Chapter 16

336 19 2
                                        

“Masaya ka na. Nakuha mo na siya sa akin.” Napatawa ito na parang hindi siya makapaniwala. Pagod na ako! Pagod na ako magtiis pa sa nakikita ko! Hindi ko matanggap! Anong ginawa mo kay Zayan para mahulog siya sa'yo?! He's supposed to be mine?!”

“What are you talking about, Syera? Hindi ko inagaw sa'yo si Zayan.” 

“Hindi?! So ano ngayon ang nangyayari?! Hindi madaling makuha si Zayan! He's loyal to me!” I smirked dahilan para mapakunot ang noo niya.

“Loyal? Do you really think mahahanap mo pa ang ganyang klasing tao sa mundong 'to? Nasa fictional character lang 'yan.” Lumapit ako sa kanya. “Daming temptation dito sa mundo. Baka kasi hindi mo alam?”

“Kung ayaw mong mamatay ako...” Agad niya ako hinila at itutulak na sana pero agad ako umalis sa posisyon ko. “Ikaw nalang ang mamamatay!”

“What the heck?! Syera!” Hindi ako makapaniwala na maiisip niya 'yan. Hindi naman kasi ganyan na Syera ang nakilala ko.  

“You ruined everything! He was mine! He was supposed to be mine!” Napaupo na siya sa sahig and all I could do is watch her crying. “Wala lang ba sa kanya ang lahat ng pinagsamahan namin? Nangako siya sa akin na ako lang ang babae niya.”

“I'm sorry.” Hindi lang siya nagsalita at umiyak lang siya.

Lalapitan ko na sana siya pero napatigil ako. Mas better if umalis nalang ako sa harap niya bago pa siya makaisip ng hindi maganda. Aalis na sana ako pero napahinto ako ng bigla siyang magsalita.

“Take good care of him... For me.”

Hindi lang ako nagsalita at umalis na. Hindi ako mangangako... Because once I'm done with my mission ay aalis din ako.

Mission is always been a mission to me.

“Wala ka talagang balak na tumigil?” Napalingon ako sa lalaking nagsalita.

Dumaan ang hangin at sumabay sa kanyang buhok. Shit ang gwapo!

“Titigil din ako, Zake. Malapit na.” Ngayon ko lang napansin. Medyo magkamukha nga talaga sila ni Zayan.

Pwede na nga sila maging kambal. Lumapit siya sa akin at inayos ang buhok ko habang hindi inaalis ang tingin niya sa akin.

“Lareina is worried about you. She wants you to stop.” Tinaasan ko siya ng isang kilay habang hindi nawawala sa aking labi ang nakakalokong ngiti.

“Are you sure si Lareina lang ang gustong tumigil ako?” natatawa kong tanong.

Natigilan naman siya sa tanong ko kaya napatawa ako. Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at umalis nalang. 

•••

“Saan ka ba nagpunta?” he asked.

“Umm... sa daan daan lang.” Pinanliitan niya akong ng mata kaya binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti. “What? Pinagdududahan mo ba ako?”

“Wala akong sinabi.” Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa loob ng kotse niya.

“We're still going on a date?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Of course, kahit late na.” Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa daan.

Is he mad at me kasi late ako?

“Do you trust me, Zayan?” Nakatuon na ngayon ang atensyon ng mata niya sa akin.

“Yes,” wala sa sariling sagot niya. 

Lies.

Feeling ko talaga alam mo na ang totoo pero nagpapanggap ka pa rin na hindi mo alam.

“I hope you can love me back, Blaire,” seryoso niyang sabi sa akin.

I chuckled, “What are you talking about? Mahal kita—”

“As a friend, right? We don't have the same feelings for each other.” Alam niya.

Hindi lang ako nagsalita at nakatuon lang ang atensyon sa bintana. Ramdam kong palihim itong nakatingin sa akin pero nagpanggap akong hindi ko 'yon pinansin.

Nang makarating na kami sa isang mamahaling restaurant ay lumabas na ako ng kotse. Napahinto ako ng makita ang restaurant kung saan ako dinala ng dad ko noong bata pa ako. 

Bakit ito 'yong pinili niyang restaurant? Tumalikod ako at napahinto ako ng makita siya sa likod ko na walang emosyon.

“Yes, is there something wrong?” walang emosyon niyang tanong.

Napangiti lang ako ng peke at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. 

“B-bakit dito mo napili na pumasok?” I asked.

I am trying my best para hindi niya mahalata na kinakabahan o nagpapanic ako. Hindi niya pwedeng mahalata 'yon.

“Oh sikat kasi ang restaurant na ito and they made it for couples. So... I thought you will like it.” Napaiwas nalang ako ng tingin at lumingon ulit sa restaurant. Nangako ako na hindi na ako papasok diyan kahit kailan. “Hindi mo ba nagustuhan?” Halata sa kanyang pananalita na nag alala ito.

“Hindi naman kasi tayo couple, Zayan.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti dahilan para matigilan siya. “Walang tayo.”

“Then bakit hindi natin lagyan ng label?” Naramdaman ko ang kanyang katawan na dumikit sa akin. Hinawakan niya ang baywang ko upang hindi ako makatakas sa kanya. “Hindi pa ba ako enough para sa'yo, Blaire?”

“Hindi naman sa ganun—”

“Then why?” Kitang-kita ko sa kanyang mata ang lungkot. 

“Hindi tayo pareho ng nararamdaman.” Tumayo na ako at napahinto siya.

Magsasalita na sana ako pero agad niya ako hinalikan dahilan para magulat ako. Pilit ko siyang tinutulak pero sobrang lakas niya.

Agad ko siya sinampal dahilan para mapaatras siya. Inis ko lang siyang tinignan. Ayaw ko na talaga. 

“Kahit kailan hindi ka nakinig sa nararamdaman ko. Hindi ako papatol sa ex boyfriend ng kaibigan ko!” He looked at me emotionless na parang may alam siya.

Isa lang ang masasabi ko. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ko ngayon. He chuckled.

“Alam ko ang pagkatao mo, Blaire.” Natigilan ako sa sinabi niya. 

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakalimutan ko na nandito pala kami sa restaurant. Agad ako lumabas ng restaurant at hindi pa ako tuluyan nakaalis ay nahabol na niya ako.

“Don't you dare run away from me,” seryoso niyang saad sa akin.

“Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Zayan.”

“I know pinagplanuhan niyo 'to ni Lareina. Pinaglalaruan niyo ako all this time.” Hindi ako makapagsalita. Paano niya nalaman 'yan? Sino ang nagsumbong sa kanya 'yan? Wait, sinusundan niya ba ako? “But I choose to stay silent. Alam mo ba kung gaano kasakit na malaman na pinaglalaruan niyo lang ako!”

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon