Chapter 26

194 9 0
                                    

Akmang lalapit na ako kay Zayan pero agad hinawakan ni Zake ang wrist ko. Halata sa kanyang mukha na kulang ito sa tulog. Nag o-overthink ba 'to gabi-gabi kaya hindi makaayos ng tulog?

"Are you sure about this, Blaire? Lareina might kill me if she knows I let you put yourself in danger," alala niyang saad.

"Sus, nag alala ka lang sa akin eh." I heavily sighed and gave him a warm smile para naman kumalma ang kaluluwa niya. "I can save myself, Zake. And Zayan won't hurt me so rest assured. If you want to save Lareina, don't interrupt me."

Binitawan na niya ako pero halata sa kanyang mukha na sobrang nag alala talaga ito pero we don't have a choice. In order for me to get Syera saved, kailangan kong gamitin si Zayan.

Nang tuluyan na akong makalapit kay Zayan ay agad niya ako binigyan ng matamis na ngiti.

"May kasama ka?" Napatango ako.

"Yes. I told him to leave pero ayaw niya talaga akong iwan," I explained.

"Syera asked me to marry her and she will show me where Lareina is." Natigilan ako sa sinabi niya.

"G-good." I don't know why pero parang bigla nalang kumirot ang puso ko.

Ngumiti ito pero halata sa kanyang mata na puno ito ng kalungkutan. Hinaplos niya ang pisnge ko.

"Don't worry, I will save your bestfriend," mahinahon niyang sabi.

"I... I will do anything if you save my bestfriend." Mukhang nagulat siya dahil siya sa sinabi ko. Ewan ko ba pero nalang nakaramdam ako ng lungkot at guilt. "Anything you want."

Tinago ko ang kamay ko sa likod at napakuyom ng kamao. Labag sa aking loob pero ito lang ang paraan para matahimik ang kaluluwa ko.

Napangiti ito, "Then kapag malapit na kaming ikasal ni Syera. Can you wear the wedding gown that I choose?"

Napakunot ang noo ko. Wala akong ideya kung anong binabalak niya. Imposible naman na gusto niya akong pakasalan, bago niya papakasalan si Syera?

"What? Bakit naman?"

"I just want to see you wear a gown just for once." Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ito. "I love you so much na kahit anong gawin ko I can't take my eyes off you."

"Tanga ka kasi."

"Bahala na. As long as it's you. I don't mind being played by love." He winked at me dahilan para mapangiwi ako.

He's phone ring dahilan para mapahinto kaming dalawa. At napagtanto kong si Syera 'to.

"Hinahanap ka na niya." Halata sa ekspresyon sa kanyang mukha na ayaw niyang sagutin ito. "Answer the call. Magkikita pa naman tayo mamaya."

Hindi ko na hinintay na magsalita siya at umuna ng umalis.

•••

"Ilang araw mo na talaga akong tinitigan ng masama," walang gana kong sabi. I cross my arms and raised my eyebrows. "What did I do to you?"

"I hate you." I rolled my eyes.

"And why is that?"

"Ginagawa mo palagi 'yong ayaw ko. As I said, I hate a woman like you."

I smirked, "And I don't care."

Wala ka talagang mapapala sa pagiging torpe mo, Ice. You always says the opposite. Napailing nalang ako. Hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon wala ka pang naging jowa.

"B-by the way." Napalingon ako sa kanya. What is it this time? "Wanna have some lunch mamaya? Sabay na tayo."

Napahinto ako at dahan-dahan akong lumingon sa harap kung saan nakaupo si Syera. I think wisely.

"Yes, pero saglit lang." Pinanliitan ko ito ng mata.

Agad ako umiwas ng tingin ng umasta siyang titingin na sa amin. Mukhang napansin naman ito ni Ice pero hindi na siya nagtanong pa.

•••

"What did Syera do to you?"

"What? Bakit mo natanong?" Ewan ko talaga sa lalaking 'to.

Mas mahirap pa siya intindihin kaysa sa math. Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa naisip ko.

"Noon palang ay nagtataka na ako. Why did you transfere in this school? Lahat naman tayo may rason pero ikaw wala akong nakitang rason."

"At paano mo nasabi 'yan?" natatawa kong tanong pero deep inside ay kinakabahan na ako.

"Because... You travel around the world and yet bumalik ka lang dito sa pilipinas and you also like expensive things... And this school is a cheap one. Hindi mo ako maloloko, Blaire. Nandito ka dahil kay Syera, hindi ba?"

"Bakit ba sobrang interesado mo sa akin? Even if alam mong siya ang pakay ko dito, ano naman sa'yo?"

Natigilan ito. Mukhang napagtanto na niya ang inaasta niya. Napailing nalang ako at kinuha ang notebook sa bag ko at nagbasa. I took a glance at him dahil hindi na siya nagsasalita. Halata sa kanyang mukha na malalim ang iniisip nito. Napahilot nalang ako sa sintido ko. Bahala kayo sa buhay niyo.

•••

Pagbukas ko ng locker. Napahinto ako ng may nakita akong bulaklak. Kinuha ko ito habang nakakunot ang noo. Lahat ng taong nadadaanan ko ay nagbubulungan.

I saw Syera looking at me na parang nagpapanic ito. Napakuyom ito ng kamao at agad umalis. Mas lalo akong nagtaka. Hindi kaya nagdududa siya na pinaglalaruan lang siya ni Zayan?

Agad ko siya sinundan but I make sure na hindi niya ako mapansin pero agad din nawala siya sa paningin ko dahil sa madaming tao.

What's wrong with her?

"Blaire, is there something wrong?" Bigla akong nabalik sa realidad nang tawagin ako ni Jazel.

"Ha? I'm okay."

Napatango nalang siya kahit hindi siya naniniwala na okay lang ako. Niyakap niya ang braso ko at binigyan ako ng matamis na ngiti na ginantihan ko naman.

"Let's go! Naghihintay na si Zake sa atin sa labas-oh and kasama din pala si Ice." Sinamaan ko siya ng tingin at nag peace sign naman siya sa akin.

Hindi ko alam na close na pala kami ni Jazel at Ice, ngayon ko lang talaga napansin.

•••

Ilang araw ng nawawala si Zayan at hindi ko din siya makontak. Nag alala na ako sa kanya. Hindi ako makaayos ng tulog dahil iniisip ko siya and never talaga siya nawala sa isip ko and that makes it annoying!

I'm sure may kinalaman dito si Syera.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon