Kinuha ko ang paper bag. Kanina pa siya nakatingin sa akin. Wala talaga siyang balik na alisin ang tingin niya.
“T-thanks for the food.” Kahit hindi ako nakatingin sa salamin, alam kong namumula na ngayon ang pisnge ko. “Pero hindi mo na kailangan pang pumunta dito ng ganitong oras.”
“And why is that?”
“Paano nalang kung may makakita sa'yo? Ano nalang iisipin ng mga tao kapag nakita niyang pumunta ka dito ng ganitong oras? Baka mag overthink si Syera niyan?” alala kong sabi sa kanya.
“Ano naman?” Natigilan ako sa sinabi niya. “Syera trust me. Alam kong wala siyang iisipin na masama sa'yo.”
“Sanaol ganyan ang relationship.” Too bad, masisira 'yan soon. “Then why are you treating other girl so badly?”
“Dahil ayaw kong magselos siya at hindi naman ako interesado sa iba.” I chuckled dahilan para mapakunot ang noo niya.
“So interesado ka sa akin?” Natigilan ito dahil sa tanong ko. Tumawa na lamang ako. “Nagbibiro lang ako masyado ka namang seryoso.”
“Oo.” Halos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. “I'm sorry. I know I shouldn't feel this way. But everytime I see you it's like giving a chance of me to do the right thing.”
He's talking about his sister again. But I think okay lang 'to. Dahan-dahan kong makukuha ang loob mo ng hindi mo namamalayan, Zayan.
“It's fine. Naintindihan kita kung nakikita mo sa akin ang kapatid mo.” I gave him a warm smile. “Masaya ako maging bagong kapatid mo, Zayan.”
I saw him chuckled at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko dahilan para magulat ako. Hinila niya ang wrist ko at agad ako niyakap. I can hear his heart pounding so fast.
“Thank you for giving me the chance to make me happy again,” mahinahon niyang sabi.
“I will save you... This time.” Niyakap ko siya pabalik.
I will take you away from Syera and break your heart that will drive you crazy, Zayan.
•••
Lahat ng tao ay nakatingin na sa akin ngayon pero sa tuwing tumitingin ako sa kanila ay umiiwas naman sila. Siguro nalaman nilang binully ako ng fan ni Syera at Zayan.
Umupo ako sa upuan ko at nagulat nalang ako ng agad ako sinalubong ng yakap ni Syera.
“Blaire! I have a great news for you!” Agad siya umupo sa harap ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. “We're going on a date! Zayan invited me!”
“Oh, I'm happy for you.” Bakit ba kasi ang tagal mainlove ng lalaki na 'yon? I expected him to fall inlove with me easily. Hindi ko naman inaasahan na papahirapan pa pala ako.
“And you're invited too.” Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ba siya nakakaramdam ng selos?
“What?!” Napatayo ako dahil sa gulat. Napalingon ako sa mga studyanteng nakatingin sa amin. Pati si Syera ay nagulat din. Dahan-dahan akong umupo at bumuntong hininga, ganun na din ang mga studyante. “Gagawin niyo akong thirdwheel?”
Hinawakan ni Syera ang kamay ko at napapout.
“Sige na please! Ililibre ka namin!” Nagpuppy eyes naman ito.
Napabuga nalang ako ng hangin, “Okay fine.”
Pareho silang dalawang baliw. Ngayon lang talaga ako magiging thirdwheel.
•••
“Kapag nalaman nilang magkakilala tayo. Sigurado akong masisira ang plano mo,” seryoso kong sabi sa kanya.
“Chill, hindi nila malalaman,” confident niyang sabi.
As if naman alam mo ang mangyayari. Walang gana akong tumingin sa salamin. Kulang talaga at sumali ako sa pageant, siguro magkakaroon pa ako ng pera ngayon.
“Required ba na mag ayos ng sobra? Eh thirdwheel lang naman ako,” walang gana kong sabi sa kanya.
“Of course! Hindi ka dapat matalo ni Syera!” I smiled playfully. Nagpapatawa ba siya?
Hinawakan ko ang braso niya dahilan para matigil siya sa pag aayos. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, napaatras naman siya kunti.
“Do you really think na matatalo niya ako? Sa ganda kong 'to?” naiinis kong tanong sa kanya.
“I know mas maganda ka pa sa kanya but don't let your guard down.” I heavily sighed.
Ganun nalang talaga ang galit ni Lareina sa kanila. Mayaman siya at mahal siya ng parents niya. Hindi niya siguro tanggap na merong bagay na hindi niya nakuha.
“They're here,” seryoso kong saad.
Narinig ko kasi ang kotse na huminto sa bahay ko. She smirked at hinaplos ang buhok ko. Maganda naman si Lareina. Bakit ako pa ang inutos niyang landiin si Zayan?
“Goodluck, princess.” Hindi na ako nagsalita pa at pinagmasdan nalang siyang umalis.
Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Syera na nakawhite dress. Hinead to foot niya ako.
“Wow! You're really beautiful, Blaire!” I giggled ng sinabi niya sa akin iyon. Wala talagang kaalam-alam 'tong si Syera. Masyado siyang mabait kaya mabilis makukuha ang dapat nasa kanya.
“Wag ka masyadong tumingin, Syera. Baka mafall ka niyan?” mapaglaro kong sabi.
Ngumiti lang ito at napatingin kami kay Zayan na ngayon ay nakatingin na sa amin.
“Baka nga.” Nakatingin pa rin ito kay Zayan. Napapansin niya na ba?
Binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti.
•••
“Ang ganda mo.” Lumingon ako kay Zayan at binigyan siya ng matamis na ngiti.
“Is that a joke?” natatawa kong tanong.
“No, I'm serious. Ang ganda mo talaga.” Napangiti nalang ako. Kinokompliment niya ako pero kay Syera siya nakatingin.
Kumaway ito sa amin dahilan para kumaway din ako sa kanya.
“Do you really love Syera?” I asked.
Napakunot ang noo niya at lumingon sa akin.
“Yes, I love her with all my heart.” Kita pa rin sa kanyang mukha ang pagtataka. Walang ka ideya-ideya kung bakit ko natanong ito? “Why are you asking me that? Nagdududa ka ba sa'kin? Are you underestimating my love for Syera?”
“No.” Lumingon ako sa babaeng masayang nakatingin sa paligid. “Ang saya niya kasing tignan.” Hinawakan ko ang kamay niya. Nakita kong nagulat siya pero hindi niya binawi ang kamay niya sa akin. “I hope magtagal kayo.”
Binitawan ko na ang kamay niya at lumapit na kay Syera. I secretly took a glance at him at nakatingin lang siya sa kamay niya dahilan para mapangiti ako ng nakakaloko.
Nagsisimula palang ako, Zayan.

BINABASA MO ANG
Love is a game
Romantik(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...