Chapter 5

391 23 1
                                        

Malandi kang babae ka!”

Aray!” inis kong sigaw.

Parang matatanggal na ang buhok ko dahil sa sakit ng pagkakahila niya.

“Hindi ka na dapat nandito pa! Sana kinuha ka na ni lord!” sigaw niya.

Tumawa naman ako, “Ang bait mo naman! Kay lord mo pa ako ipapakuha! Tatanggapin kaya ako?!”

“Bakit hindi natin subukan?!” sigaw ng isa at kumuha ng kutsilyo sa bulsa niya.

“Hoy! Wala sa usapan 'yan!” sigaw ko.

Napapikit nalang ako ng tinaas niya ang kutsilyo niya. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ng hindi ko maramdaman ang sakit na inaasahan ko.

“Z-zayan.” Namilog ang aking mata ng makita ang lalaki sa harap ko.

“Anong ginawa niyo kay Blaire?” nag alalang tanong ni Syera na nasa likod na ni Zayan ngayon.

“That girl is going to steal your man away from you! We're doing the right thing!” inis na sigaw ng isang babae.

“What are you talking about?” Nakita kong mas lalong hinigpitan ni Syera ang pagkakahawak niya sa braso ni Zayan. “Blaire is our friend.”

“I will never replace Syera,” cold na saad ni Zayan.

“And Zayan...” Lumingon si Blaire sa akin. “Zayan treated her as her little sister.”

Bahid sa mata ni Syera ang lungkot. May hindi ba ako nalalaman? I'm sure I checked his background. Bigla ng nanlabo ang paningin ko at ang alam ko lang ay natumba na ako sa sahig. They called my name but it's too late, nilamon na ako ng kadiliman.

•••

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napakunot ang noo ko ng makita si Zayan na alalang nakatingin sa'kin. Ngayon ko lang namalayan na nakahawak pala ang kamay namin sa isa't-isa.

“Zayan?” Gagalaw na sana ako pero bigla akong napahawak sa ulo ko na may bandage na ngayon.

What the—hindi ko alam na may sugat na pala ako?!

“Don't move.” Hindi nalang ako gumalaw baka kasi pagalitan na ako nito.

“Where's Syera?” I asked.

Nagpupumilit siya na siya nalang bumili ng pagkain.” Napatango nalang ako.

“Can you explain to me what Syera said?” Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang. “May kapatid ka ba dati?”

Nahalata kong natigilan ito kaya tama nga ako. May possibility na patay na 'yong kapatid niya.

“Yes... I have a sister... She passed away.” Nakayuko ito at kahit hindi ko masyadong makita ang ekspresyon sa mukha niya alam kong malungkot ito. “If only binigyan ko lang siya ng pansin at hindi lang nakatuon sa gusto ko. If only nalaman ko lang ang naramdaman niya. Akala ko okay lang siya but... Akala ko lang pala.”

Kaya pala nung napansin niyang pinepeke ko lang 'yong ngiti ko ay agad niya din ito napansin. Nagulat ako ng hinila niya ako at niyakap. 

“Ewan ko pero nakikita ko sa'yo ang kapatid ko. I can feel it, you gave me a chance para makabawi.” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

No! He is not supposed to see me as his younger sister! Agad ko siya tinulak dahilan para mapakunot ang noo niya.

“Let me remind you, Zayan. I am not your sister.” Bigla siyang natahimik. Napagtanto niya siguro ang ginawa niya. “Kahit pa ipilit mo sa akin. Ibang tao pa rin ako, Zayan. I am not your sister.”

Bumuntong hininga at umiwas na siya ng tingin. Pinag iisipan niya siguro ang sinabi ko.

“Yeah, you're right. Kahit pa anong gawin ko. Hindi pa rin magbabago ang katotohanan na wala na ang kapatid ko.” Para siyang nawalan ng pag asa.

Ano na ang gagawin ko? Sana pala hindi ko 'yon sinabi. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa'kin. I smiled warmly.

“But Syera and I we're for you, Zayan.” Mas lalo kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. “You're not alone. Do what makes you happy and it's make your sister proud.”

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad na ako dumistansya. Humiga na ako. Mabuti nalang at natiis ko pa 'yong sakit mg katawan ko. 

“Gising ka na pala, Blaire.” Binigyan ko ng matamis na ngiti si Syera at may dala na nga siyang paper bag and I'm sure may laman niyan na pagkain.

Umupo siya sa tabi ni Zayan at hinawakan ang kamay ni Zayan na ngayon ay nakatulala na.

“Ayos na ba ang pakiramdam mo?”  alala niyang tanong.

“Yes, I'm fine. Sorry na abala ko pa kayo.” Hinawakan ni Syera ang kamay ko at umiling.

“Kami dapat ang humingi ng tawad sa'yo dahil napahamak ka pa ng dahil sa amin.” Ngumiti na lamang ako. I took a glance at Zayan at ngayon ay hindi na siya nakatingin sa'kin. 

•••

“Do you see what I did just for that guy to pay attention to me?! Gosh! Muntik ko ng ikamatay 'yon!” Nakita ko sa salamin na napairap si Lareina habang nakafocus pa rin ang atensyon niya sa daan. 

“But do you see Zayan reaction? If only alam mo lang kung ano ang ginawa niya sa tatlong babaeng bumugbog sa'yo.” Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Nang makita niyang nagtataka ako ay mas lalo itong napangiti.

“What do you mean?” I can see her smile playfully na para bang nasasayahan sa nangyayari.

“He almost killed those girls. He punished them like an animal.” She laughed like she's out of her mind. “How cute... If I were Syera, mapapaisip talaga ako na may feelings na sa'yo si Zayan.”

I rolled my eyes at napailing.

•••

Napakunot ako ng noo ng bigla nalang may nag doorbell. Pinihit ko ang doorknob at namilog ang mata ko ng makita ko si Zayan.

“What are you doing here?” Itinaas niya ang paper bag na dala niya.

“I brought you some foods.” Nakakunot pa rin ang noo ko at umatras para magbigay daan sa kanya.

“Come in.”

Pumasok na siya. Natigilan ako ng maamoy ang bago niyang pabango. He changed his perfume.

“Bakit mo naisipan pumunta dito?” Tinignan ko ang wrist watch ko. “Nang ganitong oras?”

“Hindi ka maalis sa isipan ko.” Ha? “After all, nakokonsensiya pa din kami sa nangyari sa'yo, Blaire.”

Bakit ganun? Bakit kinakabahan ako?

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon