Chapter 19

266 12 2
                                    

Bumukas ang pinto kaya agad ko nilagay sa ilalim ng kama ang cellphone ko. I hope hindi niya makita. May dala-dala na siyang tray na puno ng pagkain habang malungkot na nakatingin sa akin. I hate to admit this pero parang nakaramdam ako ng awa.

“I know hindi ka pa kumakain kaya pinagluto kita ng pagkain.” Pinagmasdan ko ang pagkain at napakunot ang noo ko.

“Bakit alam mo lahat ng favorite ko?” Napangiti ito dahil sa narinig niya.

“Actually, I observe you secretly and hindi nga ako nagkamali.” Kitang-kita ang saya sa kanyang mukha. “I'm glad.”

Napakuyom ako ng kamao dahil sa inasta niya. Why is he acting like this? Nagmumukha siyang kawawa. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at sinunod niya naman ito na para bang bata. Umupo siya sa tabi ko at nilagay sa mini table ang tray ng pagkain. Kinain ko ito at pinagmasdan niya lang ako. 

“Kumain ka din.” Mukhang nagulat siya dahil sa sinabi ko. Kinuha ko ang chocolate cookies at sinubo sa kanya.

Mabuti naman at hindi siya nagmatigas. Tinanggap niya din. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.

“Can you stop looking at me?” Agad naman siya umiwas. Nakita ko pang napakagat ito ng labi. 

“Did I make you uncomfortable?” Kahit hindi niya pinapahalata ay halata sa kanyang boses na nag alala ito.

“Hindi ba halata?” Mas lalo niyang kinagat ang labi niya dahilan para magdugo ito. Agad ko hinawakan ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa akin pero agad din siyang umiwas. “Stop that. Sinasaktan mo lang ang sarili mo.”

Napangiti ito pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Halata sa kanyang mata na malungkot ito.

“Hindi ko alam na nag alala ka pa rin sa akin.” Napakunot ang noo ko.

Kanina pa kasi ako may napapansin. Hinawakan ko ang noo niya pati na rin ang leeg niya. Agad niya hinawakan ang wrist ko para pigilan ako. Lumamig ang kanyang titig sa akin pero hindi ko lang 'yon pinansin.

“What do you think you're doing, Blaire?” Agad ko binawi ang kamay ko. Mabuti nalang talaga at binitawan niya ako.

Nilalagnat ka. Bakit hindi mo sinasabi sa akin agad?” gulat kong tanong.

“Hindi naman importante 'yon.” Tumayo na siya at binigyan ako ng matamis na ngiti. Hinaplos niya ang buhok ko dahilan para matigilan ako. “I miss you. I'm glad you came back. Akala ko hindi ka na babalik.” 

“Are you... waiting for me?” Dahan-dahan itong napatango.

“No one caught my attention... Nagtataka nga ako, hindi naman ako ganito dati. You're different, Blaire. You really caught my attention at hindi na ako makatingin sa iba pa.” Hinawakan niya ang pisnge ko at mas lalong nilapit ang mukha niya sa akin. “I love you.”

“But you know hindi tayo pareho ng nararamdaman.” Tumayo ako at nakipagtitigan sa kanya. “You should just give up, Zayan. Wala kang pag asa sa akin.”

“I know pero wala akong balak i-ignore lang ang nararamdaman ko. Dahil alam kong hindi na ito magbabago.” Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kaya delikado ang magmahal eh. I promise to myself to never fall inlove para hindi ako magaya ng ibang tao.

Love is like a game. If you fall into that trap it will be game over. Delikado ang love, it will destroy you.

“Tanga ka.” Agad ko mabilis na inubos ang pagkain habang masamang nakatingin sa kanya. Tinuro ko ang kama. “Sabi mo gagawin mo gusto ko. Umupo ka.”

Dahan-dahan itong umupo na para bang nagtataka kung anong pinaplano ko.

Ubusin mo 'yong pagkain.”

“H-hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?” alala niyang tanong.

“It's not like that. You should take care of yourself, Zayan. Wala na dito si Syera para alagaan ka.” Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang siya sa pagkain. “Dapat kasi binalikan mo nalang si Syera.”

“Hindi ko siya mahal.” Natigilan ako sa sinabi niya. Sumeryoso ang tingin niya sa akin. “Ikaw ang mahal ko.”

Hindi nalang ako nagsalita, “Ayaw kong may makasama akong nilalagnat. Baka mahawaan ako? You should take care of yourself.”

Magsasalita na sana siya pero agad niya pinigilan ang sarili niya. Hulaan ko, gusto niyang makatabi ako matulog pero naalala niyang nilalagnat siya. 

Lumabas na ako ng hindi nagsasalita.  I secretly took a glance at him at nakita ko ng nakahiga siya sa kama at pinikit ang kanyang mata. Nang tuluyan na akong makababa. Agad may humila sa wrist ko dahilan para magulat. I saw Zake, naliligo sa sariling pawis.

“S-she's not here.” So, totoo nga ang sinabi ni Zayan na wala siya dito na hindi niya kinidnap si Lareina.

If wala si Lareina sa bahay ni Zayan, “May iba pa ba siyang nakaaway?”

“No, wala na.”

Natigilan ako at namilog ang aking mata ng napagtanto ko kung sino talaga ang kumuha sa bestfriend ko.

That brat!

“I know kung sino ang kumidnap sa kanya. Dalawa lang ang taong may galit sa kaibigan ko.”

“Si Zayan at si...” Natigilan ito at narealize niya na nga. “Now that I think about it. Nag usap si Lareina at Syera. Lareina wanted to apologize to Syera in private pero hindi ko na alam kung ano ng nangyari.”

“Hindi ko pa nasabi 'to sa'yo. Syera almost killed me back then pero naintindihan ko siya. I stole her ex boyfriend's heart.” Natigilan ito at pinagmasdan niya lang ako.

“Nagu-guilty ka?” wala sa sariling tanong niya.

“I hate to admit this, but yes. Walang ibang binigay si Syera sa akin kundi kabutihan. She treated me as if I was her real sister at ito lang ginawa ko.” Medyo nasaktan lang ako sa part na kailangan namin tigilan kung anong meron kami dahil lang nandoon ako para sa mission.

Hinawakan niya ang balikat ko, “I know pero nangyari na ang nangyari, Blaire. Wala ka ng magagawa.”

“I need to save her. Kasalanan ko 'to kung bakit napahamak siya.” Umuna ng naglakad si Zake para ituro sa akin ang daan palabas.

Napalingon ako sa itaas. I'm sorry, but I need to.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon