“Magpahinga ka na muna.”
“What?! Magpahinga?! Kailangan ko pa ba 'yan?! Wala na tayong oras para diyan, Zake!” Hinawakan niya ang balikat ko upang pakalmahin ako.
“I know delikado si Syera kapag pumunta ka doon ng walang lakas. Hindi mo siya malalabanan.” Namilog ang aking mata dahil sa sinabi niya.
“Lalabanan? Ako? Lalabanan ko siya?” hindi makapaniwalang sabi ko. “Bakit ako?!”
Napairap pa ito. Nagmumukha na tuloy siyang bakla.
“Hindi tayo sure kung safe bang harapin si Syera. Malay mo, nagbago na talaga siya? Malay mo mamamatay tao na siya. Kapag kayong dalawa ni Lareina ang mapapahamak, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.”
“Ses takot ka lang kay Lareina eh. Ano bang ginawa niya sa'yo nung wala ako?” Walang gana lang siyang nakatingin sa akin.
“Actually, noong naaksidente si Lareina. Tatawagin ko na sana kita pero sinapak niya ako at sinabing wag daw kita istorbohin. Hindi niya daw ako mapapatawad sa susunod kapag ginawa ko ulit 'yon.” Napatawa ako dahil sa sinabi niya.
Kahit hindi ipakita sa akin ni Lareina na nag alala siya, Alam kong hindi niya ako hahayaan na mapunta sa kapahamakan. Gosh!
“Kaya dapat iligtas na natin siya.”
“Mabuti mag transfer ka sa school na pinapasukan ngayon ni Syera. Hindi siya aamin hanggang sa wala kang ebidensya, Blaire.” Dahan-dahan akong napatango.
Gusto kong iligtas siya ngayon na pero tama si Zake. Kapag nagpadalos-dalos ako baka hindi ko na talaga makukuha si Lareina.
“Doon ako matutulog sa bahay niyo ni Lareina.” Natigilan siya dahil sa sinabi ko.
“Ano?!”
“What? Is there a problem? Do you expect me na matutulog sa bahay ko ng mag isa? Kukunin ako ni Zayan.” Napahilot ako sa sintido ko dahil sa stress na nararamdaman ko. “Alam mo naman na baliw na baliw sa akin ang kapatid mo.”
Mukhang sumuko na talaga siya. Napatango nalang ito dahil alam niyang wala na siyang ibang magagawa pa.
•••
“What do you think you're doing?” Pinagmasdan ko lang siyang nakaupo sa harap ng kwarto na tinutulugan ko at nakasandal sa pader.
Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil masama ang kanyang tingin sa akin. Sabunutan kaya kita diyan?
“Binabantayan kita. Delikado na baka kunin ka ni Zayan,” seryoso niyang ani sa akin.
“Seriously Zake?! Do you think makakapasok dito si Zayan?!” Napahilot ako sa sintido ko para pakalmahin ang sarili ko.
Nababaliw na talaga itong lalaki na 'to. Sa susunod hindi ko na talaga hahayaan na magpalipas ito ng gutom.
“Don't underestimate my kuya, Blaire. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin.” Napairap nalang ako at sinara ang pinto.
Hindi na ako nagsalita pa at agad na humiga sa kama at pinikit ang mata ko.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. I guess ilang oras na akong tulog. Napakamot ako sa batok ko at napahinto ako nang makita ang kumot. Naalala ko si Zake, sigurado akong nilalamig siya.
Agad ko kinuha ang kumot at binuksan ang pinto. I saw him sleeping like an angel. Ang gwapo niya talaga, swerte si Lareina sa kanya. Tumalungko ako upang pagmasdan ang mukha niya.
“Sayang. Bagay pa naman tayo.” Hinaplos ko ang pisnge niya at napahinto.
Napailing nalang ako. Ano bang iniisip ko? Tinakpan ko ang katawan niya ng kumot at umalis na.
•••
Napakuyom ako ng kamao ng makita ang skwelahan na pinapasukan ni Syera. Kapag may nangyari talaga sa kaibigan ko, Syera. Papatayin talaga kita! Hayop ka!
Papasok na sana ako pero bigla nalang may humila sa wrist ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng malaman kung sino ito. Halata sa kanyang mata na wala itong tulog.
“What are you doing here, Blaire?” Agad ko binawi sa kanya ang wrist ko.
“Mag aaral ako.” Pinanliitan niya ako ng mata. Alam kong hindi siya naniniwala sa akin pero iba 'yong target ko dito.
“Alam ko ang pinaplano mo.” Lumapit ako sa kanya at seryoso siyang pinagmasdan.
“You don't want me to hate you, Zayan.” Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na ako.
Nang makita ko na ang section ko ay agad ako pumasok. The teacher are already in front of me. Nakuha ko ang atensyon ng lahat ng mga studyante especially her. Mukhang nagulat siya, hindi niya siguro inaasahan na makikita niya ako dito. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya.
“Goodmorning everyone, I would like to introduce myself. I am Blaire Ceniza and I hope you'll take care of me... Kung may problema kayo sabihin niyo lang sa akin and I'm willing to listen to your problem.” Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa babaeng kumidnap sa bestfriend ko.
“Thank you, Blaire.” Nagbulong-bulungan ang lahat.
I know, may mga boys na nagagandahan sa akin. Hindi na ako magtataka pa. Almost all the boys are the same. Looks always win, kahit pa sabihin nilang hindi sila nagbabase sa itsura. They always choose a woman with a good look.
“Mamili ka kung saan ka uupo.” Napatango nalang ako.
Lalapit na sana ako kay Syera pero agad niya nilagyan ng bag ang tabing upuan at binigyan ako ng matamis na ngiti.
“Sorry, may nakaupo na eh.” Binigyan ko din siya ng matamis na ngiti, alam kong peke lang ito pero kailangan kong makisabay.
“Okay lang.” Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
Gusto ng lahat na makatabi ako pero wala akong time para makipaglandian dito. Buhay ng kaibigan ko ang nakataya dito. Napahinto ako ng may nakita akong upuan na walang nakaupo kahit ni isa. Napangiti ako at lumapit doon. Umupo ako at natahimik silang lahat.
Napakunot ang noo ko at nakita kong napangiti ng nakakaloko si Syera bago nakatuon ang atensyon sa harap. What's with them?
Biglang bumukas ang pinto. I saw a boy with a black hair and blue eyes and pale white skin looking at me coldly.
Ano na naman ang kasalanan na nagawa ko? Hindi kaya siya ang isa sa mga pinaglaruan ko? Agad siya lumapit sa akin at nag eye contact kaming dalawa. Ilang oras kaming ganito hanggang sa nakaramdam na ako ng pag iilang. I gave him a warm smile.
“Is there something wrong?”

BINABASA MO ANG
Love is a game
Romansa(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...