Chapter 30

187 7 0
                                    

“No! We have to get out of here!” Nang tuluyan na niya akong binitawan ay agad ako napaatras. Halata sa kanyang mata ang pag alala at pagtataka kung bakit ako umaasta ng ganito. “What are you thinking, Blaire?! Wake up! That woman is dangerous!”

“I know, so what?”

“Huh? Gusto mo na bang mamatay?!” inis niyang tanong sa akin.

“No! The heck?! Hindi ko kayang iwan doon si Zayan! He saved our lives!” Agad niya hinawakan ang balikat ko at niyugyug ako.

Nahawaan ka na ba ng kabaliwan ni Zayan?! Zayan is obsessed with you! If mapatay man niya si Syera! I'm sure ikukulong ka niya!

Tatakas ako. Ang importante ay maligtas ko siya. Mauna ka na alam mo naman kung saan ang daan pabalik.” Magsasalita na sana siya pero binigyan ko lang siya ng malamig na tingin. “Don't you dare follow me. Ayaw mo naman siguro na magalit ako sa'yo, hindi ba?”

Mukhang nakaramdam siya ng takot dahilan para mapatango siya. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at hinaplos ang buhok niya.

I'm glad you're safe.

Hindi na ako nagsalita pa at tumakbo nalang palayo. Agad ko hinanap si Zayan at napahinto ako ng akmang sasaksakin ni Syera si Zayan pero agad ko siya tinapunan ng kaldero.

“Oh you bumalik ka pa talaga. Akala ko inabandona muna 'yong dapat...” Hinawakan niya ang pisnge ni Zayan. Halata sa ekspresyon ng mukha ng lalaki na nanghihina na siya. “Sa akin.”

“Hindi na sa'yo si Zayan.” Tumayo siya at napahinto ako ng nakatutok na sa akin ang baril niya.

“Kasi inagaw mo siya sa akin. Are you having fun playing with our feelings? Masaya ka ba na natalo mo kami? Natalo mo ang pagmamahalan naming dalawa?” natatawa niyang tanong.

“I'm sorry—”

“Sorry? Humihingi lang ng tawad ang tao kapag hindi nila sinasadya.” Napatawa ito na parang nasisiraan ng bait habang tumutulo ang luha niya. Hindi ko akalain na ang nagmumukha anghel ay isa palang baliw na demonyo.

I can't blame her this is all my fault.

Palayain mo si Zayan. Ako nalang ang patayin mo. I'm sorry for what I did.” Lumuhod ako dahilan para mapahinto siya.

“D-don't do this—” Agad tinulak ni Syera si Zayan dahilan para mapahiga ulit siya. Nasaktan naman si Zayan.

“What? Akala ko ba wala lang sa'yo si Zayan? Why are you acting like this?” Para siyang kinakabahan dahil sa inasta ko. She smiled pero halatang napipikon siya. “Don't tell me you fall inlove with him?!”

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko aakalain na sasabihin niya 'yan. Napakunot ang noo ko at halata sa ekspresyon ng mukha ni Zayan na nagulat siya.

Am I? Falling inlove with him? Kaya ba bumalik ako dito? Tinignan ko si Syera at mas lalo itong nagalit.

“Y-you don't love him.”

“What?”

“If you truly love him. Bakit hindi mo siya pakawalan?” I asked.

“Mahal ko siya. So bakit ko siya papakawalan?” nagtatakang tanong niya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

“Because... If you love someone you really need to sacrifice.”

“No! If you let them go! Pinapakita mo lang na hindi mo kaya ipaglaban ang nararamdaman mo sa kanya!” Tinuro niya ako. “Because your love is not strong enough!” Akmang lalapit siya sa akin pero hinawakan ni Zayan ang wrist niya. “Why? Bakit ayaw mong saktan ko siya? Sinaktan niya tayo. That girl bring bad luck to us.”

“I love her at kahit kailan hinding-hindi ko hahayaan na saktan mo siya.” Mas lalong nainis si Syera dahil sa sinabi ni Zayan at agad siya pinagsusuntok.

“Syera tama na!” Akmang lalapit ako sa kanila pero agad nagsalita si Zayan.

“Wag ka lalapit!” Napatakip nalang ako ng bibig ng sumuka siya ng dugo.

“Iyan ba ang pagmamahal mo, Syera?! If you truly love that person! Bakit mo siya sasaktan?!” Natigilan siya sa sinabi ko. “You're selfish! Hindi mo talaga siya mahal! You just want him because siya lang ang nandyan para sa'yo!”

“What?! Anong alam mo?! Stop acting like you know everything! Because sa totoo lang! Kahit ni isa wala kang alam! You don't know how much i've suffered! Pilit kong tinatanggap ang lahat kahit na masakit para sa akin! Inaabuso niyo ang kabaitan ko!”

“Please don't hurt her. Ako nalang, Syera,” nahihirapan na sabi ni Zayan. 

Agad pumutok ang baril. Napasigaw pa ako pero hindi tumama sa akin.

“This is wrong! Syera! Magbago ka na! May chance ka pang magbago!”

“No! Hindi ko hahayaan na maging maligaya ang taong sumira sa buhay ko!” 

Ipuputok na niya sana ang baril pero agad siya tinulak ni Zayan at pumatong si Zayan sa kanya, pilit inaagaw ang baril.

“Syera! Tama na! Tumigil ka na!”

“Ayaw ko! Hindi tatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi ko napatay ang babae na 'yan! She deserves to die!” inis niyang sigaw kay Zayan.

“Are you really choosing to become a monster just to have a revenge on that girl?!” Tumawa si Syera na parang hindi makapaniwala dahil sa tanong ni Zayan.

“Speaks to yourself, Zayan! Akala mo ba hindi ko alam na may pinatay ka para sa babae na 'yan?! I really thought na kapatid lang ang turing mo sa kanya! Because nakikita mo ang kapatid mo sa kanya! Hindi ko akalain na ma fafall ka sa kanya at tra-traydurin mo ako! How dare you?! Ang kapal ng pagmumukha mo!”

“Umalis ka na dito!”

“No! Hindi kita iiwan! Zayan!”

“Tama 'yan! Wag mo siyang iwan! Papatayin ko kayong dalawa! Ipagsasama ko kayo sa kamatayan!” Tumawa si Syera na parang nasisiraan ng bait.

Agad ko kinuha sa kanya ang baril at tinapat sa kanya dahilan para mapahinto siya.

“Wag ka lumapit sa amin.” Hinawakan ko ang kamay ni Zayan at pinunta sa likod ko.

“Sige barilin mo ako. Mumultuhin kita kapag namatay ako, Blaire. At hinding-hindi kita tatantanan!” Agad kinuha ni Zayan ang baril at tinapat sa kanya dahilan para mapahinto siya.

Walang emosyon si Zayan na nakatingin sa kanya na para bang madali lang sa kanya ang lahat.

“Kung hindi niya kaya, ako ang gagawa.”

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon