=Aicclie's POV=
"Ate! Gising na! May pasok ka pa!"
Pang-ilang ulit na bang sinigaw ni Chley yun.
"KAPAG HINDI KA LUMABAS DYAN, BABARILIN KITA!"
Napatayo ako nang di oras. Yung tipong di pa tumutunog yung alarm clock mo tapos nauna pang nang gigising yung human alarm clock mo -_-
Binuksan ko yung pinto at nagising ata ako sa pagpitik ni Chley sa noo ko.
"Pang-pitong beses ko nang sigaw yun! Kahit kailan ka talaga!"
Pinitik ko din sya sa noo.
"Di ba dapat natutulog ka pa kasi mamaya pa ang pasok mo? Eh nahiya naman ako sayo kasi nauna ka pa sa akin!"
Pinitik nya na naman ako sa noo.
"Nagpalipat ako ng oras ng pasok! Pare-parehas na tayo ng oras!"
"Baket na naman kayo nagpapalit?"
"Baket ba? Ayaw namin ng masyadong gabi. Pare-parehas kaming inaantok", he said and then laughed.
"So proud ka nang may magigising ka ulit?"
"Oo naman! Eto kaya ang trabaho ko na walang bayad. Ang pagiging human alarm clock nyo!", he said again and laughed.
"Teka, sila Mommy, alam mo kung asan?"
"Kahapon, nung umuwi ako. May narinig akong kakaiba. Doon sa guest room tapos nawala yung tonic drink ko sa mini ref ko sa kwarto. Baka nauhaw si Daddy kaya ininom yung akin"
Natawa naman ako bigla. Tinignan ko si Chley na biglang humawak sa magkabilang balikat ko.
"B-baket?"
"Tumawa ka, Ate? Tao ka naman? Omygad! I'm so proud of you!"
He said and hugged me.
"H-hey! I can't breath tsaka tao naman talaga ako eh!"
Kumalas sya sa yakap. Nagulat ako nang bigla syang pumalakpak.
"Dapat pala lagi kong ipapainom kay Daddy yung tonic drink tapos ikekwento ko sayo nang matawa ka lalo"
Binatukan ko sya bigla at natawa sya lalo.
"Mas proud na talaga ako na napatawa kita! Ibig sabihin ba nyan, move-on ka na?"
"Di porket natawa ako, move-on na ako. I may be laughing outside but inside, I'm dying"
"Drama mo Te, halika na nga. Nag-bake ako ng cookies", he said and put his arms in my shoulder.
"Kailan ka pa natutong mag-bake?"
"Kay Kuya Jezz"
"Nagpaturo ka pala doon?"
"Hindi ah! Ako mismo nagbake nun kesa nga lang, muntik nang magkasunog non sa kusina sa bahay nila Hara", he said and laughed.
We sat and he served me. I taste the cookies at napangiti ako bigla.
"Sabi na eh! Ako lang ang nakakagawang makapagpangiti sayo eh! Lagi na din akong magb-bake nang mangiti ka na!"
I drunk my milk that he gave to me.
"Thank you Chley"
Napangiti sya at niyakap ako mula sa likod.
"Naku naman Ate! Nagdadrama ka na naman! Wag ka nang iiyak ha? Lagi ka nang ngingiti tsaka tatawa. Nakakaproud kasi feeling ko, bumalik ka na sa dati"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER