=Neil's POV=
Naalimpungatan ako nang may marinig akong ingay.
"Pre! Ligo na tayo!", aya sa akin ni Mikhail.
"Papalit lang ako"
Kinuha ko yung summer short ko at nagpalit sa cr tapos nagsuot ng sando. Mamaya na ako maghuhubad.
Pagkalabas ko ng banyo, sakto namang palabas na sila Mikhail.
"Gising na si Neil?", may narinig akong nagtanong.
"Yeah, magbibihis lang daw sya", mukhang sagot naman ni Mike. Nakarinig ako ng mga yabag ng mga papaalis na tao.
Lumabas ako at may nakita akong babae na nakatayo sa hindi kalayuan. Nakatalikod sya sa akin. Ang sexy nya. Nakared sya na swimsuit tapos nakasee-through na damit tapos blonde yung buhok. Teka, blonde?
Teka
Bigla namang humarap yung babaeng pinagpapantasyahan ko kanina. Tama ako, si Aicclie nga!
Binaba nya yung shades nya at bigla akong nginitian. Tumakbo sya papunta sa akin at yumakap sa akin. Ang ganda nya, kainis!
"Hi Neil! Ang pogi mo lalo na, messy hair ka ngayon"
"You look.... gorgeous, stunning, lovely and awesome"
"Bola-bola kang lalaki ka!"
"I'm serious"
Bigla naman syang kumalas sa yakap at hinawakan yung dalawa kong kamay. Tumingkayad sya at hinalikan ako sa labi.
"I love you", sabi nya sabay ngiti.
"I love you too"
Ngumiti sya at nagulat ako nang hilahin nya ako sa dagat.
"Hoy sandali lang!"
Di sya nagpatinag at saka tinanggal yung see-through nyang damit saka binalibag kung saan. Tumakbo kami papunta sa dagat pero nandon lang kami sa bungad.
"O, bakit andito na lang tayo?", natatawa kong tanong. Napatingin naman sya sa ibang direksyon.
"Di ka marunong lumangoy?"
Bigla naman syang napa-pout kaya nahalikan ko sya bigla.
"Tuturuan kita, okay?"
"Baka iwan mo ako"
"Di kita iiwan"
"Promise?"
"Promise"
"Promise, lasang kamatis?"
"Kailan pa nagkalasa ang promise?"
"Slow naman neto"
Bigla ko syang binuhat nang pa-bridal style tapos pumunta sa mas malalim na part.
"Neil! Wag dito!", sabi nya at pinapalo ako sa dibdib.
Di ko sya inintindi at saka ko sya ibinaba sa tubig.
"Lulubog tayo parehas"
"Ayaw ko, mawawalan ako ng ha—"
Di nya na naituloy yung sasabihin nya nang ilubog ko yung katawan namin sa dagat.
"Hhmmmppp"
Ang gulo-gulo nya. Para syang natataranta. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya bigla. Para bigyan din sya ng hangin.
Tumutugon naman sya sa mga halik ko kaya napangiti ako. Umahon ako at bigla syang yumakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER