“No! You can't do this to me! Zayan!” inis kong sigaw sa kanya. Habang pilit na kumakawala sa mga tali sa paa at kamay ko.
Imposibleng makaalis ako dito dahil sobrang higpit ng pagkakatali niya sa katawan ko. Nawawalan na ako ng pag asa. Tumutulo na rin 'yong luha ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang walang kabuhay-buhay ang kanyang mata.
“Alam mo ba? Akala ko si Syera ang magbibigay liwanag sa buhay ko pero nagbago 'yun nung dumating ka. And hindi ko matanggap na balang araw mawawala ka na sa akin. Kahit anong pilit ko, Blaire! You're driving me crazy!” Hinawakan niya ang braso ko. Muntik pa talaga akong mapasigaw dahil sa gulat. “Dapat nga magalit ako eh... But I can't... Nanlalambot ang puso ko sa tuwing nakikita kita, sa tuwing naiisip kita. You changed me. All I want for you is to love me or appreciate me. Ganoon na ba talaga ang galit mo sa akin? Wala lang ba talaga ako sa'yo?”
Umiwas ako ng tingin pero nagulat ako ng pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan ako ng madiin. Pilit akong umiiwas pero hindi ako makaiwas para bang uhaw siya sa halik. Nang dumistansya na siya ay agad ko siya sinamaan ng tingin.
“I hate you.”
“Kahit naman isa eh. Hindi mo ako minahal and you will never love me.” Umupo siya sa upuan na kaharap ko at hindi lang ako nagsalita. “Gusto ko makita ka araw-araw..”
“Wala akong panahon para dito, Zayan. Alam mo 'yan. Mamamatay na ang kaibigan ko.”
“I don't care about her, I care about you.” Kung hindi lang talaga ako nakatali kanina pa ako napahilot sa sintido ko dahil sa stress.
“Well! I love her, Zayan! She's important to me! Kapag may nangyari sa kanyang masama! I will blame myself hanggang sa mamatay ako!”
“Paano naman ako? Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ko?” Nagulat ako ng agad niya ako niyakap. Sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. “Kulang ako ng atensyon mo at pagmamahal. I don't want anything else... All i want is you. I can take care of you gagawin ko ang lahat para sa'yo.”
“Masasaktan ka lang—”
“Wala akong pake. Kung sakit lang ang paraan para makasama kita. I will gladly accept that pain.” Kumalas na siya sa pagkakayakap at bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinalikan ako. Hinayaan ko lang siya.
“Alam kong alam mo kung nasaan siya. Bakit ayaw mong makita ko siya, Zayan?” Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. “Now, I know. Dahil ba alam mong aalis din ako agad kapag nakita ko na siya?” Napatawa nalang ako at sinamaan siya ng tingin. Naiinis na ako sa lalaking 'to. “Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?! Zake love her so much! Tapos ganyan lang ang gagawin mo?!”
“Wala na akong ibang iniisip. Wala akong pake sa kanila, Blaire. All I want is you. I want you mine.”
Baliw na talaga 'tong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Love is a game
Romansa(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...