Chapter 28

182 9 0
                                    

“Wag kang mangtatangkang magsinungaling sa akin, Zayan,” seryoso kong sabi sa kanya.

“I really don't know,” malungkot niyang sabi. Umiwas siya ng tingin at napakuyom ng kamao. “I'm sorry, I'm really sorry.”

I heavily sighed. Wala na kaming magagawa pa. We need to find Lareina as fast as we can. We're running out of time.

“Kailangan na natin siyang hanapin ng mabilisan. Maghiwa-hiwalay tayo.” Namilog ang kanyang mata dahil sa sinabi ko.

“No! Hindi ako papayag!”

“We have to, Zayan. Dahil kapag magdikit-dikit tayo hindi natin siya mabilis mahahanap,” alala kong sabi sa kanya.

Mapapahamak ka naman, Blaire.”

“Wala akong pake! I will choose to die just to save my friend!” Hindi na ako nagsalita pa at umalis nalang.

Nagulat ako ng hinabol niya ako at niyakap. Naramdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg. Hanggang sa nagpupumilit akong kumawala. Mas lalong humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“Hindi ko kaya ang sakit na mararamdaman ko kapag nawala ka ulit sa akin. Mamamatay ako kapag hindi na kita makita, Blaire. I love you so much.” Agad ko siya tinulak.

Ginamit ko ang buong lakas ko upang mabitawan niya ako.

“Mahirap ba sa'yong kalimutan ako, Zayan?! Kagaya ng ginawa mo kay Syera?!”

“You're different. Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko sa'yo. I love you for who you are.” Lumuhod ito dahilan para mamilog ang mata ko. “Please listen to me, Blaire. Let me love you.”

“Hindi mo ba naintindihan. Ayaw na kitang saktan pa. Nagu-guilty na ako. Wag mo naman dagdagan ang kasalanan ko, Zayan,” irita kong sabi.

Ngunit hindi lang siya nagsalita pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. I rolled my eyes. Wala akong panahon sa ganito. Kailangan ako ng bestfriend ko.

“Wala akong panahon para dito.” Tumalungko ako upang mapantayan si Zayan. I looked into his eyes full of sadness. “If you love me, hindi mo kukunin ang kasiyahan ko. You will do anything for me.”

Hinawakan ko ang kamay niya. Nalulungkot ako dahil sa ginawa ko, but I need to use his love in order for me to save my bestfriend.

Sana hindi pa huli ang lahat.

“I know where she is... Pero bago 'yan. You need to convince me to let you go.” Napahinto ako sa sinabi niya.

“What?!”

•••

I slowly open my eyes at napagtanto kong naa sa isang madilim na silid na ako.

“No! You can't do this to me! Zayan!” inis kong sigaw sa kanya. Habang pilit na kumakawala sa mga tali sa paa at kamay ko.

Imposibleng makaalis ako dito dahil sobrang higpit ng pagkakatali niya sa katawan ko. Nawawalan na ako ng pag asa. Tumutulo na rin 'yong luha ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang walang kabuhay-buhay ang kanyang mata.

“Do you know what? I thought Syera is my light. Not until you came. You made me go crazy. And hindi ko matanggap na balang araw mawawala ka na sa akin. Kahit anong pilit ko, Blaire! You're driving me crazy!” Hinawakan niya ang braso ko. Muntik pa talaga akong mapasigaw dahil sa gulat. “Dapat nga magalit ako eh... But I can't... Nanlalambot ang puso ko sa tuwing nakikita kita, sa tuwing naiisip kita. You changed me. All I want for you is to love me or appreciate me. Ganoon na ba talaga ang galit mo sa akin? Wala lang ba talaga ako sa'yo?”

Umiwas ako ng tingin pero nagulat ako ng pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan ako ng madiin. Pilit akong umiiwas pero hindi ako makaiwas para bang uhaw siya sa halik. Nang dumistansya na siya ay agad ko siya sinamaan ng tingin.

“I hate you.”

“Kahit naman isa eh. Hindi mo ako minahal and you will never love me.” Umupo siya sa upuan na kaharap ko at hindi lang ako nagsalita. “All I want is to see you everyday.”

“Wala akong panahon para dito, Zayan. Alam mo 'yan. Mamamatay na ang kaibigan ko.”

“I don't care about her. I care about you.” Kung hindi lang talaga ako nakatali kanina pa ako napahilot sa sintido ko dahil sa stress.

“Well! I love her, Zayan! She's important to me! Kapag may nangyari sa kanyang masama! I will blame myself until my death comes!”

“Paano naman ako? Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ko?” Nagulat ako ng agad niya ako niyakap. Sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. “Kulang ako ng atensyon mo at pagmamahal ko. I don't want anything else... All i want is you. I can take care of you gagawin ko ang lahat para sa'yo.”

“Masasaktan ka lang—”

“Wala akong pake. Kung pain lang ang way para makasama kita. I will gladly take that pain.” Kumalas na siya sa pagkakayakap at bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinalikan ako. Hinayaan ko lang siya. 

“Alam kong alam mo kung nasaan siya. Bakit ayaw mong makita ko siya, Zayan?” Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. “Now, I know. Dahil ba alam mong aalis din ako agad kapag nakita ko na siya?” Napatawa nalang ako at sinamaan siya ng tingin. Naiinis na ako sa lalaking 'to. “Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?! Zake love her so much! Tapos ganyan lang ang gagawin mo?!”

“Wala na akong ibang iniisip. Wala akong pake sa kanila, Blaire. All I want is you. I want you mine.”

Baliw na talaga 'tong lalaking 'to.

“Pero alam mong hindi kita gusto! At hinding-hindi ako magkakagusto sa katulad mo! I will never forgave you!” inis kong sigaw sa kanya.

Natigilan ito kaya napahinto na rin ako. Maybe i went too far? Gusto ko lang naman iligtas ang kaibigan ko. You can't blame me. I love my bestfriend so much. And she's in a dangerous situation.  Simula pagkabata kasama ko na ang bestfriend ko, kasama ko na si Lareina. At hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala siya sa akin. So I don't have time for this.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon