Chapter 11: Please

699 17 0
                                    

=Aicclie's POV=

Nagpalit na kami nila Zharm ng PE uniform. Magkakasabay kaming tatlo nila Hara.

Pagkalabas namin, tumuloy na kami sa gym at umupo sa mga bleachers doon. Nagkwentuhan lang kami tungkol kay Serna. Yes, sya talaga ang topic namin.

"Okay class, group yourselves into two. We're going to play volleyball. In every gender, there are two groups. Meaning apat ang group okay? Dalawang babae, dalawang lalaki. Practical test ito at para makita na din natin kung sino ang marunong" Prof

Nagstretching muna kami. Sakto namang magkakasama din kaming tatlo nila Zharm at buti hindi sumama sa amin si Serna. Mapatay ko pa sya ng di oras eh -_-

Unang laro, mga babae. Si Hara at Zharm nasa loob at ako upo muna. Mamaya na ako kapag second set na. Sa amin yung bola at si Zharm ang magseserve.

Nakita ko yung opponent nila Serna. Tsk, puro maarte. Si Serna din di pa pumasok, mukhang may balak sa akin to.

Natapos ang first set na tambakan. Ano ang score? 25-4. Kami 25 sila 4. Partida pa nyang yung 4 points na yun, service error lang yun.

Ngayon nasa loob na ako ng court at medyo nagstretching ako. Mahirap din to.

Nagserve ako at naabot naman nila. Kesa nga lang sablay dahil tama sa net kaya sa amin ulit. Ayun, samin ang points. 

Ngayon, ako ang pinagserve nila. Medyo umusod si Serna. Tsk, malaksan nga, yung tipong di nya maaabot.

Nagserve ako at dwala! Di nya naabot! Amin na naman ang points.


NAGKAKAINITAN na yung laban. Third set na at panalo kami ng second set ulit. Ang score? 25-0. Galing no? XD

Ngayon, shuffle na. Nasa loob na kaming tatlo nila Zharm at Hara. Stretching ulit. Kailangan dahil baka mamaya, kung ano pang mangyari sa akin.

Nakita ko si Serna na nasa loob din. Di na nadala. Dahil nga sa kanya natatalo team nila. Pumwesto na kami at si Hara yung nag-serve. At akalain mo yun, naabot nila. Lakas kasing pumalo ni Hara.

Longest rally yun at umabot ng two minutes pero sa kanila ang huling halakhak. Naoutside kasi yung bola pero okay lang, pagbigyan.

Nakita kong si Serna yun magseserve. Hindi pa pumipito yung prof namin para masabing pwede nang magserve. May kausap pa din kasi sya eh pero di kami pinaalis sa pwesto.

Kinausap ako ng mga kateammate ko at nagsasabi sila ng depensa. Iniintindi ko naman pero biglang—

"Fire!"

Nawalan na ako ng malay.

=Neil's POV=

Naghihintay lang ako ng laro nila. Nakapikit ako dahil gusto ko ding makapagconcentrate. Kagrupo ko kasi si Mikhail. Medyo banas ako sa kanya.

Napadilat ako at saktong nakita ko si Serna na binalibag yung bola. Papunta yung bola sa direksyon ni—

"Fire!", sigaw ko pero huli na ang lahat. Napahiga na sya sa court. Lumapit yung prof namin at pinuntahan ko din sya. Tinapik-tapik ko sya sa pisngi.

"Aicclie! Aicclie! Fire! Apoy! Sh*t!"

Binuhat ko na sya at mas magaan ngayon. Wala kasing bag. 

"Sumunod na lang kayo sa clinic", sabi ko kila Hara. Tumango naman sila.

Tumakbo na ako palabas. Ang lakas siguro ng impact ng pagkakatama sa kanya ng bola. Hay nako Serna! -_-

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon