Chapter 4

331 18 0
                                    

Hindi ko maiwasan na tumingin sa mamahaling kwentas. The necklace caught my atention. That has red heart shape and has wings on it. It looks so beautiful kaso hindi ko afford, mahirap ako at nagastos ko na ang lahat. Napakagat nalang ako sa labi ko.

Bakit ngayon lang kita nakita?

Nakalimutan ko nandito pala kami para maghanap ng ireregalo kay Syera. Napabuntong hininga ako at naglibot na sa paligid. Kanina pa nakatingin sa akin si Zayan. Gosh! Kung nakakatunaw lang ang tingin, kanina pa ako natunaw.

“Here... I'm sure Syera likes it,” nakangiti kong sabi.

Napatango lang siya at binigyan na niya ako ng pera, it means ako na ang magbabayad sa cashier.

Nang makalabas na kami ay napahinto ako ng hawakan niya ang wrist ko. I looked at him habang nagtataka. Ganun pa din ang tingin niya. Ang cold.

“Here.” Napakunot ang noo ko. “Diba gusto mo naman 'to?”

Namilog ang aking mata dahil sa nakita ko. Iyong kwentas na gusto ko kanina nasa kamay na niya ngayon?!

“What the— wala akong perang pambayad diyan,” wala sa sa sariling sabi ko.

“No need.” Lumapit siya sa akin at nilagay ang kwentas sa leeg ko. “It's already yours.”

Napahinto ako ng makitang napangiti ito kunti at pumasok na siya sa kotse niya. Napahawak ako sa kwentas na may hugis puso at may pakpak.

Para naman niyang binigay ang puso niya sa akin? I chuckled. Mapapasaakin din 'yan soon. Pumasok na ako sa kotse at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Babawi ako,” nakangiti kong sabi.

“If gusto kang bumawi.” Lumingon siya sa akin pero ganun pa din ang tingin niya sa akin, ang lamig. “Magluto ka ng pagkain para makain ko bukas.”

Tinaasan ko siya ng isang kilay, “Si Syera nalang.”

“Ayaw kong mapagod siya.” Pinaharurot na niya ang sasakyan.

Feeling ko talaga gagawin niya akong maid.

•••

“What should I do, Lareina? Hindi naman ako marunong magluto?!” Tumawa ito dahilan para samaan ko siya ng tingin.

“Okay fine. Kaya sinabi ko na sa'yo eh dapat matuto ka na magluto. Hindi 'yong umaasa ka sa pera mo.” Napairap ako at umupo sa sofa.

“Only money can make me happy, you know that.”

Napailing nalang si Lareina at pinagmasdan ko nalang siya magluto.

“Hey, bakit mo ba nagustuhan ang lalaking 'yon?” Natigilan siya dahil sa tanong ko. “Gwapo siya—”

“Sobra.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Dahil lang ba gwapo siya kaya siya nagkagusto sa kanya. 

Iyan lang ba ang nagustuhan mo sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin dahilan para matigilan ako. Iba magalit si Lareina baka mapatay niya ako.

“That's not it.” Hinawakan niya ang kutsilyo dahilan para mapahinto ako. “Mahal ko siya sobra pa sa sarili ko and yet pinili niya ang babae na 'yon.”

“Chair down beh.” Nginitian niya lang ako ng peke at ganun din ako sa kanya.

“Alam mo, minsan talaga mapapaisip nalang ako kung kaibigan ba talaga kita?” Napemawang ito habang masamang nakatingin sa'kin.

I just blinked innocently, “You know mapapahamak ako sa gagawin mo pero you still want me to do it.”

“Of course, because I know hindi ka kayang saktan ng lalaking 'yon.”

“Para ka namang manghuhula,” natatawa kong sabi.

“Maybe.” Napailing nalang ako.

Ito talagang si Lareina ang daming sekreto pero wala naman akong pake kaya hindi ko na ito masyadong pinagtuon ng pansin. 

•••

Nakailang doorbell pa ako dito. Ang init-init. How dare he make me wait for him to open the door?! Bumukas na ang pinto dahilan para mapabuntong hininga ako.

“Here.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti kahit gusto ko na isapak ang paper bag na dala ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang tinanggap ang paper bag na binigay ko at tinignan ako sa mata. Umiwas ako ng tingin at aalis na sana pero nagulat ako ng hinila niya ako papasok sa bahay niya.

What the heck?!

“Mala-late na ako sa school, Zayan,” nakangiti kong saad.

“Wala ka pang kain.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman na wala pa akong kain?

“Kumain na po ako.” He looked at his wrist watch na para bang hindi ito nakikinig sa'kin.

“We still have time. Umupo ka muna ipagluluto kita.” Magsasalita na sana ako pero sinamaan niya ako ng tingin dahilan para matigilan ako.

Umupo ako sa sofa at nilibot ang paningin ko sa paligid.

“Bakit ikaw lang mag isa dito?” I know his parents are dead pero ang pinagtataka ko lang bakit wala siyang maid? “Hindi ka ba naghahanap ng maid?”

“Mas gusto ko mapag isa.” He took a glance at me habang hindi tumitigil sa ginawa niya. “Bakit hindi ka mag apply bilang maid ko?”

Namilog ang aking mata sa sinabi niya. Hindi ko pinahalata na nagulat ako.

“Sure, basta mataas ang sweldo.” I heard him chuckled dahilan para mapangiti ako ng nakakaloko.

•••

Lumabas na ako sa kotse at lahat ng tao ay nagbulong-bulungan. Yeah right, muntik ko ng makalimutan na may chismosa pala sa lugar na ito.

“Don't mind them. Mauna ka na, may pupuntahan lang ako.” Napatango nalang ako.

Ayaw niyang inuulit ang mga sinasabi niya kaya hanggang sa kaya kong ilagan. Iilagan ko mga bagay na makaka-turn off sa kanya.

I'm sure pupuntahan niya si Syera. Napahinto ako sa paglakad ng may humarap sa akin na tatlong babae. Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na nila ako hinila papunta sa likod ng school.

“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?” walang gana kong tanong.

Alam ko naman na bubugbugin lang nila ako. Fan sila ni Syera at Zayan. Tinatawag na Syeyan ship. Oh diba kahit hindi pa artista may fan na?

Sana nga lang maging successful ang plano ko kundi masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan ko. 

“Alam mong may jowa na 'yong tao. Dikit na dikit ka pa din kay Zayan?” Kitang-kita sa mukha niya ang galit.

I smirked at binangga siya, “Pake mo.”

Hindi paman ako tuluyan nakaalis ay hinila na niya ang buhok ko. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon