=Aicclie's POV=
"Daddy! Para magpapakulay lang ng buhok! Bakit si Mommy pinapayagan mo tapos ako hindi! Ang unfair mo!", sigaw ko.
"Anak, masisira ang maganda mong buhok", paliwanag ni Daddy.
"Napaka-OA nyo po! Sa buhok ko nag-care kayo pero kay Chley hindi! Halatang ayaw nyo lang akong payagan"
Nakita ko pa si Chley na tumatawa na nasa likod ni Mommy. Pagkauwi ko kasi galing sa ospital, nagpaalam na ako na magpapakulay ako ng buhok. Tapos eto na ang sitwasyon ko ngayon -_-
"Eh alam mo naman pala na ayaw ko, pinipilit mo pa"
"Daddy! Kaya nga kita pinipilit para payagan mo ako!"
"Ayaw ko"
"Daddy!"
"Ayaw—"
"Sige na Aicclie, okay lang sa akin", sabi ni Mommy. Napatalon ako at niyakap sya.
"I love you Mommy. Mother knows best talaga", sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.
"Hoy Dalanccie! Masyado mong iniispoiled yang panganay mo!", sigaw ni Daddy.
"Oo nga Daddy! Inaaway tayong dalawa lagi!", sabi ni Chley na nakayakap pa kay Daddy.
"Hoy Chronos! Masyado mo ding iniispoiled yang bunso mo!", sabi naman ni Mommy. Dinilaan ako ni Chley kaya napairap ako. Bwiset talaga -_-
"Mas iniispoiled mo yang anak mong babae! Porket babae kayo parehas!", sabi ni Daddy.
"And so kung babae kami parehas? Nagkakaintindihan kami di ba? Tapos nagkakaintindihan kayo so quits lang tayo", sabi naman ni Mommy.
"Kayo, porket alam nyong kaya nyong alilain yung mga lalaki", sabi naman ni Daddy.
"Wag mo akong kakausapin Chronos James Marcus!", sabi ni Mommy na naglakad paakyat.
"Hala lagot ka Daddy!", sabay pa naming sabi ni Chley with matching hand gestures pa.
"Kasi kayo! Sinimulan nyo!"
"Eh di kayo naman magtapos"
Umakyat na din sya at mukhang may mangyayaring di maganda (-_-) If you know what I mean. It is something... Gross (-_-)
Nagbihis na ako at ayun saktong tinatawagan na ako ni Jemillie.
'Babae! Asan ka na?'
"Nasa likod mo. Lingon ka"
Natahimik sa linya kaya natawa ako bigla. Narinig ko na parang may tumawa. Tawa ni Eunice.
"Naniwala ka naman, nasa bahay pa bakit?"
'Gaga! Nasa baba na kami!'
"Nasa baba pala eh tapos hinanap mo ako sa likod mo. Abnoy ka?"
'Whatever! Bumaba ka na dyan! Akala mo ba madaling magpaombre ha?'
"Fine", and I ended the call.
Bumaba na ako at nakita ko sila sa sala. Si Chley, ayun kumakanta sa kusina.
"Halika na nga, may nababaliw na dito", sabi ni Eunice at lumabas na.
Gagamitin namin yung kotse ni Jemillie.
"First time mo atang magpapasakay dito"
"May bago na kasi akong favorite na kotse. Ayaw ko na sa kanya", sabi nya at tumawa pa. Well kasi mahilig kasi syang kumolekta ng kotse at si Yyrissa, sa maniwala kayo at sa hindi, ang dami nang lisensya non. Hindi para sa kotse. Para sa baril -_- Halos ata lahat ng klase ng baril meron sya eh. Well, anak kasi ni Tito Yyan at Tita Jenny, kaya ganyan yung mga collection.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER