Chapter 17

319 22 2
                                        

“Then why? Bakit ka nagpanggap na hindi mo alam?!” inis kong tanong sa kanya.

“Kasi ayaw kong umalis ka.” Natigilan ako sa sinabi niya. “Pero kahit pa tumahimik ako. You will always choose to leave me.” Hinila niya ako kaya hinawakan ko ang dibdib niya upang pigilan ang sarili kong mas lalong makalapit sa kanya. “Please... Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan.”

“I don't love you and I don't need you, Zayan.” Napaatras ako at walang emosyon siyang tinignan. “If you know who I am you should apologize to Lareina. You hurt my bestfriend and I am your karma.”

Agad na ako umalis at hindi ko na naisipan pang lumingon. I'm done with this. Naaawa na ako kay Syera. Hindi ko alam kung bakit pero first time ko naawa sa tao.

•••

“What?! Titigil ka na?!” hindi makapaniwalang sabi ni Lareina.

I rolled my eyes at nilagay ang mga damit sa maleta ko. Nilahad ko sa kanya ang kamay ko dahilan para taasan niya ako ng kilay. I rolled my eyes again dahil sa bagal ng kukuti niya.

“My money.” Napapout ito at parang napagtanto niyang hindi na talaga magbabago ang isip ko.

“Geez! Hindi mo talaga ako love.” Napailing nalang ako.

At hinalikan ang pisnge niya dahilan para mapahinto siya. I smiled warmly. Napag usapan na kasi namin 'to na pagkatapos ko mapaibig at saktan si Zayan ay aalis na ako dito. We all know Zayan is an obsessive person, so my life will be in danger if I stay here.

Mamimiss kita,” mahinahon kong sabi.

Napaiyak ito dahilan para mapangiwi ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at grabe! Ang ingay!

Huhuhu! Mamimiss kita, Blaire! Sana makahanap ka na ng jowa doon!”

“I don't need that.” Umatras na ako and she just chuckled.

Ihahatid ka na daw ni Zake papunta sa airport.”

“Naks, nakahanda na talaga ang lahat.” Nag flip hair siya dahilan para tignan ko siya ng nakakadiring tingin.

“Ako pa.”

“Ayy kasali ka pala sa girls scout noon.” Walang gana niya naman akong tinignan.

Naalala ko nadulas siya tapos na ano siya sa may tae. Simula nuon ayaw niya na talaga i mention 'yong girls scout.

“Wag mo nga ipaalala sa akin 'yan. Kapag ikaw talaga nakarmahan, Blaire. Pagtatawanan talaga kita,” irita niyang saad sa akin.

“Hindi ako natatakot sa karma, darling. Ang karma 'yong takot sa akin.” Inirapan niya lang ako and I just chuckled. 

“Bahala ka diyan.”

•••

“I guess dito nalang ako,” nakangiting sabi ni Zake.

“Alangan naman sasama ka sa akin.” Lumingon ako sa likod niya kaya nagtaka itong lumingon din sa likod niya pero parang na gets din naman niya ito.

“Hindi dadating 'yong kuya ko.”

“H-hindi ko siya hinintay no!”

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako papalapit sa kanya. He hugged me tightly dahilan para magulat ako. I just smiled at him.

“I will miss you, Blaire,” mahinahon niyang sabi.

“Mamimiss din kita, Zake.”

•••

I open the window at nilanghap ang masariwang hangin. Ilang taon na rin ang nakalipas. Wala na akong balita kila Lareina at kay Zake. Akala ko ba bibisitahin nila ako pero kahit ni isa parang wala akong narinig.

Kinuha ko ang maleta ko at lumabas. Sinalubong agad ako ni Anna. Kahit hindi niya pa sabihin ay halatang nag alala ito sa akin. 

“Are you sure about this, Blaire?”

“I'm fine you have nothing to worry about, Anna.” Hinawakan ko ang balikat niya bago siya nilagpasan.

I'm already 23 years old now. Malapit na ako makapagtapos ng pag aaral dito. Dito na sana ako magtatapos ng pag aaral—but I changed my mind. I hate to admit this, but nag alala ako sa kanilang dalawa.

I even stalked them two pero wala talaga akong nakikitang bagong impormasyon. Hindi ko nga alam kung buhay pa sila. 

•••

Binuksan ko ang pinto at napakunot ang noo ko ng makita si Zake na walang emosyon na nakatingin sa kawalan. Ang mga bote ng beer ay nagkalat-kalat sa paligid. Anong nangyari dito?

Napatingin siya sa akin dahilan para matigilan siya. Hindi niya 'ata inaasahan na babalik ako. 

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Napacross arm ako at tinaasan siya ng isang kilay. “Sayang 'yong pagka gwapo mo kung gaganyanin mo lang.”

Nabitawan niya ang isang bote dahilan para mapangiwi ako. Kinumbinsi ko siyang mag ayos para kasing ilang araw na siya walang ligo at walang kain. Pinagmasdan ko siyang halos maubos na lahat ng pagkain sa kaldero dahil sa gutom.

“Bakit ngayon ka lang?” Nakapagsalita na siya. Akala ko talaga nakalimutan na niyang magsalita.

“Anong bakit ngayon lang ako?! Wala naman talaga akong balak na bumalik dito! Kayo kaya 'yong hindi nagparamdam!” inis kong sabi sa kanya. 

“Lareina has been kidnapped, Tatlong taon na ang nakalipas,” wala sa emosyon niyang sabi sa akin.

Pati ako ay natigilan. Agad ako napatayo at padabog na sinapak ang lamesa.

“Then why didn't you call me?!”

“Because I know ayaw ni Lareina na mag alala ka sa kanya.”

“Kahit na!” Napahilot ako sa sintido ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. If magpapanic ako, alam kong wala akong magandang gagawin. “I know who kidnapped her.”

“Yes, iyan din ang inaakala ko pero wala akong ebidensya. Hindi naniniwala sa akin ang police,” malungkot niyang ani.

“Halos wala ng hustiyang nag e-exist sa panahon ngayon, Zake.” Napasabunot siya sa buhok niya at uminom ako ng tubig habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

“Ano ng gagawin natin? Hindi ko alam kung buhay pa si Lareina!” Agad siya lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko. 

“Buhay pa siya! Wag ka nga mag isip ng ganyan!” Napabuga ako ng hangin. “Babalik ako.”

“What?”

“Babalik ako kay Zayan. I know, makikinig siya sa akin.” Aalis na sana ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko at umiling siya sa akin.

“Baliw ka ba?! Kapag nakita ka ulit ni Zayan! I'm sure! Hindi ka na niya papakawalan pa!”

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon