Chapter 66: Brave

411 10 0
                                    

=Aicclie's POV=

"Pano dapat yung mga ganong lalaki hinahayaan na lang mamatay kesa gamutin pa eh! Mas maganda nang maubos ang dugo non kesa naman mang-manyak pa ng babae!", sigaw ni Zera. Kilala nyo naman yan di ba? Pinakabrutal mag-isip sa amin yan. Nakwento kasi ni Yyrissa yung nangyari sa kanya kagabi.

"Hindi na tuloy tayo makakapaghanap ng chix tuwing gabi, Nick—Aray!", di na natapos ni Mikhail yung sasabihin nya nang hambalusin sya ni Zharm ng clipboard na nasa tabi nya.

"Ikaw, magkakaanak ka na! Tapos idadamay mo pa yunh boyfriend ko sa kalandian mo! Tigilan mo ako Mikhail baka hindi lang clipboard ang ihambalos ko sayo"

"Ang OA mo Zharmhail!"

"Panget ka pa den!"

"Manahimik nga kayo", sabi ko. Natahimik naman sila. Takot lang nila kung hindi sila tumahimik. Busy kasi ako kakalaro dito ng Happy Mall. Kung ano yon, wag nyo nang alamin. Pangbatang laro to pero maganda. Para akong may sariling mall.

"Happy Mall no? Akala ko pa naman COC!", sabi ni Chley at tumawa pa.

"Ano bang pake mo? Kesa naman sayo, kalalaking tao, selfie ng selfie!"

Bigla naman silang tumawa lahat. Nga pala, break namin kaya nakatambay kami dito sa coffee shop sa baba ng ospital.

"Eh anong masama kaka-selfie? Pinapakita ko lang kapogian ko"

"Wala nang pag-asa yang mukha mo. Wag mo nang ipagpilitan"

At tumawa na naman sila. Kahit si Eunice at Yyrissa eh natatawa.

"Oh talaga? Magkamukha kaya tayo, Ate"

"Pero mas lamang ako sayo"

At tumawa na naman sila. Seriously? Nagmumukha kaming clown dito. Ay mali, si Chley lang pala. Ang ganda ko namang clown.

"Si Aicclie may iniisip na kakaiba", sabi ni Zeck.

"Naka-smirk kasi eh", sabi naman ni Zecky.

"Kapag ba binato ko kayo ng stilleto na suot ko, magkakabukol kayo?"

"Depende sa ulo. Si Zeck di tatalaban nyan", sabi ni Zecky saka tumawa.

"Lul, Bro! Sino kaya sa atin no?"

"Sino nga ba? Kitang-kita naman ang resulta!"

"Mayabang ka na ha? Porket dumating lang si Zhymmie nagkaganyan ka na? Baka gusto mong sabihin ko sa kanya na..."

"Na-ano? Sige sabihin mo! Mas madami ka kayang tinatago! Alalahanin mo, brutal si Zera"

Namutla naman bigla si Zeck dahil sa sinabi ng kakambal nya.

"Guilty si Zeck oh! Namutla!", sabi ni Yvan saka tumawa. At dahil doon, napagtripan na sya nung mga lalaki. Ang dating nambubully, sya na ang binubully.

"Wala kang pakealam kay Kuya?", tanong ni Wenaiah kay Zera.

"Mamaya. Kapag wala na kayo. Makikita nya. Sa ngayon, busy pa kasi ako sa cold frapuccino na iniinom ko", sabi nya at sumipsip sa straw. May iniisip na kabrutalan yan sa utak nya kaya ganyan yan.

Lumingon ako sa labas at sakto namang may nakita akong papasok dito sa ospital. Si Kris.

"Babalik lang ako sa office ko ha"

Tumango naman sila. Nagmadali akong umakyat at sumakay sa elevator kung saan ang nakakasakay lang eh kaming barkada, si Tito Richard at ang mga magulang namin. VIP kami baket ba? Kaya kapag sasakay ka dito, may ID ka ng elevator na to. Oh di ba? Ang galing?

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon