=Aicclie's POV=
"Nagkabalikan na pala kayo?", sabi ni Gleminis. Tinignan ko sya sa mata, parang natatakot sya pero parang biglang nag-guilty.
"Di mo ba nagustuhan yung halik ko Neil?", tanong nya bigla. Di na dapat ako sasagot pero pinapainit nya ulo ko.
Tinaas ko yung kamay namin ni Neil. "Di mo ba nakikita to? Hindi ba obvious? Tsaka wala na sa kanya yung halik mo, kasi pinaubos ko na lahat ng toothpaste at mouthwash. And yes, magkasama kami kahapon. Magkatabi kami. Oh ano? Ano pang ilalaban mo ha? Tigilan mo na ako Gleminis. Or tamang sabihin na tigilan mo na KAMI"
Hinila nya na si Zecky at nagflip hair pa.
"Overprotective"
"You don't care"
=HER POV=
"Zecky, nahihirapan na ako"
"At nahihirapan na din ako. Lumalayo si Zhymmie sa akin"
"Sorry Zecky"
"Bakit ba kasi kailangan mo pa akong idamay dito Glem? Pati ako nagmumukhang-masama"
"Ayaw mo na ba?"
Hindi sya sumagot. Tinawagan ko na si Serna.
'Hello?'
"Serna?"
'Yes?'
"Si Neil at Aicclie.... Nagkabalikan na"
'ANO?! PANO NANGYARI YON?!'
"Sorry Serna"
'Anong sorry? Gumawa ka ng paraan! Kailangan makuha mo si Neil, maliwanag?'
"Masusunod"
Tapos in-end ko na.
"Ano na?"
"Gagawa tayo ng plano"
"Ikaw lang Glem, hindi ako kasama"
"Tulungan mo ako Zecky"
"Ayaw ko, ayaw ko na Glem"
At iniwan nya na ako. Nakita ko pa sya na hinila ng mga kapatid nya.
"Bakit mo pa kasi ginagawa lahat ng to Glem?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Marco.
"Anong ginagawa mo dito?"
Umupo sya sa tabi ko.
"Alam mo bang namimiss ko na yung mga oras na tayong dalawa laging magkasama. Yung masaya lang tayo. Yung mga oras na wala tayong problema"
Tinignan ko sya. Hinawakan nya yung kamay ko.
"Glem, tama na. Bumalik ka na sa akin. Wag na kay Canon, kahit ako na lang ulit Glem"
Umiling-iling ako.
"Marco, please naman. Ayaw ko na, hindi na kita mahal"
"Pero masasaktan ka lang kay Canon"
Napatahimik naman ako.
"Glem, please"
Kinuha ko yung kamay ko.
"Please, ayaw ko na Marco. Magmove-on ka na"
Tumayo na ako at naglakad paalis. Di ko na naman talaga gusto si Marco eh. Pero, kasi, may puwang pa rin sa puso ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER