“Buti alam mo.”
“And why is that? The Blaire that I know ay isang walang awa na babae na paglalaruan lang ang feelings ng mga lalaki at hindi siya titigil hanggang sa hindi mabaliw ang lalaki.” Mas nilapit niya ang mukha niya sa akin. “Hindi kaya, naaawa ka kay Syera?” Seryoso ko lang siyang tinignan at ganun din siya. “Kung hindi mo gagawin, ako na mismo ang gagawa.”
Dadaanan na niya sana ako pero agad ko hinawakan ang wrist niya dahilan para inis niyang binawi ang wrist niya sa akin.
“It's too dangerous,” seryoso kong saad sa kanya.
“Wala akong pake. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin.” Hindi na niya hinintay na magsalita ako at iniwan na niya ako.
Ano ba kasi ang ginawa ni Syera sa kanya?
•••
“I see, hindi ako nainform na bumalik siya sa school na pinapasukan mo. If I know it first, pipigilan ko na sana siya.” Napabuga nalang ako ng hangin. Hinawakan niya ang kamay ko at halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na nag alala ito. “Umalis nalang kaya kayo dito. Delikado si kuya. Kilalang-kilala ko si Zayan, he's a monster.”
“As if naman takot ako.” Sumimsim ako sa kape ko. “Pero ewan ko nalang baka una pang mamatay si Lareina kaysa sa akin.”
“Hindi ka nakakasigurado.” Mapaglaro akong ngumiti at nilapit ang mukha ko sa kanya dahilan para hindi siya makagalaw.
“Of course, hindi ako sigurado. But Zayan loves me. Sigurado akong mahihirapan siyang patayin ako.” I heavily sighed. “Ewan ko nalang kay Lareina.”
“You should stop her.”
“No one can stop her. Kilala ko ang babae na 'yon. Walang makakapigil sa kanya kahit pa ikaw.” Bumuga nalang ako ng hangin.
Naalala ko talaga nung nainggit siya sa mga batang kalaro ko kaya binigyan niya ng malaking pera ang parents nila at pinalayo sa akin.
•••
Napahinto ako sa paglalakad ng makitang nag uusap na si Zayan at Lareina ngayon. Zayan seems so pissed. Lumapit ako sa kanila habang nakakunot ang noo.
“Hi! Are you perhaps Blaire Ceniza?!” excited niyang tanong.
Binigyan ko siya ng pekeng ngiti at lumapit kay Zayan.
“Who's this?” bulong ko.
“Lareina Lastimosa. Lumayo ka sa kanya.” Hinawakan ni Zayan ang wrist ko at aalis na sana kami pero napahinto kaming dalawa ng biglang nagsalita si Lareina.
“Ito na ba 'yong bago mo, Zayan?” Napapout ito at mapaglarong lumingon kay Syera at napangiti ng nakakaloko. “Kawawa ka naman.”
“Nagkakamali ka—”
“Umalis ka na, Lareina. Bago mo pa pagsisihan na bumalik ka pa.” Lumapit sa kanya si Zayan dahilan para magulat ako. “Swerte ka pa noon. Nakatakas ka pa ng buhay.”
Agad ko hinawakan ang wrist ni Zayan. Gusto talagang mamatay ng babaeng 'to! Gosh! Hindi pa nga tapos ang problema ko!
“Let's go, Zayan. Tama na,” seryoso kong saad sa kanya.

BINABASA MO ANG
Love is a game
Romansa(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...