Chapter 67: Engage

429 11 0
                                    

=Aicclie's POV=

Maaga akong umalis sa unit. Pupunta pa kasi ako sa bahay namin. Natural, mangsesermon si Daddy. Dapat nga pupunta pa kagabi yun dito pero sabi ko magpapakita na lang ako ngayong umaga.

Di talaga buo ang linggo ko kapag walang sermon galing sa magaling kong tatay. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi.

But well, magulang yan eh. Natural, nag-aalala sila. Nag-park ako sa garage namin. Oo, asensado na sila, pinaghatian namin ni Chley yung gastos para dyan sa garage namin. Apat na kotse ang kasya dyan. Pano nangyari yun? Ibig sabihin parang kasing-laki na ng bahay yung garage.

Pumasok ako at napangiwi ako nang biglang hawakan ni Daddy yung sugat ko.

"Okay ka lang ba princess? Nasan yung sugat mo? Masakit ba?—"

"Okay sana ako kung hindi nyo po dinidiinan yung pagkakahawak sa mismong sugat ko"

Bigla naman syang tumayo ng maayos.

"Baket ba kahit kailan napaka-martyr mo?", sabi sa akin ni Daddy.

"Dy, hindi pagiging martyr yon. Eh sa nakita ko yung babaril dapat sa amin eh. Hindi naman kami sigurado kung sino puntirya non. Concern lang ako sa mga taong nakapaligid sa akin"

"Pero baket kasi kailangan mo pang habulin at saka paputukan din ng baril? Baket kailangan mo pa syang gantihan? Kapag nakita ko yon, makikita nya ang hinahanap nya!"

"Dy, kumalma ka. Okay na ako, isang maliit na sugat lang ang nangyari sa akin. Hindi pa ako patay"

"Aicclie? Aicclie!"

Napaharap ako sa tumawag. Si Mommy, bumaba sya sa hagdan saka ako biglang niyakap.

"God, I thought you're not okay? Masakit pa ba ang sugat mo?"

She's touching my face, my arms. Everything. And she's crying. Nag-aalala sya sa akin. Hinawakan ko sya sa mukha at pinahid yung luha nya.

"Mommy, okay lang ako. Sorry kung nag-alala ka. Pagka-aga-aga umiiyak ka eh"

"Di kaya nakatulog yan! Ikaw kasi eh", sabi ni Chleo habang nakayakap mula sa likod ni Eunice.

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan Aicclie. Naiilang din ako sa pwesto namin", sabi ni Eunice.

"My, okay lang ako. Mag-iingat na po ako sa susunod. I promise"

"May problema ba? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Sabihin mo na ngayon Aicclie"

"My, wala akong problema. Di ko din kilala kung sino yung balak pumatay sa amin. Sadyang binaril ko lang yon kasi gusto kong makausap yung mga balak pumatay sa amin"

Tinignan ko si Chley at tinitigan sya. And I mouthed 'Wag kang dumaldal'

"My, Dy", tawag nya. Lumapit pa sya sa amin. Pinagkakakabahan ako dito sa lalaking to ha.

"May sasabihin po ako"

Tinignan ko sya at halos pagpawisan ako ng malamig.

"Ano yon, Chley?"

"Yung bumaril po sa amin"

"Anong meron doon?"

Nanlaki yung mata ko.

"Pinapaimbestigahan na. Nababahala kasi kami parehas ni Ate eh"

Bigla naman akong napabuga ng hangin. Gagu talaga tong kapatid kong to.

Miss Troublemaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon