=Aicclie's POV=
Nakarating ako sa storage building at nagulat ako nang may tumulak sa akin at muntik kong mabitawan yung fuse.
"Akin na yan!"
Tinignan ko yung nang-aagaw. Si Chley.
"Bakit? Ikaw ba kumuha?"
"AKIN NA SABI EH!"
Tumakbo ako papaalis at papuntang second floor kung saan nandoon ang pinakaayusan ng kuryente.
Nagmadalinh kinabit ko yung breaker at yung fuse pero bago ko pa man maibaba yung pinaka-breaker, tinulak na naman ako ni Chley. Loko tong batang to.
Sinipa ko sya sa tiyan pati sa tuhod kaya napaluhod sya. Agad na hinila ko yung breaker at nagkaroon ng ilaw.
"YAHOO!", I shouted. Itinapat ko sa mukha ni Chley yung kamay ko at inabot nya naman.
"Wala ka pa ding kupas. Akala ko makokonsensya ka na ibigay sa akin kasi alam mong galit ako sayo. Galing talaga ng Ate ko", sabi nya at niyakap ako.
"Baket una pa lang hindi mo na ako binaril?"
"Una, ayaw kong matalo ka. Imposible din naman kasing matalo ka. Ikaw? Eh ipinaglihi ka ata kay Road Runner. Tsaka isa pa, ubos na din yung paint ko", he said and laughed.
Sabay kaming bumaba at nagtatawanan na.
"Sorry Chley ha"
"No Ate, sorry. Lahat nang sinabi ko, walang katotohanan yun. Daloy lang ng dugo yun kaya nagalit ako sayo pero wala lang talaga yun"
I smiled at him at naglakad na kami palabas.
'Fourth year won'
I heard from the mic.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang nung tagong side na yon, ang dami nang sumalubong sa akin.
"NANALO TAYO AICCLIE!", sigaw nung mga kabarkada ko.
"Ikaw kasi Chley eh! Dapat kinonsensya mo pa ng konti! Ako nga unang binaril nyan!", sabi ni Jell. Binatukan tuloy sya.
"Eh kung hindi ako naubusan ng pintura eh di sana natupad yung plano", sabi ni Chley.
"Ano bang plano?", tanong ni Wenaiah.
"Kasali ka?", panloloko ni Chley at Jell.
"Aba't—"
'All students, proceed at the quadrangle'
Sabay-sabay kaming pumunta sa quadrangle.
"Galing talaga ni Friend!", sabay na sigaw ni Hara at Zharm saka ako niyakap.
"Ewan ko sa inyo!", sabi ko. Paulit-ulit ang compliment. Kaumay.
"Aicclie, pwede ba tayong mag-usap?"
Napaharap kami. Si Kris.
"Sige, una na kami ha. Sunod ka na lang!", sabay-sabay na sabi nung barkada ko.
"Ano?", I asked him.
"Can we be friends?"
"We're friends"
"Aicclie"
"Seriously speaking here, magkaibigan tayo"
"Pero—"
"Kris, alam ko ang gusto mong mangyari. Di ko naman sinabing masamang hindi tayo pwedeng maging magkaibigan. Pero sana naman maintindihan mo na hanggang doon lang"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER