Chapter 29

187 13 0
                                    

Walang kabuhay-buhay niyang kinuha ang kutsilyo at tinaas ito. Is this the end? Ito na ba ang kamatayan ko? Napapikit nalang ako at napahinto ako ng gumaan na bigla ang kamay at paa ko. I looked at him innocently, walang kaalam-alam kung ano ang nasa isip niya.

“You let me go?” hindi makapaniwalang tanong ko.

What if diba pinaasa lang ako?

“Yes.” Nilahad niya ang kamay niya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Kahit nakangiti ito alam kong nasasaktan siya. Naguguilty tuloy ako na nasaktan ko siya. Hindi ko na sana pinaglaruan ang damdamin niya. 

Tinanggap ko ang kamay niya at umalis na kami sa silid na 'yon. Wala talaga siyang balak magsalita. Napagtanto kong nandito pa rin kami sa bahay ni Syera pero parang alam niya na kung saan ang daan dito.

“Madali lang sa akin mag memorize.” He took a glance at me. “I'm good at it.”

Napatingin ako sa mga sugat niya. Hindi ba siya lumaban nung sinaktan siya ni Syera?

“Hindi mo ba gagamutin ang mga sugat mo?” Walang ka effort-effort na tumingin siya sa mga sugat niya. He chuckled.

Ewan ko talaga pero naiinis ako sa tuwing ganyan siya.

“Hindi ko alam na may sugat na pala ako.” Napatampal nalang ako ng noo.

Ewan ko talaga, siguro kapag namatay siya hindi niya pa rin napansin na namatay na pala siya.

“Hindi ka talaga nag iingat.” Agad ko pinunit ang dress na suot ko at tinakpan ang mga sugat niya. “Wala akong nakikitang bandage, iyan nalang muna.”

“That look...”

“Huh?”

“Kung makaasta ka para kang nag alala sa akin.” Napahinto ako dahil sa sinabi niya. He chuckled. “Let's go.”

Umuna na siyang naglakad at binilisan ko ang paglakad ko upang makahabol sa kanya. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

“I don't want to get lost.” I smiled awkwardly at hindi niya nalang pinansin 'yon.

He respects my decision kahit gusto niyang hindi makinig sa akin. He chooses me over himself. Hindi ko namalayan na napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kanya dahilan para palihim siyang mapatingin sa akin.

“Don't be scared, I'll protect you. Hinding-hindi ko hahayaan na masaktan ka ng baliw na babae na 'yon.” Walang gana lang akong tumingin sa harap ko.

Pareho lang naman silang baliw. Napailing nalang ako sa naiiisip ko. Hindi naman ako takot kay Syera. Natatakot ako sa malalaman ko tungkol kay Lareina. 

Napahinto kami sa pintuan na kulay pula. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Nung una ko palang kita kay Syera ay para siyang anghel na bumaba sa langit and it turns out she is psychopath lady that all he wants is Zayan. Sadly to say, Zayan is inlove with me now.

At nagu-guilty din ako dahil kinuha ko si Zayan sa kanya. Hindi na dapat ako pumayag sa gusto ni Lareina. I heavily sighed. Hinawakan niya ang balikat ko at binigyan ako ng matamis na ngiti para pakalmahin ako.

“Everything is gonna be okay. I promise you that.”

“Thanks.” Umiwas na ako ng tingin.

Pinihit niya ang doorknob at binuksan niya ang pinto. Napahinto ako ng makita si Lareina na may bugbog at walang malay. Magulo na din ang buhok niya.

What did Syera do to her?

Agad ako lumapit sa kanya at halos mapaiyak na ako ng makitang may eyebags siya.

“Lareina! Wake up! Lareina!” Mahina kong sinampal ang pisnge niya pero hindi talaga siya gumigising.

Tumulo na ang luha ko at agad ko siya niyakap. This is all my fault. Sana hindi nalang talaga ako pumayag.

“Gosh! A-ang ingay mo!” Nagulat ako ng bigla nalang siya nagsalita.

Kumalas ako sa pagkakayakap and she gave me a warm smile dahilan para mapakalma ako. Pilit kong tinatanggal ang tali pero sobrang higpit pero hindi ako tumigil. Hinawakan ni Zayan ang balikat ko dahilan para tignan ko siya.

“Move.” Nagdadalawang isip pa ako. Baka kasi saktan niya si Lareina? Pero sa huli ay umatras din ako.

Mabilis niyang natanggal ang tali. Grabe ang lakas niya talaga. I looked at my phone at naubusan ako ng load. Grabe naman ang swerte ko ngayon! Napatampal nalang ako ng noo.

“We need to get out of here as fast as we can. I'm sure gising na si Syera.Tumango sila sa sinabi ko.

Umuna ng naglakad si Zayan at niyakap naman ni Lareina ang braso ko. Kahit hindi niya sabihin sa akin alam kong natatakot siya.

“Bakit mo pa ba ako niligtas?” irita niyang tanong.

“Dapat nga magpasalamat ka dahil niligtas pa kita.” I rolled my eyes at her. Hindi pa rin siya nagbabago.

“Hindi ko naman akalain na baliw ang babaeng 'yon. Hindi halata.” Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mapaiwas siya.

Napahinto kami sa paglalakad dahil napahinto rin si Zayan. Hinawakan ni Zayan ang kamay ko dahilan para mapakunot ang noo ko.

“What's the matter?” nagtatakang tanong ko.

“She's here.” Napahawak ako ng kamay ni Lareina at masamang tinignan ang na sa harap ni Zayan.

Duguan ang babae at magulo ang buhok. Nagmukukha na tuloy siyang multo.

“You... Betrayed me.”

“Syera—” Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang sabunutan ang buhok niya at sumigaw na parang nasisiraan ng bait.

“You betrayed me! Just for that girl! How could you do this to me?! Hindi pa ba sapat na sinaktan mo na ako dati?! At ngayon sasaktan mo na naman ako ulit!” sigaw niya.

Kitang-kita sa kanyang dalawang mata ang galit. Hindi ko na nakikita ang pagmamahal niya kay Zayan.

“I think w-we should run.” Tinapik ko talaga si Zayan dahil mukhang delikado na talaga si Syera.

From the looks of it parang papatay na siya ng tao. Hinawakan ni Zayan ang kamay ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. Halata sa kanyang mata na nalulungkot ito. Ano na naman ba ang pinaplano ng lalaking 'to?

“Run..”

“What?” Agad niya ako tinulak.

Mabuti nalang talaga at sinalo ako ni Lareina. Hindi pa man ako nakapagsalita ay agad ako hinila ni Lareina pero pilit akong nagpupumiglas para bitawan niya ako.

“Lareina! I need to save him!”

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon