“I wish I met you earlier para hindi na 'to mangyari.” Kinuha niya ako at nakatingin lang ako sa mga mata niyang puno ng lungkot at hinanakit. “I will leave you in the safest place—”
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa tela ng damit niya. Ewan ko ba, natatakot talaga ako kapag wala siya sa tabi ko but when he's around, i feel safe.
“Aalis ka? Don't... I-it's too dangerous,” alala kong sabi sa kanya.
“Don't worry, I'll be back.” Hinaplos niya ang buhok ko and he gave me a warm smile that makes me calm. “Hindi ako kayang saktan ni Syera.”
“How are you sure about that?” Umupo ako at namamanhid na ang mga paa ko. I can't feel my legs anymore. “That girl is a monster.”
“I'm sorry.” Napakunot ang noo ko.
“Bakit ka nagsosorry?” I asked.
“Dahil sa nangyari sa'yo. Alam mong hindi ka na makakalakad pa.” I smiled.
Hindi naman masyadong masakit kung hindi na ako makakalakad ulit. Alam ko naman na deserve ko 'to. This is my punishment and I gladly accept it.
“It's okay, tanggap ko naman. Kung ito lang ang paraan para pagbayaran ang mga kasalanan ko.”
Hindi nalang siya nagsalita. Kapag kailangan ko ng tulong, hindi niya ako iniwan. Nandito pa rin siya, inaalayan ako. Nung una hindi talaga ako naniniwala how can he replace Syera that easily? Parang kailan lang sobrang mahal niya pa niya si Syera na kahit anong gawin ko na kay Syera lang ang attention niya and now he's looking at me like I'm the only woman that exist in his world.
“Thank you.” Lumingon siya sa akin at napahinto siya ng halikan ko siya sa pisnge. “For being there for me.”
Namula naman ang pisnge niya at napaiwas ito ng tingin dahilan para mapatawa ako. He's kinda cute.
•••
“Don't make noise. Magtago ka lang dito at hintayin ako.” Hindi pa rin ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Bakit parang hindi na siya babalik? “I promise, babalik ako... Babalikan kita.”
Aalis na sana siya pero agad ko hinawakan ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa akin.
“Paparating na dito silang Zake. Why don't you just stay here and wait for them to come?” Hinead to foot niya ako at umiling ito. Mukhang hindi na magbabago ang desisyon niya.
“Kung maghihintay ako dito at walang gagawin. Baka mawala ka na sa akin habang buhay and I don't want that to happen.” I smirked dahilan para mapakunot ang noo niya.
“Paano ako mawawala eh hindi mo nga ako pinapakawalan even if I run away?” He just smiled at me at lumabas na ng silid.
Naramdaman ko ang lamig sa aking katawan. Kailangan ko sila. Bakit sobrang tagal nila? Napailing na lamang ako.
Mamamatay nalang ako dito bago sila dumating. Gaano ba kasi kalayo ang pupuntahan nila? Napalingon ako sa paligid. It's all dark, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa lugar na 'to.
I miss my life so much.
Napasandal ako sa pader at hinintay nalang na kunin ako ni kamatayan. Ayaw ko na. Mukhang wala na akong pag asa pa.
•••
“Blaire! Wake up! Blaire!” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napatingin ako kay Lareina.
“Y-you're here.” Napalingon ako sa lalaking nasa likod niya and he smiled at me kahit halata sa kanyang mata na naaawa na siya sa akin. “W-where is Zayan?”
Parehong napakunot ang noo nilang dalawa. Nagpalitan sila ng tingin dahilan para makaramdam ako ng kaba.
“Hindi namin naabutan si Zayan dito,” paliwanag ni Zake.
“Ikaw lang ang natagpuan namin. Nawalan ka ng malay.”
“No! I know he's here somewhere!”
“Both Syera and Zayan are gone. We don't know where to find them.” Napailing ako sa sinabi ni Zake.
Pilit akong tumayo pero nasaktan lang ako. Pinigilan naman ako ni Lareina. Mas lalo itong nag alala.
“Stop it, Blaire! Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo! Don't tell me inlove ka na sa lalaking 'yon?!”
“Lareina! I need to find him! Hindi ako aalis dito hanggang sa hindi ko siya makita!” sigaw ko.
She heavily sighed. Alam kong nag alala lang siya sa akin pero hindi talaga ako aalis dito hanggang sa hindi ko kasama si Zayan.
“Find, we will help you.” Hinawakan ni Zake ang balikat ni Lareina.
“Kami nalang ang hahanap. Doon ka nalang sa kotse, masyadong delikado si Syera.” Sinamaan naman siya ng tingin ni Lareina.
“No, I won't leave my bestfriend here.” Napabuga nalang ng hangin si Zake at napahilot sa sintido niya.
•••
Nakasakay ako sa wheel chair habang inalalayan ako ni Lareina at nasa likod naman niya si Zake. I'm sure wala na dito si Syera pero hindi pa siya nakakalayo. Napakunot ang noo ko ng makita sila sa bintana. Walang malay si Zayan at pilit siyang hinihila ni Syera.
“Zayan!” Ngunit hindi nila ako naririnig.
Agad kami nagmadaling lumabas at sumakay sa kotse. Sinundan namin sila at mas lalong binilisan ni Zake ang pag harurot sa kotse. Kahit hindi niya man sabihin alam kong nag alala siya sa kapatid niya dahil kahit anong mangyari kapatid niya pa rin si Zayan.
Huminto na ang kotse dahilan para mapahinto kami.
“Tinawag ko na ang mga pulis na sumunod sa atin. I'm sure they will be here and any minute,” seryosong saad ni Lareina.
Tumango naman ako at nilagay na nila ako sa wheelchair at naglakad na sila habang nilibot namin ang paningin namin sa paligid.
“Mag iingat kayo. Baka may mga patibong dito?” Hinawakan ni Zake ang braso ni Lareina at napailing nalang si Lareina.
“Ikaw 'yong takot sa ating dalawa eh. Bakla.”
“Hoy! Hindi ako bakla! Kiss kita diyan eh!” I rolled my eyes at them.
Nasa peligro na nga tayo, naglalandian pa kayo. Napakunot ang noo ko at napahinto dahil may narinig akong tunog ng kampana at nakasuot na ng wedding gown si Syera habang nakatayo si Zayan at may pasa.
“We're finally getting married.” Napatakip ako ng bibig dahil 'yong pare ay buto na at nakaupo lang ito.
Nilalangaw din.

BINABASA MO ANG
Love is a game
Romantizm(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...