“Ano?! Susuko ka na?!” Napapout ito na parang bata. Ayaw ko na talagang tumingin sa mukha niya para akong nasa horror movie. “Ang bilis mo naman sumuko. Wala pa nga tayo sa exciting part.”
“Ano pa bang hinihintay mo, Syera? Patayin mo na ako.”
“Ito naman atat na atat masyado. Mamaya na, makikita mo naman si Satanas. Wag ka munang excited, mainit do'n.”
I rolled my eyes at her. Kaya ayaw kong sumusobra sa love eh. Tignan mo si Syera para nang aswang sa itsura na. Hindi na 'ata nagsusuklay ilang taon na. Napailing nalang ako sa naisip ko.
Ayaw ko na talaga.
“Sa tingin mo pag napatay mo na ako sasaya ka?” Napaupo ako ng may dugo sa ulo ko. Hindi na ito magandang biro. “This is not the way to find happiness, Syera. You only took away your happiness. Sa tingin mo ba magugustuhan ka pa rin ni Zayan nang nakita ka niyang ganito?”
Para siyang nawalan ng pag asa ng sabihin sa kanya ito. Mukhang ngayon niya palang narealize ang mga pinaggagawa niya. Walang emosyon ang kanyang mata at parang hindi na niya alam ang gagawin. Napakunot ang noo ko ng bigla na naman itong tumawa na para bang nasisiraan ng bait.
“Kahit naman magbago ako, Blaire. Wala pa rin akong magagawa. You ruined everything!” Nagulat ako ng agad niya ako sinakal. Mabuti pa't patayin niya nalang ako bakit pa parati nalang niya ako sinasaktan tapos hindi din naman papatayin. “Ahas ka! Kinuha mo lahat sa akin!”
“At hindi ko gusto na kunin kung anong meron sa'yo!” sigaw ko.
Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko. Hindi ako makahinga. Alam kong malaki ang kasalanan ko so why don't she just kill me instead. Ayaw ko na mag suffer pa ang sakit na.
“Papahirapan kita hanggang sa ikaw na ang humiling na mamatay ka na!”
•••
I slowly open my eyes at napaubo ako. Wala na ang tali pero hindi din naman ako makalakad. Napalingon ako sa paa ko and I was shock kasi nabali talaga ang buto ko. Tumulo ang luha ko dahil sa sakit. Ang sakit na ng katawan ko.
I heard her laugh na parang nababaliw—no! She's really crazy! Hindi ko na talaga lalaruin ang damdamin ng iba. Mabuti nalang talaga at hindi niya sinaktan masyado si Lareina. Mas galit siya sa akin kaysa sa kaibigan ko.
“Syera.” Napalingon siya sa akin. “I know walang kapatawaran ang ginawa k-ko... B-but I'm sorry.”
“Ngayon ka lang mag so-sorry?” Hindi lang ako nagsalita. “You're really funny.”
Hinaplos niya ang buhok ko. Nakangisi ito habang tumutulo ang luha. Tumawa na naman ito. Lutuan ko kaya siya ng pagkain baka kulang lang ito sa kain. Baliw na kasi parang wala ng chance na gumaling pa ito.
Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Proud na talaga ako sa sarili ko dahil kahit takot ay nandito pa rin ako sa harap niya, acting like I'm not scared.
“Pero hindi mawawala ang galit ko.” Tumayo na siya at sinundan ko lang siya ng tingin. “Hindi ka naawa sa akin when i treated you as my real sister.”
Tumawa ito at lumabas na ng silid. Kinakapa ko ang cellphone ko. At tinawag si Zake. Nakalimutan na ba nila akong iligtas?
Agad din naman ito sinagot.
“Blaire?! Omg! Blaire! Okay ka lang?! Hindi ka ba sinaktan ni Syera! Hinahanap ka na namin ngayon!” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Lareina. Nagpapanic siya.
“W-what do you mean?”
“Syera t-took you to another place sa ngayon, sinusundan namin ang location mo! Make sure na hindi niya malalaman na may cellphone kang dala!”
“Oo, d-dalian niyo. Bago pa niya ako tuluyang mapatay.” Pinatay ko na ang tawag.
Kaya pala natagalan sila akala ko nakalimutan na nila ako. Nagulat ako ng bigla nalang nasira ang pinto and I saw him, hinahabol niya ang sarili niyang hininga at naliligo sa sariling pawis, halatang pagod na ito. Hindi ko alam but I'm so glad too see him here.
“Zayan.” Napakuyom ito ng kamao ng makita ang paa ko na may isang napakalaking sugat.
Binuhat niya ako ng pang bridal style at hindi man lang ito makatingin sa akin.
“I'm sorry for being late.” Pinikit ko na ang mata ko.
Pwede na ako magpahinga.
•••
I slowly open my eyes dahil sa narinig kong pilit binubuksan ang pinto. Sinusuntok niya ito hanggang sa magdugo ang kamay niya.
“Z-zayan.” Napalingon siya sa akin.
Namumutla na siya pero kahit ganun ay ang gwapo niya pa rin. How lucky i am to have this man fell inlove with me. Hindi talaga siya nagbibiro, he is really willing to do anything just for me.
“The door is lock, kailangan kong hanapin si Syera siya lang ang may hawak sa susi,” natataranta niyang sabi.
“Sinundan mo kami dito?” Hindi lang siya nagsalita. Tumalungko ito at halata sa kanyang mukha ang pag alala.
“Dito ka lang. Just give me time, I will break that door.” Aalis na sana siya pero agad ko hinawakan ang wrist niya.
“Pinapagod mo lang ang sarili mo. That door won't open kahit anong gawin mo. Only Syera can open it.” Tumingin ako sa itaas. “I think alam na ni Syera na wala na ako sa silid.”
“This is all my fault.” Napahinto ako ng bigla nalang tumulo ang luha niya. He hugged me gently and I can feel the warm of his body. “Kung hindi dahil sa akin hindi ka na sana masasaktan.”
“Stop blaming yourself. A-ako 'yong pumasok sa buhay niyo at ginulo kayo.” I guess, hindi na talaga ako makakalakad if I survive kasi bali bali na 'yong buto ko. Tumulo 'yong luha ko dahilan para mapahinto siya. “Deserve ko 'to and I just want Syera to know na nagsisi talaga ako sa ginawa ko sainyo.”
“Pero hindi ako nagsisi na nakilala kita.” Natigilan ako sa sinabi niya. Hinaplos niya ang pisnge ko dahilan para hindi ako makagalaw. “Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.”
Anong nangyayari? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

BINABASA MO ANG
Love is a game
Romance(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...