? Nagkaroon sya ng arrest warrant at ang bahay nya ngayon ang pinapaimbestigahan ni Tito Yyan. Saktong birthday mo non Aicclie nung nangyari yon", sabi ni Hara.
"Oh sht!", sabay-sabay naming sabi nila Yyrissa. Napatayo agad kami at inayos yung gamit namin.
"Saan kayo pupunta?", tanong ni Hara.
"Kay Jeff", sabay-sabay naming sabi.
NASA kotse kami ni Zharm ngayon. Naiwan na naman si Hara. Kaming tatlo kasi nila Yyrissa, hindi naniniwala sa mga pinagsasasabi ng Zander na yon. Halatang walang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
JugendliteraturAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER