=Aicclie's POV=
Five months has passed. Medyo close na si Kris sa barkada namin.
Magkasama kami ngayon sa bench dahil may hinihintay kami sa mga kabarkada namin.
"Nagugutom ka na? Kanina pa tayo naghihintay dito. Ang tagal nila", sabi nya.
"Kung gusto mo umalis ka na kung nabobored ka na. Itetext na lang kita pagkadating nila"
"Tampo ka naman agad. Alangan namang iwan kita dito"
Di na ako sumagot. Naisipan kong tawagan si Hara at sumagot naman agad sya.
'Baket?'
"Anong baket? Kanina pa po kami naghihintay dito"
'Asan ba kayo? Naghihintay din kaya kami dito. Ang tagal-tagal nyo nga eh. Akala namin nagd-date pa kayo'
"Baket? Asan ba kayo?"
'Nasa auditorium po'
"Eh di ba sabi nyo sa bench?"
'May sinabi ba kami? Ang sabi namin kita-kita tayo sa tambayan di ba? Kailan pa natin naging tambayan ang mga kalat na bench sa university?'
Napabuga ako ng hangin.
"Fine. Pupunta na ako dyan"
And she ended the call.
"Asan daw sila?"
"Audi", I answered saka naglakad.
"Uso manghintay Aicc. Sinamahan kita ng pagkatagal-tagal doon"
Huminto ako at humarap sa kanya.
"Hindi ko naman sinabi na samahan mo ako di ba? Wala akong pakealam kung iniwan mo ako doon kanina pa"
I rolled my eyes saka naglakad ulit.
"Bakit ba ang init lagi ng ulo mo?"
"Kasi nakakairita ka, kuha mo?"
Nanahimik na sya at good thing. Sanay na sya sa akin. Ayaw ko pa din kasing maging clingy sa mga lalaki di tulad dati. Ang mga kaclose ko lang lalaki eh yung mga kabarkada ko.
Pumasok ako sa auditorium at nakita ko sila doon na nag-uusap-usap.
"Hi Miss Common Sense!", sigaw ni Zeck at tumawa.
"Manahimik ka o pasasabugin ko yang bungo mo?"
"Oh bakit parang nalugi yang si Kristoffer?", tanong ni Jell. Tinignan ko si Kris at nakasimangot.
"Wag kang sumimangot. Para namang hindi ka nasanay na sinasabihan kita ng nakakairita ka"
Umupo na ako sa tabi ni Zharm at Hara.
"Ang hard mo naman kay Kris", sabi ni Zharm.
"Eh anong magagawa ko? Masyado syang lumalapit sa akin. Ayaw ko pa"
"Naku! Kaya naman pala, naf-fall ka na ba?", pang-iinis ni Hara.
"Alam nyo, kahit isang dekadang taon pang manligaw yang si Kris, wala akong pakealam"
"Bakit? Nanliligaw ba sya?", puzzled nilang tanong.
"Di nya pa sinasabi na nanliligaw sya pero base sa limang buwan naming laging magkasama, yung mga ginagawa nya, mga the moves na yon. Kumukuha lang ng tyempo yan. Sa madaling salita, torpe sya"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER