“Why are you asking me that?” he asked coldly.
Nakita ko ang lungkot sa mata ni Syera. Medyo naawa ako sa kanya pero inutusan lang din ako.
“Nakakaawa naman si Syera.” Sinamaan ko siya ng tingin.
“Diba sinabi ko na sa'yo na wag mo akong sundan,” seryoso kong sabi sa kanya.
“Ang harsh mo naman, Blaire.” Naramdaman ko ang pagyakap niya sa beywang ko ngunit blangko pa rin ang ekspresyon sa mukha ko. Hindi na ako magtataka pa dahil magkapatid sila. But this one, I can feel it, he's dangerous. Feeling ko mas delikado pa siya kaysa kay Zayan. “I get it now, you want to play with my brother's feeling, right?” Hindi lang ako nagsalita at nakatuon lang ang atensyon ko sa harap. I know alam na ni Syera na hindi na siya mahal ni Zayan. “Wag mo akong sisihin kung magsisi ka sa huli. No one can save you only yourself, Blaire.”
Napalingon ako sa likod ko at wala na talaga siya. Ang bilis naman niyang mawala. Umiling na lamang ako at nag focus nalang kay Zayan at Syera. Mukhang nawalan na ng pag asa si Syera.
“You love... Her, do you?” Halata sa kanyang tono ang lungkot. “Of course! Blaire is such a wonderful woman.” Napaatras ito na para bang nawawalan na talaga siya ng pag asa. “Dapat napansin ko pa 'to nuon pa.”
“Syera—” Natigilan si Zayan ng tumulo ang luha ni Syera. Sumeryoso ang tingin ni Syera sa kanya.
“Let's break up.” Halos hindi makapagsalita si Zayan dahil sa sinabi ni Syera.
Hindi pa rin nagsasalita si Zayan dahilan para mapakunot ang noo ko. Hindi niya ba pipigilan si Syera? Mukhang napansin ni Syera na hinahayaan lang siya ni Zayan.
Hindi na nagsalita si Syera at umalis nalang habang nakita kong nakatulo na ang luha niya. Medyo naawa ako sa kanya.
I smirked at umalis na din. Hindi ko akalain na hindi lang pala ako maabutan ng isang taon dito.
•••
“What?! Mag s-stay pa rin ako sa school na 'yon?!” inis kong paninigurado kay Lareina.
“Of course, do you think tapos ka na?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Hindi pa nga nasisigurado ni Zayan ang nararamdaman niya sa'yo.” Kinain niya ang mansanas na nasa table glass habang nakatuon ang atensyon niya sa tv. “Kaya wag ka muna pasigurado. Pwede niyang balikan si Syera.”
Kinuha ko ang mansanas sa table at inis na kinain ito. I heard her chuckled dahilan para samaan ko siya ng tingin.
Nagulat ako ng agad ako tinulak ni Lareina dahilan para mahulog ako sa sofa.
“Hey! What was that for?!” inis kong tanong sa kanya.
“If I were, I-comflirt mo siya—i mean comfort,” mapaglaro niyang sabi.
“Tanginamo.” Hinawakan pa niya ang dibdib niya at nagpanggap na nagulat.
Padabog kong kinuha ang mansanas at binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti. She waved at me senyas na magpapaalam na ako. I rolled my eyes bago malakas na binuksan ang pinto at padabog na pumunta sa bahay ni Zayan. Kumatok ako at bumuntong hininga.
Binuksan na niya ang pinto at walang emosyon siya na napatingin sa akin. Tama nga si Lareina hindi pa niya talaga nalalaman kung ano talaga ang nararamdaman niya.
“What are you doing here?” seryoso niyang tanong.
“Nabalitaan ko ang nangyari,” alala kong sabi. Napalingon siya sa paper bag na hawak ko. “I want to cheer you up.”
“No need. I'm okay.” Isasara na niya sana ang pinto pero agad ako pumasok dahilan para matigilan siya. “What do you think you're doing?”
I gave him a warm smile at nilagay ang mga pagkain sa lamesa niya. Nakatingin lang ito sa akin na para bang binabantayan ang mga kilos ko.
“Ang payat mo na oh. Kumain ka muna,” pagyaya ko.
Ngunit nakatingin pa rin ito sa akin. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. He truly loves Syera pero ngayon naguguluhan siya. That's right, maguluhan ka lang. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.
“Kung ano man ang problema na hinaharap mo ngayon, matatapos din 'yan.” Umupo na siya sa sofa at pinagmasdan ko lang siya.
Kinuha niya ang cake at nilahad sa akin. Is that for me? Kukunin ko na sana ang cake pero napahinto ako ng bigla siyang magsalita.
“Feed me.”
What? What is he talking about? Tumawa ako pero seryoso pa rin ang ekspresyon sa mukha niya. So hindi nga siya nagbibiro?
“What?”
“Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Ayaw mo?” walang emosyon na tanong niya.
Akala ko para sa akin ang cake. Hindi ko naman akalain na para pala sa kanya. Kinuha ko ang cake at pinakain sa kanya. He's acting weird.
“Are you okay?” Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. “You know what, hindi solusyon 'yan para makalimot ka sa problema mo.” Nilingon ko ang bote na nasa ilalim ng lamesa. “Minor ka pa, hindi ka dapat umiinom.”
“Hindi ko na alam.” Huminto ako at pinagmasdan ang walang emosyon ng mata niya. “I don't know what to do anymore. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.”
Nagpanggap akong naawa ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at nakatingin lang siya sa kisame.
“Ano bang nangyari sa inyo ni Syera?” Mukhang may pumipigil sa kanya magsalita.
I know the reason... Pero ayaw niyang sisihin ko ang sarili ko. What a nice guy.
“I'm the problem.” Sinabunot niya ang sarili niya dahilan para magulat ako. “Naguguluhan na ako!”
“Kumalma ka lang, Zayan.” Hinaplos ko ang buhok niya at parang kumalma naman ito. “Hindi ka makakapag isip ng maayos kung natataranta ka.”
“Hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal ko kay, Syera.” Namilog ang aking mata dahil sa sinabi niya.
“How can that be? Baka may ginawa siyang hindi mo nagustuhan?” Umiling ito.
“Wala siyang ginawa. Ako ang may kasalanan dito. I was obsessed with her! And just one snap! Nawala ang feelings ko sa kanya!” Nagulat ako ng agad niya hinawakan ng mahigpit ang braso ko kahit nasasaktan ako ay hindi pa rin ako nagpahalata. “What if I am really a monster?”

BINABASA MO ANG
Love is a game
Romantizm(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...