Chapter 45: Outing

449 12 0
                                    

=Aicclie's POV=

Ang sarap-sarap ng tulog ko. Lamig kasi eh. Kinapa ko yung yakap ko. Dumilat ako at tinignan yung side ko, asan na yon?

Tumayo ako at nagpuntang cr. Tinignan ko yung oras. 3:45 am na pala. 5 pa naman ng madaling-araw ang alis eh.

Pagkalabas ko ng banyo, saktong kakapasok lang din ni Neil.

"Kanina ka pa gising?"

"Yeah. Tinutulungan namin ni Chley si Tito Chronos na mag-ayos ng ibang daldalhin"

Tumango-tango ako at bumalik sa pagkakahiga sa kama.

"Wag ka nang matulog, gising na"

"Tinatamad pa ako. Ang aga-aga pa oh!"

"Hindi, gising na"

"Hindi ako matutulog, hihiga lang ako! Sayang yung lamig ng aircon"

He just sighed at umupo sa gilid ng kama.

"Alam mo, ang kulit-kulit mo"

"Maganda naman!"

"Anong connect non?"

"Ayaw mong ikonekta? Break na tayo!"

"Hot mo naman, niloloko lang kita, alangan namang hindi ko malaman yung connect non. Ganda mo kaya kapag nangungulit"

Wow naman! Napagkonekta nga!

"Tigil, kinikilig ako!"

Bigla syang yumakap at hinalikan ako sa ulo. May narinig akong kumakatok.

"Te, kain na daw muna almusal", mukhang si Chley.

"Tawag na tayo", sabi ko at tumayo na kami. Pagkalabas namin, nakita ko si Cane na pinaglalaruan yung artificial bone. Binaba na kasi si Cane dito eh.

"Morning", bati ko at nag-inat.

"Morning din!", masiglang bati sa akin ni Chley.

"Morns", sabi ni Eunice at naghigab. Humiga ulit sya sa hita ni Chley at pumikit.

"Kakain na, Nice", sabi ni Chley at inalog-alog si Eunice.

"Five minutes"

"Five minutes o iiwan ka namin?"

Tumayo bigla si Eunice at pumunta sa kusina. Sumunod ako at nakita kong tumutulong sya kila Mommy na mag-ayos ng kakainin.

Umupo na ako at yumuko. Inaantok pa ako. Pagkaaga-aga pa kaya.

"Aicclie, ayusin mo itsura mo. Nasa harap ka ng mesa"

Napataas ulit yung ulo ko at inayos ko yung buhok ko. Napa-pout ako nang biglang pumasok si Neil na tumatawa. Pinagtatawanan ako, malamang.

PAGKAKAIN, nagpalit si Eunice at Neil. Dito maliligo si Eunice. Pinauna ko muna sya kaya ako, nakahiga ngayon. Inaantok pa talaga kainis.

Binuksan ko na lang yung tv at bigla akong nabuhayan. White House Down palabas. Channing Tatum my loves *0*

Tutok na tutok ako sa panonood ng biglang may kumalabit sa akin. Si Eunice na nakashort at t-shirt na color blue na plain lang. Tapos ngayon, nagpapatuyo sya ng buhok.

"Bakit?"

"Tutok na tutok ka dyan. Maligo ka na"

Napa-pout na naman ako. Pumasok ako sa banyo at after 20 minutes eh natapos akong maligo. Ganon ako katagal maligo.

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon