Chapter 53: Anxiety

424 12 0
                                    

=Aicclie's POV=

"Patay na daw si Jeff?"

"Oo nga eh. Eh di ba, kakalabas nya lang sa kulungan?"

"Oo nga eh, nakita nyo ba kahapon yung itsura nya? Nakakadiri"

"Karma na din yan sa kanya kasi mapanloko sya"

Natotorete na yung eardrums ko nang dahil sa mga tsismis na naririnig ko.

"Nakita mo ba sila Aicclie? Baka may kinalaman sila?"

Napabuga ako ng hangin. Baket ba nadadamay kami?

"Natural may kinalaman sila"

Napaharap ako ng di oras. Si Jermilie. Lumapit ako sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa.

"Bakit, insecure ka sa akin?"

"Tinignan lang mula ulo hanggang paa, insecure agad? Di ba pwedeng napagkamalan kong paa yung mukha mo?"

Akmang sasampalin nya na ako pero nagsalita agad ako.

"Subukan mong sampalin ako. Hindi mo ba alam na, napapansin ko, maaaring ikaw yung pumatay kay Jeff?"

Ramdam ko na nagtinginan lahat.

"A-anong sinasabi mo?"

"Why stutter? Tsk tsk, napaghahalataan ang iyong hidden agenda"

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Yung mga oras na kayo ni Jeff, girlfriend nya din ako. Sadly, mas sineryoso nya ako kesa sayo. Isa pa, masyado mong minahal si Jeff kaya ngayon, naiinsecure ka. Alam mo bang isa ka sa mga suspicious suspect ngayon dahil sa pagkamatay ni Jeff?"

Bigla nya na lang ako sinampal.

"Mayabang ka! Panget ka naman! Pati ugali mo panget! You're a bitch!"

"Same too you, bastard"

Tumakbo sya palabas ng building at lahat nakatingin sa akin. Asan ba yung mga kabarkada ko?

Naglakad na ako papunta sa tulay na nakadugtong sa locker building at sa nursing building. Doon, napansin ko si Jermilie. So sad at dito pa sya nag-emote.

Maglalakad na sana ako pero bigla akong kinilabutan. Someone is staring at me and hindi ko alam kung saan galing.

Hindi ako makapaglakad ng maayos. Lalo na nung nadaan ako sa tapat ni Jermilie. Feeling ko may papatay sa akin. Kaya tumakbo ako ng mabilis at may naririnig akong mga yabag na parang tumatakbo din. Hindi ko malingon kung sino yung humahabol sa akin.

Nagulat ako nang may nakabunggo ako.

"Ate, bakit parang ang daming humahabol sayo?"

Si Yvan. Napayakap ako bigla sa kanya.

"Hoy Ate, bakit na naman? May nangyari ba? Wag mo nang isipin yung kay Jeff"

"May papatay sa atin"

"Ate, ano bang pinagsasasabi mo?"

"Yvan, may nakatingin sa akin kanina"

"It's just an anxiety, Ate"

"It's not anxiety. Totoo lahat ng nakikita ko"

Naramdaman ko na hinagod nya yung likod ko.

"Wag mo na kasing isipin yung nangyari kay Jeff. Wala tayong kasalanan. Wala kang kasalanan"

Kumalas sya sa yakap at ramdam na ramdam ko yung paghahabol ng hininga ko

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon