Chapter 24

214 12 0
                                    

“Nangyari na ang nangyari, wala na tayong magagawa diyan.” Naliwanag ang kanyang ekspresyon dahil sa sinabi ko pero agad din ito nawala ng sinamaan ko siya ng tingin. “But make sure na hindi na ito mangyayari muli. Do you think Ice has a crush on me?”

Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Hindi niya 'ata inaasahan na itatanong ko ito sa kanya. Hindi ako manhid, Jazel. Alam ko din na crush mo siya.

“Y-yes. Woah! Akala ko manhid ka.” Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

Wala akong pake sa lalaki na 'yan. Pabigat lang siya sa akin. Nahihirapan tuloy akong sundan si Syera dahil sa kanya. 

•••

“B-bibili lang ako ng maiinom at makakain na rin.” Hindi na ako hinayaan pang magsalita ni Zake at agad na siya lumabas.

Gago! Iniwan ba naman ako dito! Papalit-palit ang tingin ni Jazel sa amin at mukhang napansin naman ito ni Ice.

“U-umm... Sasamahan ko lang si Zake.” Agad na siya umalis ni hindi man lang niya hinintay na isa sa amin ang magsalita.

“So... Wala ka talagang sadya dito?” Lumingon siya sa akin at ewan ko ba pero natigilan ako nang magtama ang mata naming dalawa.

Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako namatay. Wala talaga siyang balak magsalita. Para din itong si Zayan no? Inirapan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.

•••

“Hoy bro!” Tinawana ni Zake si Ice na ngayon ay namumula na ang mukha. “Ang pula mo para kang pulang mansanas! Hahahah! Ang panget!”

Agad binatukan ni Jazel si Zake dahilan para mapa aray si Zake.

“Hindi panget ang crushie cakes ko!” Napapout si Jazel nang tignan si Ice na ngayon ay masamang nakatingin sa akin. Kahit lasing na siya hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sa akin. Umiyak naman si Jazel. “Why can't you just look at me?!” Lumingon siya sa akin dahilan para taasan ko siya ng kilay. Ako lang hindi lasing sa kanila dahil tubig lang ininom ko. “Bakit ba kasi ang ganda mo?!”

Aba malay ko,” mapaglaro kong sabi. “I guess, swerte ako sa mukha.”

I winked at her dahilan para mapangiwi siya. Lumingon sa akin si Ice at agad na lumapit sa akin. One wrong move at magdadampi na talaga ang labi namin sa isa't-isa.

“Ayaw ko sa babaeng madaming lalaki.”

“Retired playgirl na ako,” walang gana kong sabi sa kanya.

“Kahit na! Madami ka pa ring lalaki!” Tinuro niya pa ako parang tuloy siyang bata. 

“Ano na naman sa'yo kung madami akong lalaki?” inis kong tanong sa kanya. I rolled my eyes. “Kung makaasta ka parang nasasaktan ka ah.”

“Because it really hurts me!” Napahinto ako sa sinabi niya. Agad niya sinuntok ang dibdib niya na mas lalong ikagulat ko. “I don't know why pero ayaw kong nakikita kang masaya sa iba! Mas pipiliin ko pang maging malungkot ka kaysa sumaya ka sa iba!”

“Gusto ka na sa'yo lang ako sasaya?” mapaglaro kong tanong.

Dahan-dahan itong napatango. Nagulat nalang ako ng agad ako niyakap ni Zake.

“Hindi pwede!” Agad niya tinulak si Ice dahilan para samaan siya ng tingin. “Hindi mo makukuha si Blaire sa akin!” Agad niya pinisil ang pisnge ko dahilan para walang gana ko siyang tignan. Kapag nagising ka talaga bukas, lagot ka talaga sa akin. “Tutulungan mo pa akong hanapin si Lareina, hindi ba?” Napahinto ako ng bigla nalang itong umiyak at niyakap ako. Huhuhu! Wag mo ako iwan! Blaire! Ikaw nalang ang natitira sa akin! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag ikaw ay nawala na rin!”

“Ano ba?! Bitawan mo ako!” inis kong sigaw sa kanya. 

“Bitawan mo daw siya!” Agad hinila ni Ice ang buhok ni Zake.

At ganun na din si Zake. Napailing nalang ako at nakita ko naman na natutulog na ng mahimbing si Jazel. Ano na naman gagawin ko sa dalawang 'to?

•••

Dahan-dahan minulat ni Ice ang mata niya at napatingin ito sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti which is peke naman. Alam niya naman sigurong hindi ako natutuwa sa kanya. Matalino siya eh.

“What happened?” he asked. Hinawakan niya ang ulo niya halatang masakit ang ulo nito habang nakakunot ang noo.

“That doesn't matter. Mag ayos ka na at kailangan niyo ng umalis.” I rolled my eyes nang makitang parang walang balak siyang umalis.

“Ayaw ko. I'll stay here.” Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya.

“This is my house!” Tumigil ako dahil nataasan ko siya ng boses. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. “Umalis ka na, bago pa ako maubusan ng pasensya.”

“I said no.” Humiga siya.

Gusto ko nalang talaga patayin 'tong lalaki na 'to. Kung hindi lang talaga ako takot gumawa ng masama. Nagbabagong buhay na ako pero mukhang i ca-cancel ko ito dahil sa pisteng lalaking 'to. 

“Inuubos mo talaga ang pasensya ko sa'yo! Lalaki ka!” Agad ko kinuha ang wrist niya at hinila siya pero ang lakas niya hindi man lang siya nahila. “Amp*ta!”

Napatawa pa ito ng dahilan ng mas lalong ikinainis ko.

“Kahit anong gawin mo hindi mo ako mapapaalis dito. At isa pa, hindi mo ito bahay kay Zake 'to. He gave me permission to stay here if I wanted to.” Natigilan ako sa sinabi niya.

“Weee?” Proud pa itong napatango.

Napairap ako sa sobrang inis at agad na padabog na lumabas sa kwarto niya. Agad hinanap ng mata ko si Zake, nang makita ko na siya ay tinapunan ko siya ng unan.

“Hayop ka talaga! Kahit kailan! Zake!” Agad naman siya nagtago kay Jazel at halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na natatakot siya at kinakabahan.

“Hindi ko naman sinasadya! Nakakatakot siya eh! Mas mahal ko buhay ko no!” Napahilot nalang ako sa sintido ko.

“Really?” natatawa kong sabi.

Grabe kayo malasing! Kulang nalang dalhin ko na kayo sa mental. Inis kong kinuha ang shoulder bag ko at inirapan siya bago ako umalis.

“Saan ka pupunta?!” pahabol niya.

“Kung saan! Wala kayong lahat!” inis kong sigaw.

Alam niya naman siguro na sobra talaga akong nainis ngayon.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon