Chapter 13

347 20 0
                                        

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ng maramdaman ko ang mabigat na nasa tiyan ko. Namilog ang aking mata ng makita ang ulo ni Zake na mahimbing natutulog sa tiyan ko.

“Ah!”

Agad niya naimulat ang mata niya at inis ko siyang tinignan dahilan para mahulog siya sa kama.

“What the heck?!” Agad ko niyakap ang katawan ko.

“What are you doing here?!” Agad bumukas ang pinto kaya napalingon kaming dalawa sa nagbukas ng pinto.

I saw Lareina holding a paper bag habang kumakain ng french fries.

“Pumunta dito ng lasing si Zake and napag isipan ko na sa'yo lang siya matulog.” Sinamaan ko siya ng tingin.

Wala talaga siyang pake kung mapahamak ako no? Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko pa 'to.

“You know Zake is a man, right? What the heck?!” inis kong sabi.

“Hindi naman kita ginalaw eh.” Napakamot si Zake sa batok niya habang halata pa rin sa inaasta niya na inaantok siya.

“Kahit na!” Agad ko siya tinapunan ng unan dahilan para mapa 'aray' siya.

Agad na ako tumakbo papunta sa labas.

•••

Napahinto ako sa paglakad ng makita si Syera na nakatingin kay Zayan sa malayo. Napangiti ako ng nakakaloko dahil sa naisip ko. Lumingon sa akin si Zayan at sinenyasan niya akong pumunta sa kanya. 

Nang tuluyan na akong makalapit ay binigay ko ang lunch box na naglalaman ng mga pagkain. He just looked at me coldly.

May gusto siya sa akin pero cold pa rin ang trato niya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to.

“Ito na ang gusto mo.” Umupo ako sa tabi niya at tinignan niya lang ito. Don't tell me— “Do you want me to feed you?”

He slowly nod. Nag imagine nalang ako na tinampal ko ang noo ko. I can't believe he is acting like this—geez! Parang bata.

Sinubuan ko na lamang siya habang ramdam kong nakatingin siya sa amin. Lumingon siya sa ibang direksyon kaya nagtaka rin akong sinundan ang tingin niya. Ang sama ng tingin niya kay Syera dahilan para agad umalis si Syera.

“Hey!” Sinapak ko ang braso niya dahilan para magulat siya.

What am I doing?

“Aren't you too harsh?” inis kong tanong sa kanya. “She is the girl you once love. What's wrong with you?”

Parang nasaktan siya sa sinabi ko. Bakit ako nasasaktan para kay Syera? Naaawa na ba ako sa kanya? Nagu-guilty ba ako?

“It's because... I love you, Blaire.” Alam ko ng gusto niya ako pero hindi ko aasahan na aamin siya agad. “Alam kong mali ito. That's why, hindi ko matanggap. Akala ko dahil lang naalala ko ang kapatid ko sa'yo—but no... You steal my heart na hindi ko napapansin.” Hinaplos niya ang pisnge ko. Halos hindi ako makapagsalita. Hindi ko kasi inaasahan na aamin siya.

Naguguluhan ka lang yata.” Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. “I need to go. I will give you some time alone to think, Zayan.”

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis nalang.

•••

Habang nakatingin sa akin si Zayan ay nakatuon lang ang atensyon ko kay Syera na ngayon ay nakatuon ang atensyon niya sa notebook niya. Bakit hindi siya nagagalit sa akin? Dapat nga magwala siya dahil inagaw ko sa kanya ang boyfriend niya?

Napakuyom ako ng kamao. Ayaw ko na. I want to end this. Nafall naman siya eh.

Agad ako umupo sa tabi niya dahilan para magulat siya. Hinawakan ko ang kamay niya at binigyan siya ng matamis na ngiti.

“Ano kayang nangyayari kay Zayan? Bakit kanina pa siya nakatingin sa akin?” Malungkot ko siyang tinignan. “Hindi kaya may ginawa akong masama?”

Lumingon siya kay Zayan at parang mas lalo itong nasaktan. Zayan changed a lot. Simula nung dumating si Zake, mukhang nagbago na siya. Si Zake lang pala ang reason para malaman niya ang nararamdaman niya sa akin.

Napakamanhid talaga.

“He changed a lot.” Yumuko ito.

Hindi pa talaga siya nakakamove on kay Zayan. 

“Yes, I don't know why.” Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya. “Alam mo ba ang dahilan kung bakit siya nagbago?”

Tumingin siya sa akin ng seryoso dahilan para magulat ako. Hindi ako makagalaw dahil sa titig niya.

“Hindi mo ba talaga alam ang rason?” seryoso niyang tanong.

Inosente ko lang siyang tinignan. Mukhang napapansin na niya ang pinaplano ko. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin.

“Hindi eh.” Napakamot nalang ako sa batok ko.

“Goodmorning everyone, I am Lareina Lastimosa! And guess what?! I'm back!” Natahimik ang lahat dahil sa nagsalita sa harap namin.

Gumuhit ang nakakaloko niyang ngiti sa labi niya dahilan para mahulog ang panga ko. What the heck is she thinking?! What is she doing here?! Dahan-dahan akong napalingon kay Syera na ngayon ay nagulat din.

“Do you know her?” I asked.

“Yes.” Hindi pa rin niya inaalis ang mata niya sa babaeng nasa harapan namin. “Akala ko umalis na siya ng tuluyan.”

Lumingon ulit ako sa babaeng ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa amin.

•••

Binitawan ko na siya at halata naman nasaktan siya. Napahawak siya sa braso niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko. 

“Ouch,” walang gana niyang sabi habang masama akong nakatingin sa kanya.

“What do you think you're doing?” Napamewang ako. “May balak ka bang sirain ang plano ko?”

Tumawa ito na para bang nagjo-joke ako. Umikot ito at nagflip hair dahilan para mapairap ako.

“Bagay ba sa akin ang uniform ko?” Agad ko hinawakan ang braso niya dahilan para matigilan siya.

“Lareina! Listen to me! Delikado dito! Kung hindi ka pa aalis dito! Edi bahala ka!”

“Masyado ka naman oa beh. Hindi ko naman aagawin sa'yo si Zayan.” Napapout ito. “I just want to play with Syera, that's all.”

“If Syera knows na magkakilala tayo?! Talagang masisira ang plano natin!” inis kong sigaw sa kanya.

“Malay mo sa sobrang ingay mo may nakarinig na sa atin.” Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

“Bahala ka. Kung iyan ang gusto mo.”

“I know, hindi mo na gusto makipaglaro kay Zayan. Kaya ikaw na mismo ang sumisira sa plano mo.“

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon