Chapter 31

178 11 0
                                    

Kahit hindi nito pinapakita ay halatang nasaktan ito sa desisyon ni Zayan. Hinawakan ko ang kamay ni Zayan at sinenyasan siya.

Paparating na dito ang mga pulis. I'm sure sinundan na tayo ni Zake. Let's go.” Nagulat ako ng agad niya kinuha ang baril sa amin.

At pinutok ang baril. Agad naman ako niyakap ni Zake dahilan para magulat ako. I looked at his arms duguan ito. Napaupo siya sa sahig pati si Syera ay nagulat.

“Nasisiraan ka na talaga ng bait! Syera!” inis kong sigaw sa kanya.

“I-i didn't meant to—this is all your fault! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to!”

“Hindi ko kasalanan 'to! Wag mo ipasa sa akin ang mga kasalanan na ginawa mo!” I smirked. “Ikaw lang naman ang nagsira sa buhay mo, Syera. Hindi ako. Actually wala naman talaga akong ginawa. It's all you.”

“W-what? Don't you dare try to manipulate me?!”

“No, hindi kita mina manipulate. Totoo lahat ng mga sinasabi ko,” seryoso kong sabi sa kanya. Walang emosyon akong tumingin kay Zayan na ngayon ay nahihirapan na. “Look what you did to Zayan.”

“I-ikaw lang naman 'yong—”

“But still ikaw ang may hawak ng baril. Tinamaan mo siya.”

“I'm... A monster?” Baliw na talaga 'to.

Ilang taon na ba siyang hindi kumakain? Habang nakaupo ito at malalim ang iniisip. I took it as my advantage at kinuha si Zayan at dahan-dahan kaming umalis.

Bakit ang tagal nila? Nakaalis na kaya si Lareina? Nagkita na kaya silang Zake? Mygosh! Bakit ang tagal nila?!

Binuksan ko ang pinto at pumasok kami. Agad ko din ito nilock.

“Don't create a noise. Baka mahanap tayo ni Syera?” Hindi ko talaga maiwasan na mag alala.

“You should just go.”

“Hindi kita kayang iwan dito.” Tumingin siya sa aking mata dahilan para matigilan ako.

He smiled pero hindi pa rin naaalis ang sakit na natamo niya. Akmang sisirain ko ang damit ko pero agad niya ako pinigilan dahilan para mapakunot ang noo ko.

“You always ruined your wedding dress.”

“My wedding—” Kinuha niya ang wrist ko at nilagay ito sa damit na malapit sa abs niya.

Napalunok nalang ako ng laway. He smirked ng mapagtanto na wala ako sa focus dahilan para mapatikhim ako.

Punitin mo nalang ang damit ko. No need to ruin yours.” Napatango nalang ako at hindi na nagsalita pa.

Pinunit ko ang damit niya at tinakpan ang dugo sa braso niya. I heavily sighed ng matapos ako. I can't imagine how nervous I am right now. Umupo ako sa tabi niya at nilibot ang paningin ko sa paligid. I'm sure ang hagard ko na pero bakit hindi pa rin nagbago ang tingin sa akin ni Zayan.

“Akala ko nagbibiro ka lang.” Lumingon ako sa kanya. “But I can see that you truly love me, Zayan.”

“As I said. I love you more than myself, Blaire.”

“Yes, I know.”

Hinaplos niya ang pisnge ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. Nagulat nalang ako ng hinila niya ako at niyakap. 

“Wag ka matakot. Ipapangako ko sa'yo na hindi ka mamamatay.” Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.

Yes, I'm scared na mamatay ako pero mas natakot ako na may mamatay na tao ng dahil lang sa akin. Nagtataka nga ako hindi naman ako ganito before pero hindi ko kayang mamatay si Zayan.

“Why don't you make sure that you can save yourself too?” Pinitik ko ang noo niya dahilan para inosente siyang mapatingin sa akin. “Wag 'yong puro ako nalang ang iniisip mo.”

“I can't help it. And I didn't expect Syera to be that strong,” natatawa niyang sabi.

Wala lang akong ganang tumingin sa kanya. 

“Actually you can kill Syera.” Mas lumapit ako sa kanya at pinanliitan siya ng mata. Namula naman 'yong pisnge niya. “Hindi kaya bumalik na 'yong feelings mo sa tao na 'yan?”

Pinisil niya ang pisnge ko dahilan para sampalin ko ang kamay niya.

“Ang cute mo naman mag overthink.” Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Did he really think na nag ooverthink ako? Napangiti ako at umiling. Dumistansya na ako sa kanya, baka kasi ano pa iisipin niya.

“Hindi ako nag o-overthink at wala naman akong pake kung bumalik na ang feelings mo sa kanya,” sabi ko. 

“I just don't want you to be scared of me. Ayaw kong makita mo akong halimaw.”

“So you don't want to kill her because of me?” Tumango siya dahil sa sinabi ko. Hindi ako makapaniwala.

Am i that special to him?

“Bakit? Do you want me to kill her?” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What kind of question is that? “Kung ganun papatayin ko na siya.”

Tumayo na siya at muntik pa siya natumba dahilan para hawakan ko ang wrist niya.

“Ano ka ba?!” Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Hindi ko namalayan na sumigaw na pala ako. “Kailangan mo ba talaga siyang patayin kapag sinabi ko?!” Hindi lang siya nagsalita. Hindi ako makapaniwala. “You're crazy!”

“Alam ko,” walang emosyon niyang sabi.

Kailangan na namin umalis dito. Hindi ko namalayan na sumigaw na pala ako. Parang wala lang sa kanya ang tama ng baril ah. Pero halata sa kanyang mukha na namumutla na ito. Hinawakan ko ang wrist niya dahilan para inosente siyang mapatingin sa akin.

Geez! Don't look at me like that?!

“Did I do something wrong?” he asked innocently.

Napahilot nalang ako sa sintido ko. Feeling ko, mauuna na akong masisiraan ng bait dahil sa nangyayari sa buhay ko. 

“Let's go, sigurado akong mahahanap tayo ni Syera dito.”

“You can go dito nalang ako.” Pinanliitan ko siya ng mata.

“Aalis ako dito ng kasama ka.” He playfully smiled at hinila ako. Hinawakan niya ang panga ko dahilan para samaan ko siya ng tingin.

“Hindi ka ba natatakot na baka kapag nakalabas ako sa bahay na ito? Ay ikaw din naman ang ikukulong ko?” Iyan din ang sinabi sa akin ni Zake.

There is a big possibility na ikidnap niya ako at pipilitin na magpakasal sa kanya. After all, hindi pa rin nawawala ang obsession niya sa akin.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon