Chapter 32

227 10 0
                                        

“Hindi ako ganun kasama para iwan ka dito, Zayan.” Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko.

“Wala ka ba talagang nararamdaman sa akin?” malungkot niyang tanong.

Natigilan ako. Ewan ko ba, nagtataka ako dahil hindi naman ako ganito. Bakit parang nagdadalawang isip akong sagutin siya?

“What? Do you think na may pag asa ka sa akin?” Natigilan ito pero binitawan niya din ang wrist ko.

Nababaliw na nga ako. Ilang oras na din akong hindi kumakain kaya siguro ganun. Imposible naman na mahulog ako sa lalaking 'to. No way! I won't let love control me.

Love is a dangerous trap, after all.

“You're right, bakit pa ba ako aasa?” Ewan ko ba pero naiirita ako sa tuwing ganyan siya.

Ayaw ko talagang nakikita siyang malungkot. Nagu-guilty ako. Umiling na lamang ako. Napahinto kami sa paglakad ng marinig ang yapak ng paa na papalapit sa amin.

Agad ko hinila si Zayan at pumasok kami sa locker. Ang sikip at ang lapit namin sa isa't-isa.

“Shhh, Syera is coming,” bulong ko sa kanya habang nilagay ko ang hintuturo ko sa mapupula niyang labi.

Nag lip bump siguro ito. Nakatingin lang siya sa mga labi ko habang ako ay pilit pinapakalma ang sarili ko. Tumingin ako sa may butas at napatakip ako ng bibig ng makitang may dala siyang malaking martilyo at kutsilyo.

“Where the f*ck are you?! I swear kapag nakita ko kayo hindi lang sakit ang ibibigay ko sa'yo!” inis niyang sigaw sa amin.

She's really out of her mind. Agad tinakpan ni Zayan ang mata ko dahilan para mapahinto ako. Naramdaman kong mas lalo siyang lumapit sa akin.

“Don't look... I'm right here.” Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko.

I wonder kung anong nangyari kay Zayan nung bata pa siya. Parang sanay na kasi siya. 

Nang maramdaman na naming wala na siya ay agad ko binuksan ang locker at lumabas. I heavily sighed.

“Kailangan na natin makalabas dito. As fast as we can.” Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. “What?”

“Iniwan mo nalang sana ako dito,” seryoso niyang sabi sa akin.

Hindi ako makapaniwala. Imbes na magpasalamat siya na niligtas ko pa siya ay 'yan pa talaga ang sasabihin niya sa akin. Nagmamagandang loob lang naman ako ah?!

“So what do you expect me to do?! Just leave you alone at hayaan si Syera na ano-ano nalang ang gagawin sa'yo?!” inis kong tanong sa kanya.

“Why do you care? Hindi naman bigdeal sa akin 'yon.” Hinaplos niya ang pisnge ko. “I love you more than myself, Blaire. Kaya kahit anong gawin niya sa akin tatanggapin ko para lang tantanan ka na niya.”

“Don't you get it?! Kahit pa mag effort ka?! Walang mangyayari! Hindi ko maibabalik ang pagmamahal na binigay mo sa akin!”

“I know... But i choose to give all my love to you,” nakangiti niyang sabi.

Hindi nalang ako nagsalita at umuna ng maglakad. Hinawakan niya ang kamay ko at sumabay siya sa akin. I hate this feeling.

Nagulat ako ng agad niya ako hinila at pumasok kami sa isang silid. Narinig na naman namin ang yapak ng paa ni Syera. Para tuloy akong naglalaro ng haunted house.

Napalingon ako sa paligid. I heard him locked the door. Napatingin ako sa litrato ni Zayan at Syera, sa panahon na inlove pa silang dalawa. Imagine if i didn't interrupt with their love story edi sana sila na ang nagkatuluyan ngayon.

I deserve to suffer, actually.

“It's not your fault.” Lumingon ako sa kanya. “It's mine.”

“Are you a mind reader?” natatawa kong tanong.

He just smiled at me at hinaplos ang buhok ko.

“I know you, Blaire. Even if you don't tell me I know what's on your mind.”

Nilalandi lang ako ng lalaki na 'to eh. Umiling nalang ako at mukhang nasasayahan pa siya. He winked at me dahilan para umiwas ako ng tingin. What the heck?! Sinapak ko ang braso niya at tinuro ang mukha niya dahilan para inosente siyang tumingin sa akin. Mukong to ah! Acting innocent!

“Wag mo ng uulitin 'yan.” Agad na ako lumabas ng silid at umuna ng maglakad.

Gosh! Bakit namumula ang pisnge ko?! Napailing nalang ako. No! Hindi ako pwede magkagusto sa lalaking 'yon! Hindi pwede!

Nababaliw na 'ata ako. I heard him laughed dahilan para mapahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

What the—

“Are you making fun of me?” Inosente naman siyang napailing dahilan para panliitan ko siya ng mata. Napamewang ako at tinaasan siya ng isang kilay. “Sinasabi ko sa'yo, Zayan. Hindi ako nakikipagbiruan dito—”

“Ang cute mo.”

“Alam ko.” I rolled my eyes at nagsimula ng maglakad. Nagulat nalang ako ng may humila sa akin dahilan para mapasigaw ako. Hinawakan naman ni Zayan ang wrist ko para pigilan ako.

Lumingon ako sa humawak sa akin at namilog ang aking mata nang makita si Syera na may hawak na baril.

“Kapag hindi mo siya bitawan, Zayan. Alam mo ang mangyayari sa pinakamamahal mong babae,” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

“I'll kill you—”

“Go! Pero iuuna ko muna ang babae mo!” Nakita kong napakagat ng labi si Zayan at halatang nagdadalawang isip pa ito.

Binitawan na niya ako at agad ako hinila ni Syera. Agad ako lumingon kay Zayan na sobrang nag alala.

“Zayan!” sigaw ko.

•••

Tawang-tawa ito kulang nalang talaga gawin siyang clown. Bagay sa kanya eh. 

“Any last word?” Nawala ang tawa niya.

Baliw na talaga ang babaeng 'to. 

“Akala mo naman kung sino,” bulong ko.

“Ano?!” Agad niya hinila ang buhok ko dahilan para mapapikit ako sa sakit. “Hindi ka ba natatakot mamatay babae ka?! Gigil na gigil na ako sa'yo!”

“Kawawa ka naman. Kahit anong gawin mo hindi ka pa rin mamahalin ni Zayan.” Napangiti ako ng nakakaloko. “Hindi na siya babalik sa'yo kahit pa anong gawin mo.”

Napasigaw ito at agad sinugatan ang leeg ko at tinulak ako. Hindi naman malalim ang sugat pero habang patagal ng patagal ay naramdaman ko ang sakit.

Handa na akong mamatay. This is all my fault na kailangan kong pagbayaran.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon