=Aicclie's POV=
Di ko na alam kung anong nangyayari. Bakit parang ang gulo-gulo. Lahat na lang ba kailangang mapahamak? Naiinis ako. Dahil alam kong wala akong magawa.
Nandito kami ngayon sa loob ng hospital room ni Tito Yyan. Stable na sya at kasalukuyan syang natutulog ngayon.
Tumayo ako at lalabas na sana pero...
"Saan ka pupunta?", tanong ni Ate Eris.
"Papahangin", tipid kong sagot. Pumunta ako sa rooftop ng ospital na to. Umupo ako doon sa bench at tumingin sa langit.
God, pwede po bang magtanong sa inyo? Ako po ba ang may kasalanan ng lahat ng to? Troublemaker po ba talaga ako? God, nang dahil sa akin ba, nawala si Kuya Jezz? God, please. Iparamdam nyo po sa akin kung ako ba talaga ang may kasalanan. Tulungan nyo din naman po ako. Tulungan nyo kami. Ayaw ko na pong may madamay na iba pa dahil lang sa gulong pinasok ko.
Naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod.
"Hindi mo naman kasalanan Ate eh. Don't blame yourself sa isang bagay na alam mong hindi mo kayang gawin. At yung pagiging troublemaker mo, wag mong idamay kasi ngayon, ang sangkot dito ay tayo. Hindi lang ikaw. Lahat tayo gusto nyang saktan or worst, gusto nya tayong patayin"
Naiyak ako sa sinabi ni Chleo. Lagi syang nandyan para sa akin. Hindi nya ako iniiwan.
"Pero Chley, bakit ako kailangang iwan ng taong mahal ko nang dahil lang sa pagiging troublemaker ko? Bakit namatay si Kuya Jezz? Di ba ako yung hinahanap nung mga goons doon? Ibig sabihin lang ay ako. Ako ang may kasalanan kaya nagkaloko-loko yung nangyayari ngayon", I said while crying.
"No Ate, it's no ones fault. Kung meron man, it's our fault. Don't blame yourself and don't be selfish lalo na sa mga bagay na ganto"
"Pero totoo naman Chley di ba? Masyado na ba akong masama kaya may mga taong gusto na akong patayin?"
"Ate, masyado ka lang nag-iisip ng kung ano-ano. Wala kang kinalaman sa nangyayari ngayon"
"Pero bakit—"
"Sshh. Don't worry, it's no ones fault"
BUMABA na si Chleo at nag-iisa na lang ako. Nakatingin lang sa ulap. Dumidilim na din. Bigla namang nag-vibrate yung phone ko.
From: Yyrissa♥
'Tawag ka ni Papa. Kakausapin daw tayong dalawa. Asan ka ba?'
To: Yyrissa♥
'Ge, punta na ko'
Bumaba na ako at nadaanan ko yung nurse registrar. Wala na dapat akong mapapansin pero yung lalaking naka-leather jacket na parang namumukhaan ko. Sinundan ko sya at bigla syang tumakbo. Tumakbo din ako nabalibagan ko na naman sya ng sapatos. Sapatos talaga panlaban ko. Nadapa na naman sya.
Hinablot ko sya at saka ko sya hinarap.
"Wag mo akong sasaktan!"
"Di kita sasaktan!"
"Talaga po?"
"Basta sasama ka sa akin!"
Bigla syang tumango ng tumango. Hinila ko sya at tinakpan ko yung mukha nya ng panyo.
"Wag mong tatanggalin yan hangga't hindi pa kita napapakita sa Tito ko"
"Ipapakita mo ko sa imbestigador mo?"
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker (Completed)
Teen FictionAicclie Fire Smith-Marcus, daughter of Dalanccie Blair Smith-Marcus and Chronos James Macus. Know her story and why is she called as MISS TROUBLEMAKER