“Pardon?”
Tumawa ito at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. May gana pa talaga siya makipagbiruan sa akin?
“Ang seryoso mo naman, Blaire. If I were you, I wouldn't think about my problem first. Baka magka wrinkles ka niyan?” Pinisil niya ang pisnge ko at sinampal ko lang ito dahilan para mapatawa siya.
Tumayo na ako at bumuntong hininga.
“Sa bagay nandoon naman si Lareina sa school natin. Ikaw na ang magbabantay sa kanya.” Tinuro niya ang sarili niya, hindi ito makapaniwala.
“Me?” Inirapan ko lang siya.
“Ano pa ba?!” irita kong sabi.
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis nalang. Alam kong magrereklamo lang siya.
•••
Agad ako lumapit kay Syera bago paman makalapit si Lareina sa kanya. Nakita ko pang napakuyom ito ng kamao halatang naiinis dahil sa ginawa ko.
I won't let them hurt you, Lareina.
“Hi Syera!” Binigyan niya lang ako ng pekeng ngiti.
Nawala na 'yong masayahin na Syera na nakilala ko.
“B-blaire, what are you doing here?” nauutal niyang tanong.
Napakunot ang noo ko. She's acting strange today. Nararamdaman kong may tinatago siya sa akin. Napalingon ako kay Lareina na inis na sumimsim ng juice habang masamang nakatingin sa aming dalawa.
“I just want to see that you're fine.” Napabuntong hininga ito.
“Okay naman talaga ako. You do not have to worry.” Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
You're still pretending even though you're already hurt. Kailan ka ba magrereklamo?
“Zayan confessed to me. He likes me, Syera.” Halos hindi siya makagalaw dahil sa sinabi ko. Palihim akong napangiti ng makita sa mukha niya na nasasaktan ito. Alala ko lang siyang tinignan at hinaplos ang likod niya. “Don't worry, hindi ako naniwala sa kanya. Naniniwala pa rin ako na babalik kayo sa dati.”
“No.” Walang emosyon siyang lumingon sa amin. “Wala ng pag asa na maging kami pa ulit hanggang sa nandito ka pa.”
“P-pardon?”
Mukhang napagtanto niya na nag iba ang tingin niya sa akin. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at tumayo na siya.
“Kailangan ko ng umalis. May kailangan pa akong asikasuhin. See you later, Blaire.”
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalayo siya. Agad naman umupo sa tabi ko si Lareina. Malamig lang na binigyan ko siya ng tingin.
“Ako lang ba pero feeling ko may tinatago sa'yo si Syera.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “I think she hates you.”
“Really?” Lumingon ako sa direksyon kung saan pumunta si Syera. “Kahit hindi niya sabihin alam ko na 'yan.” Mapaglaro akong ngumiti.“Inagaw ko sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya.”

BINABASA MO ANG
Love is a game
Romance(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...