=Aicclie's POV=
Pagkaharap namin sa stage, nagsigawan at nagpalakpakan yung mga tao. Si Gleminis naman, kumakaway pa. Feelingera -_-
Saya nga eh, kami lang magkalaban. Gisado tong babaeng to sa akin.
Napalingon ako sa harap, si Neil nanonood sa pinakaharap kasama yung iba pa.
"Okay, dahil running for president kayo, may naisip kaming twist", sabi ni Zecky kaya napalingon agad ako sa kanya. Kapag si Zecky ang nag-isip, matakot ka na -_-
I gave him death glare pero ngumiti lang sya ng nakakaloko.
"Yep! Ganto ang mangyayari, kailangan masagot nyo ang tanong na ibibigay ni Wenaiah", sabi ni Zeck kaya napalingon si Wenaiah sa kanya. Halatang yung kambal lanh yung nagkakaintindihan eh. Wenaiah rolled her eyes.
"Yeah, give me the bowl", sabi ni Wenaiah kaya bumunot na sya.
"Gleminis Joe, you are first. This is the question. Bakit hindi kailangan gamitin ang kasikatan sa ating university?"
Napangiti naman sya kaya napatingin ako kay Gleminis.
"First of all, kapag kasi ginamit mo ang kasikatan mo, may mapapala ka ba? Wala naman di ba?", sabi nya. I rolled my eyes to her. Nakita kong lumingon sya sa akin at inirapan din ako "Tulad ng iba dyan na masyadong feeling sikat. Back off", sabi pa nya.
"Excuse me Miss Oh-So-Perfect! Kung magpaparinig ka wag sa taong kaharap mo. Alam mo bang mas nakakababa pa ng tingin sa mga tao yang ginagawa mo? Isa pa, ako? Feeling sikat? Oh c'mon! Di porket girlfriend ka ng sikat feeling mo sikat ka na din! I'm not famous and if I'm famous don't worry, I'm not using it para magustuhan ako ng mga tao. Dahil ang tunay na sikat hindi lang sa kilos magaling kundi pati sa isip"
Nagpalakpakan naman yung mga tao. Napatingin ako kay Nick. He looks confused.
"Excuse me Miss Feelingera. Hindi ko ginagamit yung fame ko—"
"Hindi mo talaga magagamit dahil wala ka naman non. Ikaw nga ang dapat tawagin na Miss Feelingera eh. Isipin mo nga, kung ikaw ang magiging presidente at titingalain naming mga estudyante dito, sa tingin mo ba nakakatuwa? Hindi! Nakakasilaw pa nga dahil dyan sa angking kayabangan mo. Feelingera ka na nga, tanga ka pa"
Naghiyawan na naman yung tao.
"Wait, did you just say na mayabang ako? C'mon Miss Fire! Sa ating dalawa, sinong mas mayabang? Di ba ikaw? Bakit ? Kasi di ba kilala kang flirt sa school na to"
Nag-init bigla yung dugo ko. Ayoko sa lahat yung sasabihan ako ng taong kinaiinisan ko ng ganon.
"Excuse me? Did you know me well para pagsabihan ako na flirt ako? Sa ating dalawa, sinong mas karapat-dapat na maglingkod? Di ba ako? Ang alam mo lang naman ay magpasikat sa buong university eh. Di uubra yun dito. Utak ang labanan dito hindi kaartehan. Kung wala kang utak, talo ka kaagad. Don't worry, kita naman sayo na talo ka naman agad!"
Di na sya nakasagot. Binalibag ko yung mic na hawak ko kay Zecky at nasalo nya naman. Wag kayong mag-alala, pinatay ko muna bago ko binalibag.
Bumaba na ako at nagtuloy-tuloy sa kung saan. Nakakaburyo amp -_-
"Woah! Ang hot ng laban! Unang nagbigay ng mic si Aicclie meaning sya ang nagtapos ng debate nila ni Gleminis", rinig kong sabi ni Zecky. Narinig ko yung mga yabag na sumusunod sa akin kaya humarap ako bigla at nagulat sila pare-parehas.
"What?"
Di sila nagsiimik.
"Key?"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER