=Aicclie's POV=
Nandito na kami ni Neil sa school. Nirereview namin yung report namin.
"Di ka naman siguro bumili ng aphrodisiac di ba?"
Umiling sya.
"Good. Maiintindihan naman ni Maam kung bakit wala tayo non"
Nginitian nya lang ako.
DUMATING yung oras ng reporting at wala pa sya. Nilabas ko na yung phone ko para tawagan sya pero bigla syang dumating.
"Saan ka ba nanggaling?"
Huminto sya sa tapat ko at hinawakan yung tuhod nya. Hingal na hingal sya.
"May kinuha sa locker", sagot nya habang hinihingal. Naglakad na kami sa hallway.
"Naku! Yang dalawang yan, porket mataas ang posisyon sa Student Government, ang yayabang na"
"Kaya nga eh. Nakatsamba lang naman"
"Mas mabait pa nga sa kanya si Gleminis"
Nagpantig ata yung tenga ko sa huli kong narinig. Humarap ako sa mga babaeng mga tsismosa kaya napahinto na din si Neil.
"Anong sabi mo? Mas mabait pa si Gleminis sa akin?"
Di sila nakasagot.
"Ang kapal nama ng mukha mo para sabihin na ginagamit ko yung posisyon ko. FYI, sa tingin mo ba ginusto ko to ha?! Tsaka kung may pag-uusapan kayo, pwede ba wag yung rinig na rinig nung pinariringgan nyo. Napaka-echosera nyo, ang papanget nyo naman!"
Hinawakan na ako ni Neil sa kamay.
"Mahuhuli pa tayo sa klase", sabi nya na lang. Naglakad kami papasok sa computer room dahil doon magpepresent. Doon lang kasi may projector.
Umupo na kami ni Neil sa mga monoblock doon. Nagbukas na din kami nang laptop. Laptop ko gamit.
May konting edit lang sa background pero sa mga infos, wala na. No need xD
"Good Morning Class"
Bumati na din kami.
"Okay, ngayon kayo mag-eexplain ng tungkol sa mga medicine. Bubunot ako at kung sino mabubunot, natural sila ang una"
Bumunot na si Maam at buti na lang hindi kami.
MATATAPOS na pero di pa kami natatawag. Nabobored na nga ako eh. Panget kasi nila mag-explain xD (Mahangin! -_-)
"Now, Miss President and her Secretary. Aicclie and Neil"
I rolled my eyes. Gagawa pa ng isyu eh. Kinabit na ni Neil yung adapter ng projector sa laptop ko at ako na ang first move.
"Well, good afternoon to all of you. We're going to discuss all about the medicine Aphrodisiac"
Natapos na ni Neil yung pag-ooperate at binuksan nya yung powerpoint.
"Okay guys, let's get started. An aphrodisiac is a substance that, when consumed, increases sexual desire", that's Neil. Nakita ko yung reaksyon ng mga kaklase namin. Yeah, medyo awkward. "Meaning, if you take this medicine...", tinignan ko sya at nanlaki yung mata ko, may example sya. "It can cause a wild sex or let's say wild making love"
Nginitian ko sya kahit ang awkward nung sinabi nya.
"Yes Neil is right. Well, let's talk about it's history. The name Aphrodisiac comes from the Greek word 'aphrodisiakon' means 'sexual, aphrodisiac' and from aphrodisios, means "pertaining to the Goddess of Love, Aphrodite'"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER