Chapter 18

286 16 1
                                    

“Then anong gusto mong gawin ko?! Hayaan nalang na napahamak si Lareina?! Hindi ko siya tutulungan?!” Natigilan ito at napaupo sa sofa. “Mag iingat ako... Don't worry.”

“Dapat lang. Lagot ako kay Lareina kapag nalaman niyang napahamak ka.” Napangiti ako sa sinabi niya.

“I'm sure, namiss ka na din ng girlfriend mo.” Natigilan siya dahil sa sinabi ko.

I smirked. Akala mo ba hindi ko alam na may relasyon na kayo ni Lareina. Sa una palang, pumasok na sa isip ko na kayo ang magkatuluyan.

•••

Hindi na ako kumatok pa at binuksan lang ang pinto.

“Zayan! Lumabas ka! Hayop ka!” 

Walang nagsalita, Walang tao. Ang tahimik ng lugar na 'to. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napahinto ako ng makita siya sa itaas na nakatingin sa akin. Parang tumigil ang mundo ko ng makita siya.

All I can see is a monster looking at me na para bang sa isang iglap, kakainin na niya ako.

“Akala ko hindi ka na babalik.” Kahit hindi niya pinakita ay halatang nagulat ito.

Bumaba na siya at sinundan ko lang siya ng tingin. Nang makapunta na siya sa harap ko ay akmang yayakapin niya ako pero agad ako napaatras. Matapang ko siyang tinignan. 

“Don't you dare touch me.” Bumuntong hininga ako. Pilit pinapakalma ang sarili ko. “Nasaan si Lareina? Saan mo siya tinago?”

Nawala ang kanyang emosyon ng tanungin ko siya. Aalis na sana siya pero agad ako pumunta sa harap niya upang pigilan siya.

“Bakit mo ba siya hinahanap sa akin? Do you think kukunin ko siya para lang bumalik ka sa akin?” walang emosyon niyang tanong.

“Alam kong kinuha mo siya! Kahit wala akong ebidensya! Alam kong na sa'yo si Lareina! Kapag nalaman kong pinatay mo siya! Hindi talaga kita mapapatawad!” Agad ako naglibot sa paligid niya.

Nagulat nalang ako ng agad niya hinawakan ang wrist ko.

“Alam mo bang trespassing ang ginawa mo ngayon. Wala kang permission para pumasok sa bahay ko at isa pa wala dito ang kaibigan mo.” Hindi nagbago ang isip ko. Alam kong nandito ang kaibigan ko.

“Alam kong nandito siya, Zayan. Maraming kasalanan ang nagawa ni Lareina sa'yo! Imposibleng wala kang gagawin!” inis kong sabi sa kanya.

“Wala ka talagang tiwala sa akin.” Para itong nasaktan dahil sa sinabi ko. Natigilan kang ako. Did I go that far? “I miss you. I was looking for you everywhere pero hindi kita makita. I'm happy, bumalik ka.”

Niyakap niya ako dahilan para magulat ako. Ramdam ko ang kanyang pangungulila. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya, itutulak ko na sana siya pero hindi ko ginawa. Medyo naawa ako sa kanya.

Bakit ba nakaramdam ako ng awa sa kanya? Hindi naman ako ganito dati? Kumalas na siya sa pagkakayakap at sinamaan ko lang siya ng tingin. 

Babalikan kita.” Aalis na sana ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko.

“Kahit wag ka na bumalik... Dito ka nalang. Don't leave me, Blaire,” malungkot na sabi niya sa akin. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko. “Don't leave me again.“

“Iiwan talaga kita, hindi kita mahal.”

“Then I will force you to stay.”

“You know na hindi mo na ako nirerespeto niyan, hindi ba?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Sa tingin mo ba magugustuhan tika niyan?”

“Kahit naman hindi ko gawin 'yan, alam kong hindi mo ako magugustuhan. Wala akong pag asa sa'yo.” Namilog ang aking mata ng makitang tumulo ang luha niya. Ngayon ko lang nakitang tumulo ang luha niya. “I don't want you to go. Please don't leave me, Blaire. I will do anything just you to love me back.”

“Just accept the reality and move on.” Nagulat ako ng agad niya ako tinulak dahilan para mapaupo ako sa sofa.

He locked the door dahilan para mamilog ang mata ko. Napatayo ako at agad niya nilagay sa bulsa niya ang susi. Tinaasan ko siya ng kilay.

“What the heck?! Zayan!”

“What? Since nandito ka lang naman, why don't you just stay here?” malambing niyang tanong.

“Ayaw kong makasama ka,” seryoso kong saad sa kanya.

“Pero gusto kitang makasama. Diba sinabi mo sa akin swerte 'yong babaeng mamahalin ko? Aren't you happy that I love you more than myself?” I chuckled at mas lalong lumapit sa kanya.

“Ganun lang ba kadali para palitan mo si Syera?” hindi makapaniwalang tanong ko. 

“I know mali 'yong nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan. Hate me as you want pero please let me love you, Blaire. Tanggapin mo ang pagmamahal ko sa'yo,” malungkot niyang sabi. Lumuhod ito dahilan para magulat ako. “Gagawin ko ang lahat, Blaire.”

“Wala kang dapat gawin. Kahit anong mangyari, Zayan. Hindi kita mamahalin. Now, let me get out of here.” Nang hinawakan niya ang balikat ko ay agad ko siya sinampal. “Ano ba?!”

“No! Hindi ako papayag na aalis ka dito! You will stay here! Sa ayaw at sa gusto mo!”

“Hindi ikaw magdedesisyon sa buhay ko! Kaya let me go!” Ngunit imbes na bitawan niya ako mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa wrist ko. “Ano ba?! Zayan!”

“Hindi na kita hahayaan pa na umalis ulit!” Agad niya ako hinila at pilit pa rin akong nagpupumiglas.

Agad niya ako tinulak papasok sa kwarto niya bago palang ako makalabas ay sinara na niya ang pinto.

“Zayan! Buksan mo ang pinto! Zayan! Don't lock me here! Zayan!” sigaw ko.

Ngunit hindi na siya nagsalita pa. Narinig ko nalang ang yapak ng paa niya na umalis na.

Agad ko kinuha ang phone ko at tinawagan si Zake na agad din naman niya sinagot. Nanginginig ang kamay ko dahil nagpapanic na talaga ako. Maaaring hindi na talaga ako makalabas dito kahit anong gawin ko.

“Z-zake.”

“Blaire?! What happened?!” alala niyang tanong.

“Hindi na ako makalabas dito. I need your help.”

“P-puntahan kita diyan!”

“No! Wag mo ako iligtas!” Hininaan ko 'yong boses ko dahil napagtanto kong napalakas ko ito. “Pumasok ka dito sa bahay ng kuya mo and hanapin mo si Lareina.”

“Paano ka?”

“Aalis din ako dito kapag nalaman ko talagang totoo ang sinasabi ni Zayan... Please, find her quickly.”

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon