Chapter 27

235 14 0
                                        

“Are you sure you're going to do this?” alalang tanong ni Zake.

“Nasa peligro na 'yong dalawa dahil sa akin. Dapat kasi hindi na ako pumayag sa gusto ni Lareina dati eh!” Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa inis. “At isa pa, I have my phone. Naka locate dito kung saan ako pupunta. Basta! Tawagin mo agad-agad ang mga police before she kills me, Zake.”

“Pero that makes your life in danger. Hindi ka ba natatakot mamatay?” Napabuntong hininga siya. “Ako nalang ang pupunta sa kanila.”

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mapakagat siya ng labi niya. Takot talaga siya kapag nagalit ako. 

“No, hindi ako papayag. Tanga ka pa naman.”

“Wow! Grabe ka naman sa akin!” I rolled my eyes.

“If you want me to survive, call the police quickly.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis nalang dahil nakita ko na si Syera.

Sinundan ko lang siya and I make sure na hindi siya mawawala sa paningin ko. Pumasok siya sa kotse niya at pinaharurot ang sasakyan. Nag para naman ako at inutusan si manong na sundan ang kotse. Nagtataka pa siya sa una pero sinunod din naman niya ako. Nang huminto na ang sasakyan ay agad ako lumabas at nagtago.

Nang tuluyan na siyang makapasok sa bahay niya ay hinawakan ko ang doorknob at pilit binubuksan ang pinto pero nakalock. I heavily sighed at lumingon sa paligid. Dito na pala siya nakatira.

Agad ako napahinto ng makita ang bukas ang window sa second floor ng bahay niya. I guess this is not bad. Agad ako umakyat, muntik pa talaga ako mahulog. Mabuti nalang tudo kapit ako. Nang tuluyan na akong makapasok ay bumuga ako ng hangin. Pinagpapawisan na ako. I lock the window para hindi makalabas ang hangin na galing sa aircon.

Now, where is she?

Nagulat nalang ako ng may masakit na tumama sa ulo ko and everything went black.

•••

I slowly open my eyes at napahinto ako ng may suot na ako na wedding dress. What the heck?!

“You're awake.” Dahan-dahan akong napalingon sa babaeng nakasuot din ng wedding dress. She smiled playfully.

Feeling ko may dugo 'yong ulo ko. She completely lost her mind.

“Why did you do this?! Syera! Sinisira mo lang ang buhay mo!”

“Ikaw ang sumira sa buhay sa buhay ko, Blaire! Kung hindi ka lang sana dumating! Edi sana kami pa ngayon!” Halata sa kanyang ekspresyon sa mukha na nasasaktan ito. “You stole everything... I trusted you.”

Hindi lang ako nagsalita kasi totoo naman lahat eh. Ako ang may kasalanan. Kahit pa humingi ako ng tawad, hindi pa rin sapat ang ito. I turned her into a monster.

“Where is she?” Napangiti ito ng nakakaloko dahil sa tanong ko.

“She's dead.” Halos bagsakin ako ng langit at lupa dahil sa sinabi niya. “Hinding-hindi mo na siya makikita pa, Blaire. Pinatay ko na siya.”

“N-no... Hindi totoo 'yan! Nagsisinungaling ka lang!” Biglang tumulo ang luha ko. First time kong umiyak ng sobra. This can't be!

“It's true!”

“Hayop ka!”

“This is all your fault! You turned me into a monster! I was once an angel until you enter my life and stole everything!” sigaw niya.

Agad niya kinuha ang patalim na nasa lamesa dahilan para mamilog ang aking mata.

“Don't do this! Syera!”

“Deserve mo 'to!” Sasaksakin na niya sana ang mukha ko dahilan para mapapikit ako pero mga ilang segundo pa ay wala akong naramdaman na sakit.

May humaplos sa mukha ko dahilan para tignan ko siya. Sugatan siya at punit-punit ang kanyang white long sleeve. Anong ginawa sa kanya ni Syera? Tuluyan na talagang nawalan ng bait ang babaeng 'yan.

“It's okay now, let's go.” Dahan-dahan akong napalingon sa babaeng nakahandusay sa sahig.

“Is she s-still alive?” kinakabahan kong tanong.

“Don't worry, hindi ko siya pinatay.” Napangiti nalang ako at tinanggap ang kamay niya at tumakbo na kami.

“Hindi ako pwedeng umalis dito.” Napakunot ang noo niya.

“Bakit naman?” nagtataka niyang tanong.

“I need to find my bestfriend.” Natigilan siya sa sinabi ko. “Alam kong sinabi na sa akin ni Syera na patay na si Lareina pero hindi ako naniniwala.” Sumeryoso ang titig ko sa kanya. “Hanggang sa wala akong nakikitang bangkay, hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya.”

“Then, sasamahan kita.” Napahinto ako at tinaasan ko siya ng isang kilay.

“No.”

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko. Pilit akong kumawala sa mga hawak niya ngunit sobrang lakas niya. Hindi ako kayang lumaban sa lakas niya.

“Hindi ako aalis dito hanggang sa nandito ka pa.”

“Ang tigas talaga ng ulo mo, Zayan! It's too dangerous! Look at what Syera did to you?!” inis kong sabi sa kanya. He smiled dahilan para mas lalo akong makaramdam ng inis. “Anong nakakatawa?!”

“Nag alala ka na sa akin.”

“N-no! Hindi ako nag alala sa'yo!” Agad ako umiwas ng tingin and I heard him chuckled kaya sinamaan ko siya ng tingin. “B-bahala ka! Kung mamatay ka, don't blame me!”

“Baka iiyak ka kapag namatay ako?” I rolled my eyes at napa smirk.

“Do you really think iiyak ako para lang sa'yo?” Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad.

“You looked beautiful in that wedding dress .” Napahinto ako sa paglakad at tumingin sa suot ko.

Nakalimutan kong nakasuot pala ako ng wedding dress. Kailangan kong magpalit ng damit.

“I wish makikita ko pa 'yan ulit.” Lumingon ako sa kanya and he smiled warmly.

“Oh...” Napangiti ako ng nakakaloko habang malanding nakatingin sa kanya. “You want me to be your wife—muntik ko ng makalimutan 'yon ah.”

Hindi na ako nagsalita pa at nagsimula nalang maglakad. Ramdam ko pa rin ang mga titig niya sa akin at rinig ko ang yapak ng paa niya. Binubuksan ko ang mga pinto na nadadaanan namin pero wala talaga si Lareina.

Agad ako humarap sa kanya dahilan para mapahinto siya at lumingon sa akin. He looks so innocent.

“Do you know where she is?” Inosente naman itong napailing.

Pinanliitan ko siya ng mata. Feeling ko talaga nagsisinungaling lang ang lalaking 'to.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon