"Pardon?"
Mas lalo kong nilapit ang sarili ko. Napaatras siya ng kunti dahilan para mapa smirk ako.
"Zake Ebrahim, 15 year old. Your older brother is Zayan Ebrahim, right?" Natigilan siya sa sinabi ko.
"I don't know what you're talking about."
"You hate your brother." Halos hindi siya makagalaw dahil sa sinabi ko. Hindi na nakakapagtataka dahil halata naman sa galaw niya. Tumayo siya at sinundan ko lang siya ng tingin.
"Kung iyan lang ang pag uusapan natin dito. I need to go." Aalis na sana siya pero agad ko hinawakan ang wrist niya dahilan para mapatingin siya sa akin. Blangko ang ekspresyon nito.
"I'm sorry for being rude." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. He knows na alam ko ang pinaplano niya. Hinila ko siya at sa isang iglap nakaupo na siya sa tabi ko. "I'm Blaire Ceniza by the way. Hindi ako nakapag ayos ng pakilala sa'yo." Tahimik lang ito kaya sumeryoso na ang tingin ko sa kanya. "What do you want from me, young Ebrahim?"
"Do you love him?" Napangiti ako sa sinabi niya.
"What do you think, Zake? Mahal ko ba ang kuya mo?" mapaglaro kong tanong.
Hinawakan niya ang braso ko dahilan para magulat ako. Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin.
"Binabalaan kita, Blaire. Baliw si Zayan. Hindi ka dapat lumalapit sa kanya." And do you think natatakot ako sa lalaking 'yon?
I know from the start na baliw talaga ang lalaki na 'yon. He is willing to kill anyone para lang hindi maagaw sa kanya si Syera.
"I know." Tinuon ko na ang atensyon ko sa libro.
"You're putting yourself in danger." I smirked.
"Napapansin mo rin diba?" Mapaglaro akong lumingon sa kanya. Pinapakitang hindi ako natatakot sa lalaki na 'yon. "Unti-unti ko ng nakukuha ang loob ni Zayan."
"Why are you doing this?" Hindi lang ako sumagot dahilan para mapakuyom ang kamao niya. "Pagsisihan mo talaga ang mangyayari sa'yo, Blaire."
"I advice you to pay attention to yourself. Wag sa akin, baka mamatay ka nalang sa isang iglap." Sinundan niya ang tingin ko at nakita niya si Zayan na palihim na nakatingin sa amin.
Nagulat ako ng inakbayan ako ni Zake, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Napakunot ang noo ko ng makitang nakangiti na ito ng nakakaloko sa akin. He's very handsome. Hindi na ako magtataka kung bakit magkapatid sila.
"That's right, I hate my brother so much." Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin dahilan para mapaatras ako kunti. "And I want him to suffer."
"Why do you hate your brother so much? May ginawa ba siyang mali?" Nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Marami... He's a monster. Hinding-hindi ko mai-imagine na tao pa siya, Blaire."
"Myghad, kaya pala mukhang malalim ang iniisip mo kanina." Napalingon kami kay Syera na ngayon ay inosenteng nakatingin sa amin. Kumaway siya kay Zake. "Hindi ko akalain na nagda-date pala kayo."
Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti, ganun na din si Zake. Napalingon ako kay Zayan na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa. Kung nakikita mo lang ang ekspresyon niya, hindi talaga niya nagugustuhan ang nakikita niya. Napansin naman ito ni Syera kaya niyakap niya ang braso ni Zayan para makuha ang atensyon niya. Zayan just gave her a warm smile.
Nang lumingon na sila sa akin ay binigyan ko sila ng matamis na ngiti.
"Nag alala ba kayo sa akin kaya sinundan niyo ako?" Natigilan sila. Hindi siguro nila ini-expect na malalaman kong sinusundan nila ako. "Don't worry, I'm totally fine. Nandito naman ang kapatid ni Zayan para turuan ako." I cross my arms while looking at them with a smile on my face. "Actually, gusto ko lang talaga bigyan kayo ng oras ng kayo lang dalawa but since nandito lang naman din kayo. Samahan niyo nalang kami mag study."
Mukhang hindi naman ito nagustuhan ni Zake.
"Kakasabi ko lang eh," bulong ni Zake.
I chuckled dahilan para mapahinto ang dalawa at tumingin sa amin. Agad ko sinapak ang braso ni Zake nahalata kong nasaktan ito pero mas pinili kong hindi lang pansinin ito.
"Ano ka ba, Zake?! Nakakatawa ka talaga." Umiling na lamang ako at ginulo niya din ang buhok ko.
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ginugulo ang buhok ko. How dare he?! Napansin kong napangiti ito ng nakakaloko ng makitang naiinis ako sa ginawa niya.
"Ang cute mo talaga, Blaire!"
"Magjowa ba kayo?" wala sa sariling tanong ni Syera.
"Maybe." Sinapak ko si Zake dahil sa sagot niya.
Napahinto kami ng bigla nalang nabali ang ballpen na hinawakan ni Zayan. Napatingin kami sa kanya. Tumayo siya kaya kitang-kita ang pag alala ni Syera. Hindi nagsalita si Zayan at umalis lang.
"Anong nangyari?" alala kong tanong.
"I'm sorry, I-i'll talk to him."
Hindi na niya kami hinintay pang magsalita at umuna na siya sa amin. I smirked at sinara ang libro.
"Hey, wanna know what they're talking about?" Mas lalo akong napangiti dahil sa tanong ng lalaki sa tabi ko.
Tumayo ako at sinundan niya lang ako ng tingin. Susundan na niya sana ako pero agad ako humarap sa kanya.
"Ako lang, hindi ka kasali." Nakangiti pa rin ito pero parang hindi niya inasahan ang sinabi ko. Nilagay ko ang libro na binasa ko sa harapan niya. "If I were you, magbasa ka nalang. One day, you will blame me for your death, Zake."
•••
Sinuot ko ang eyeglasses na palihim kong kinuha kay Zake at sinuot ito sa akin. Kumuha din ako ng kape at libro at umupo sa isang table.
"Ano bang problema mo?!" Agad siya hinila ni Syera sa braso dahil parang wala itong balak na tumigil sa paglalakad.
"W-wala." Mukhang pati si Zayan ay hindi alam kung anong problema niya.
Hinawakan ni Syera ang pisnge ni Zayan dahilan para matigilan ako. Sa isang iglap nagdampi ang labi nila sa isa't-isa. Nang dumistansya na si Syera ay wala pa ring emosyon na nakatingin sa kanya si Zayan.
"Zayan, do you love me?"
BINABASA MO ANG
Love is a game
Romance(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...