Napatakip ako ng bibig dahil sa nakita ko. Napaupo ito at sumuka ng dugo bago humiga sa sahig. Lumingon ako sa lalaking gumawa nito. Agad siya lumapit sa akin at hinawakan ang pisnge ko. Para bang wala lang sa kanya ang nangyari. Sanay na ba siyang manakit ng tao?
“Okay ka lang?” Dahan-dahan akong napalingon sa lalaking wala ng malay.
“B-buhay pa ba siya?” Walang emosyon itong lumingon sa lalaking sinaktan niya.
Hinawakan niya ang panga ko at pinaharap sa kanya. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng takot. Nilagay niya ang baril niya sa bulsa niya.
“That doesn't matter.” Hindi na niya ako hinintay pang magsalita at hinila na ako papalayo sa lalaki na 'yon.
“Iiwan mo lang ba 'yong katawan doon? What if may nakakita sa atin?!” Hindi pa rin siya nakinig sa akin kaya nakaramdam ako ng inis. “Zayan!”
Nagulat ako ng niyakap niya ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
“Wala ng ibang makakapanakit sa'yo, Blaire. I will protect you.” Tinulak ko siya at kitang-kita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mata.
“Kaya ko na protektahan ang sarili ko, Zayan. Wag mo na ako alalahanin.” Dahan-dahan niyang nilapit ang kamay niya sa pisnge ko at hinaplos ito.
“No, you're not. Alam kong nagpapanggap ka lang, Blaire. You always had a smile on your face. Ayaw mong makita namin na mahina ka pero hindi mo kailangan magpanggap sa akin.” Dahan-dahan kong hinawakan ang likod niya at niyakap pabalik.
“Natatakot ako. I can't let you go if I do that, Zayan.” Natigilan siya sa sinabi ko. Kumalas na ako sa pagkakayakap at binigyan siya ng matamis na ngiti. “I'm okay, I promise. Wag ka rin mag alala hindi ko sasabihin ang nangyari. Kakalimutan ko nalang ito.”
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis nalang.
•••
Naramdaman ko na lamang na may humaplos sa buhok ko. Pero nagpanggap akong tulog.
“Why can't I let someone hurt you? Why do I care for you? Ano bang ginawa mo sa akin, Blaire?” Napangiti ako deep inside. Mukhang gumagana ang plano ko. “I know this is bad pero dapat na kay Syera lang ang atensyon ko.” Napahinto na ito sa paghaplos ng buhok ko. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa leeg ko dahilan para hindi ako makagalaw. Hindi naman talaga ako makagalaw para bang tumigil ang mundo ko. “Is it because minahal na kita, Blaire?”
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. I can still feel the eyes that are looking at me. Sinara na niya ang pinto at minulat ko na ang mata ko.
You're really a red flag. Halos hindi na nag e-exist ang loyal sa mundo.
•••
“Masarap ba ang niluto ko?” masayang tanong ni Syera.
“Yes, halos perfect ka na Syera. Ang galing!” Nag thumbs up ako para ipakita sa kanya na gustong-gusto ang niluto niya.
Namula ang kanyang pisnge at lumingon kay Zayan na kanina pa nakatingin sa akin. Mukhang napansin naman ito ni Syera. Nagpanggap akong hindi ko napansin. Pero alam kong unti-unti ng napapansin ni Syera na nakukuha ko na ang atensyon ni Zayan. Ngayon? Anong gagawin mo, Syera?
“Z-zayan, nagustuhan mo ba ang niluto ko?” Lumingon ako kay Zayan dahil hindi ito nagsalita. Napakunot ang noo ko dahil hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.
“Zayan? May dumi ba sa mukha ko?” I asked innocently dahilan para magising siya sa realidad.
“What was your question again?” he asked Syera.
Palihim akong napangiti sa reaksyon ng dalaga. She's slowly loosing her smile. What will you do, Syera?
“Ah, n-nothing. I-enjoy mo nalang ang pagkain.” Hindi na ako nakatingin sa kanila pero ramdam ko ang titig sa akin ni Syera.
•••
Natapon ko ang libro ko dahil may bumangga sa akin. I looked at him. Silver eyes and White hair, pale white skin at matangkad. Medyo may pagka red 'yong labi niya.
Familiar siya?
“I'm sorry.” Kinuha niya ang notebook ko at napahinto siya ng makita ang pangalan ko. “Blaire?”
“Yes? Do I know you?” I innocently asked.
He smiled at me, “Ako iyong tinanong mo kung sino si Zayan.”
“Ah... Kaya pala familiar ka.” Napatango nalang ako at sinenyasan ko na siyang aalis na ako.
Hinawakan niya ang wrist ko dahilan para mapahinto ako. He gave me a warm smile. He looks so innocent pero alam kong may kailangan siya sa'kin.
“Pwede ba kitang makasabay na mag study sa library?” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Palihim akong napatingin sa kinaroroonan ni Zayan. Napangiti ako ng palihim ng makitang nakafocus ang tingin nito sa amin.
I smirked, “Okay sure, pagkatapos ko mag take ng lunch. I will go to the library.”
Napangiti siya sa sinabi ko at tumango. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umuna ng maglakad.
•••
Kanina pa tahimik si Zayan kaya sobrang nag alala si Syera. Minsan talaga ang cute nilang tignan. Siniko ni Syera si Zayan dahilan para mapatingin sa kanya si Zayan.
“Is there something wrong? Kanina ka pa kasi tahimik, at minsan naman tulala ka.”
“I'm...” Lumingon siya sa akin at ginantihan ko siya ng inosenteng tingin. “Fine.”
Lumingon na naman sa akin si Syera. Are you blaming me? I smirked at tumayo na dahilan para mapahinto silang dalawa.
“Tapos na ako kumain.” Binigyan ko sila ng matamis na ngiti.
“Where are you going?” he asked.
“Sa library lang. Maiwan ko muna kayo.”
Nang makapunta na ako sa library. Ramdam kong may palihim na nagmamasid sa akin. May possibility na si Zayan ang nakatingin sa akin o 'yong lalaki na 'yon.
Nakalimutan ko ulit 'yong pangalan niya, nakita ko 'yon sa i'd niya eh. Napatampal nalang ako ng noo. Napahinto ako ng makita siya sa harapan ko at kumaway.
“Hi.”
I gave him a warm smile at kumuha ng libro sa bookshelf. Umupo ako sa harap niya. Nakatingin pa rin ito sa akin. I took a glance at his i'd.
Zake Ebrahim.
Oh so he is Zayan's little brother. Tinakpan niya ang i'd niya ng mapansin na nakatingin ako sa i'd niya.
“What are you planning to do, Zake?”
BINABASA MO ANG
Love is a game
Romance(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...