Chapter 23

200 9 0
                                    

“What?! Seryoso ka?!” Napatakip ako ng bibig ng pinagtitinginan na ako ng mga tao. “Weee? Ikaw ba talaga 'to?”

He chuckled dahilan para mapahinto ako. Wag ka naman ganyan beh! Wag mong gamitin ang igop mong mukha para mahulog ako sa'yo.

“I just want you to be happy.” Hinaplos niya ang buhok ko. May lungkot sa kanyang mata kahit pa nakangiti ito, alam kong nagpapanggap lang siya. “Wala na akong ibang hiniling kundi makita kang masaya. I only want you—”

“Even if it hurts you?” I asked.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon natanong. Bigla nalang lumabas sa bibig ko.

“Yes.”

“You're crazy!” Ewan ko ba pero naiinis ako sa tuwing ganyan siya! Ayaw kong mas pinipili niya ako kaysa sa sarili niya.

“Sa'yo lang baliw.” Sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi na ako nagsalita pa at umalis nalang. Ayaw ko muna siyang makausap ngayon dahil naiinis ako baka ano pang masabi ko.

•••

Napahinto ako nang makita si Ice na nakatingin akin. Ang lamig na nga ng pangalan niya, ang lamig din niyang makatitig. Ano na naman ang kasalanan na nagawa ko sa lalaking 'to?

“Is there something wrong?” Sinamaan niya lang ako ng tingin at natulog nalang sa desk niya. 

Ano na naman ba ang problema ng lalaking 'to? Para ba siyang nireregla araw-araw. Umupo ako sa tabi niya at nagulat nalang ako ng tinapon niya ang bag ko.

“Hey!” inis kong sigaw sa kanya.

“Umalis ka dito. Ayaw kong makita ang pagmumukha mo.” Inis akong napatayo at napamewang.

“What do you think you're doing?!” Napairap nalang ako ng hindi ito nagsalita.

Agad ko kinuha ang bag ko at sinapak sa kanya dahilan para magulat siya. Pati ang mga kaklase ko ay napanganga. Ang dami-dami kong problema, may gana ka pang inisin ako?!

“Are you out of your mind?” Tumayo ito kahit nakaramdam ako ng takot ay hindi ako nagpahalata.

“Ikaw ang nababaliw! Ano na naman ba ang kasalanan na nagawa ko?! Hindi ka ba nag aral paano rumespeto?!” inis kong tanong sa kanya.

“Get out...”

“What?” Mas lalo siyang lumapit sa akin at ramdam ko ang kanyang matalim na titig.

“Kung ayaw mong mamatay. Wag ka na magpapakita sa akin kahit kailan.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Sige patayin mo ako! Show them you're a monster!” Napahinto siya dahil sa sinabi ko. “Wala kang karapatan na magdesisyon sa buhay ko, Ice. Ka ano-ano ba kita?”

Mukhang nasaktan siya dahil sa sinabi ko. Halata sa kanyang ekspresyon na narealize niya ang sinabi ko. Really?! Akala niya ba kapatid niya ako or alipin?!

“Right? Wala lang naman ako sa'yo. I am nothing.” Napakunot ang noo ko at nilagpasan na niya ako.

Nang lumingon ako sa studyante nakatingin sa akin ay umiwas sila ng tingin. Halata sa ekspresyon ng mukha nila na natatakot sila sa akin. Ngayon lang ba nila narealize na kaya kong lumaban?

Umupo ako at umiling. Pumasok si Syera dahilan para mapahinto kaming dalawa. Nagkatinginan muna kami bago siya umupo sa upuan niya. Napakuyom ako ng kamao. Mababawi ko din ang bestfriend ko. 

•••

Napahinto ako sa paglalakad ng lumapit si Zayan kay Syera. Halata sa ekspresyon ni Syera na nagulat siya, hindi niya inaasahan na lalapit sa kanya si Zayan. Nagulat ako ng hinila ni Zayan si Syera at niyakap.

“Love... really is a game.” Hindi ko na hinayaan pang mag aksaya ako ng oras at pumasok na sa kotse ni Zake.

Mukhang nagaganahan si Zake sa nakikita niya. Mapang asar siyang lumingon sa akin dahilan para samaan ko siya ng tingin. Kahit hindi niya sinasabi alam ko kung ano ang iniisip niya.

Magsasalita na sana siya pero agad ko siya inunahan.

Subukan mo lang magsalita.” Napakagat siya ng labi niya at binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti.

•••

Napakamot ako ng noo ko ng may kumatok sa pinto ko. Sino na naman ba 'to? It's already 7:15 pm and I already need to rest. Agad ko binuksan ang pinto at napahinto ako nang makita si Ice at Jazel. Mukhang nahihirapan si Jazel kaya napangiti siya ng peke but her eyes says 'help me, I'm in a big trouble.'

“What are you doing here?” taas kilay kong tanong.

“Umm... Ano kasi...” Lumingon siya kay Ice. “Hehe.”

Nagets ko din agad ang inasta ni Jazel. Ano na naman ba ang kailangan ng lalaking 'to? Walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin.

“Sino na namang bisita mo—” Napahinto si Zake nang makita si Jazel at Ice, ganun na din silang dalawa.

Tumaas ang kilay ni Ice, “May kasama kang lalaki?

“K-kapatid ko—”

“Zake Ebrahim. Kapatid ni Zayan,” cold niyang sabi dahilan para kagatin ko ang ibabang labi ko.

“H-ha? Akala ko ba crush mo si Zayan.” Namilog ang aking mata dahil sa sinabi ni Jazel.

“Crush mo kuya ko?” gulat na tanong ni Zake.

Napahilot nalang ako sa sintido ko. Jusko! Ayaw ko na talaga! Agad ko pinisil ang pisnge ni Zake dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

“Pasok kayo.” Binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

Nang tuluyan na silang makapasok ay agad ako napa cross arm at sinamaan ng tingin si Zake.

“So bakit naisipan mong bisitahin ako, Ice?” Umupo siya sa sofa at tinaasan niya ako ng kilay.

“Bisitahin?” He smirked dahilan para mas lalo akong nakaramdam ng inis. “I just followed Jazel here. Hindi ko naman inaasahan na pupunta siya dito.”

Tinignan ko si Jazel at dahan-dahan lang itong napatango which is hindi siya nagsasabi ng totoo sa akin.

“Really?” natatawa kong paninigurado. Hindi na siya sumagot at nakatingin lang ito kay Zake.

Si Zake naman ay halatang hindi na ito komportable. Sigurado akong pinapatay na ni Ice si Zake sa utak niya. I rolled my eyes at them.

Agad naman ako hinila ni Jazel at nang tuluyan na kaming makalayo-layo sa kanilang dalawa ay agad siya lumapit sa akin.

“Huhuhu! I'm sorry, Blaire! Hindi ko talaga gusto na isama siya dito! Eh kasi, papatayin niya raw ako kung hindi ko siya isasama!” mangiyak-iyak niyang sabi.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon