❦❦❦❦❦❦
BECKY's POV"I trust you.. but I don't trust that girl.." iritang sagot ko saka ko sya inirapan, "ayoko rin na nakikitulog ka kay Fon.."
"Why?" nagtatakang tanong nya sakin, "matagal naman na kaming natutulog ng magkasama.. it's normal for us.." nakangiting dugtong nya.
"Normal para sa inyo, para sakin hindi.." sagot ko sa kanya.
"Fine, hindi na ako makikitulog sa ibang bahay.." nakangiting sabi nya saka nya ako hinalikan ng marahan sa labi, "dun na lang ako matutulog sa bahay ng mahal ko.." nakangiting dugtong nya, dahilan upang mapangiti ako.
"Nakakaraming halik ka na, hindi pa tayo bati.." taas kilay na sagot ko habang pinipigil ko ang pag ngiti.
"Well, I want to do more than a kiss, if you let me.." nakangiting sabi nya sakin na tila nang aakit, kaya naman agad ko syang hinampas sa braso.
"Pervert!" nakangiting sabi ko pagkatapos ko syang hampasin sa braso, "May lakad ako ngayon, kasama ko si Cassy, ide-date nya raw ako.."
"Aw.. I forgot, may lakad din pala ako today, kailangan kong pumunta sa site.." sabi naman nya sakin kaya naman tumango ako.
"Make sure na dito ka uuwi at hindi ka gagabihin ng husto.." sabi ko sa kanya.
"Yes boss!" nakangiting sagot nya saka sya tumayo upang maligo, habang ako naman ay tahimik na kinuha ang phone sa bag, tinawagan ko si Cassy dahil magpapasama ako sa kanya na bumili ng isang appreciation gift for Freen.
Pagkatapos kong tawagan si Cassy ay agad rin akong nagpaalam kay Freen na ako ay aalis na upang makipagkita kay Cassy. Wala syang kaalam-alam na isu-surprise ko sya today. Well, I just want to make her smile today..
Pagdating ko sa apartment ni Cassy, agad nya akong pinagbuksan ng pinto ng nakangiti ang labi, nang tumingin ako sa kanyang likuran ay nakita kong nakangiti rin si Tee na nakasuot pa ng pajamas, kaya naman nanlaki ang mga mata ko at napuno ako ng pagtataka, dahil ang sabi nya ay naka-out of town sya, pero bakit sya nandito ngayon?? At ang pinaka ipinagtataka ko ay paano sila nagkakilala??
"What are you doing here?" tanong ko habang naguguluhan sa presensiya niya roon, "tumawag ako sayo kanina, ang sabi mo sakin ay naka out of town ka.."
Ngumiti si Cassy mula sa loob ng apartment, at saka inilahad ang dahilan. "Dito siya dumiretso kagabi pagkagaling nya sa airport, masyado nang gabi kaya hindi ko na sya pinauwi.." sabi niya na parang isang simpleng balita lang.
"Yeah, that's true.." sabi naman ni Tee na tila kabado nang makita nyang nakatingin ako ng matalim sa kanya, "bakit ba ang aga mong nagpunta dito? Nagkita na ba kayo ni Freen?"
"Oo nagkita na kami, pupunta sya sa site ngayon.. kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon para isurprise sya.." sagot ko.
"Surprise?? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Tee.
"Gusto ko lang mag sorry sa nangyari kagabi.." sagot ko sa kanya, pagkatapos ay hnawakan ko ang kamay ni Cassy at nginitian siya. "I want to buy something special for Freen... Necklace sana. Help me choose," sabi ko kay Cassy habang nakahawak pa rin ang aking mga kamay sa braso nya.
"Necklace?" nagtatakang tanong ni Tee habang hindi maipinta ang kanyang mukha, "hindi naman sya mahilig mag suot ng necklace.. kung relo pa ang bilhin mo, matutuwa yon.."
Bahagya akong napasimangot. "Pero gusto ko siyang makitang may suot na kwintas na bigay ko... Besides, napakarami na nyang relo.." sagot ko sa kanya.
---
Pagdating namin sa mall bandang 12:00pm, agad kaming pumunta sa jewelry shop. Pumili ako ng kwintas na bagay kay Freen. Lahat ay maganda, kaya’t nahirapan akong magdesisyon.
Habang namimili, tinawagan ako ni Freen. "Hello?" bati ko habang abala ang mga mata sa display.
"Where are you?" tanong niya sakin mula sa kabilang linya, "nandito na ako sa site.."
"I’m with Cassy, ide-date daw niya ako ngayon.." pabirong sagot ko. Nagpalitan pa kami ng ilang salita hanggang sa sinabi niya na kailangan na nyang i-end ang call dahil may aasikasuhin na sya.
--------
Pagkatapos naming makapili, dumiretso kami sa bahay ni Freen. Kasama ko sina Tee, Cassy, at Richie, sinimulan naming ayusin ang simpleng hapunan. May mga lobo, kandila, at bulaklak na inilagay namin sa paligid ng mesa. Inilaan ko ang buong hapon sa paghahanda, habang nasa isip ko ang magiging reaksyon ni Freen mamaya.
Bago mag-5:30 PM, nagbihis na ako at pinatay ang lahat ng ilaw. Nang dumating siya, nagulat siya nang makita akong nakaupo sa sofa na nasa dilim. "What are you doing? Papatayin mo ba ako sa takot?" tanong niya habang nakahawak sa dibdib dahil sa pagkagulat.
Natawa ako sa reaksyon nya dahil bakas sa mukha ang pamumutla dahil sa takot. "Am I look horrible?"
"Hindi naman. Akala ko lang walang tao kasi nakapatay lahat ng ilaw," sagot niya bago ako tumayo.
------
Dinala ko siya sa dining table na nakapiring ang mga mata gamit ang panyo. Nang tanggalin niya ito, tumambad sa kanya ang setup na ginawa namin. Napanganga siya sa gulat at saya.
"Can I invite you for a dinner tonight?" tanong ko habang nakangiti.
"Can I say no to a sweet lady like you?" sagot niya na may ngiti rin sa labi kaya naman nagsimula na kaming maupo.
Nang makaupo na kami ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi nya habang nililibot ng tingin ang paligid.
"Ikaw nag prepare ng lahat ng to?" Nakangiti nyang tanong sakin kaya naman umiling agad ako bilang sagot.
"Tinulungan ako ni Tee, Cassy at Richie sa pagprepare ng lahat ng ito.." nakangiti kong sagot sa kanya bago ko kinuha ang box na nakapatong sa mesa.
"Open it.." nakangiti kong utos sa kanya kaya naman agad nya itong binuksan, kitang kita sa mukha nya ang pagkatuwa sa nakita nyang necklace, kahit na batid kong hindi sya mahilig magsuot nito.
"Wow! Thank you for this!" Nakangiti nyang sabi sakin saka nya kinuha at pinagmasdan ang kwintas.
"The moon is a good friend to everyone in darkness, so I bought this for you.." nakangiting sabi ko sa kanya bago ko kinuha ang hawak nyang kwintas, tumayo ako at isinuot ito sa kanyang leeg, "Whenever you feel sad or alone, just look at this necklace.. this will be your friend, and it will always be with you, so that you will never feel alone again.."
❦❦❦❦❦❦
![](https://img.wattpad.com/cover/332084268-288-k259400.jpg)