Chapter 11

328 19 0
                                    

Tumigil na ako sa paghaplos sa buhok niya at bumuntong hininga. Ngayon ko lang siya nakitang ganito magpanic. Tumayo na ako at aalis na sana pero hinawakan niya ang wrist ko dahilan para kunot noo ko siyang tignan.

“D-don't leave.” Mukhang nanaginip siya. Sigurado akong si Syera ang napapanaginipan niyan. “B-blaire.” 

What?!

Napangiti ako ng nakakaloko at nilapit ang mukha ko sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang pisnge.

“Hindi ko akalain na madali ka palang kunin, Zayan.” Akala ko mahihirapan ako nito.

Lumabas na ako ng kwarto at sakto naman nag ring ang cellphone ko.

“What?” cold kong tanong.

“Hoy! Gaga ka! Hindi mo naman sinabi sa akin na may bago ka na namang lalaki!” Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko para kasing masisira na 'yong tenga ko dahil sa sigaw niya.

“Ha? What are you talking about?” Naiirita na talaga ako sa babae na 'to ang daming reklamo. 

“May nangangalang Zake na pumunta sa bahay mo!” Halata sa tono ng pananalita niya na naiinis na siya. “And he's looking for you! Akala ko ba titigil ka na sa pagiging playgirl, Blaire! If Zayan finds out that you have a kalandian! Malalagot ka talaga sa akin!”

“Ang ingay mo.” Agad ko pinatay ang call at umiling.

Tumalikod ako at muntik na akong mapasigaw ng makita si Zayan na ngayon ay nakasandal sa pader habang naka cross arm na seryosong nakatingin sa'kin.

“Kanina ka pa ba diyan?” I asked.

Kararating ko lang.” Lumapit siya sa akin at kinuha ang baso sa likod ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. “Why are you still here?”

I smiled warmly, “I can't leave you here all by yourself.”

Napahinto ako ng bigla niyang hinawakan ang hibla ng buhok ko at hinaplos ito. Nilalandi ba ako ng lalaking 'to?

“Nag alala ka ba sa akin?”

“Of course—”

“Why?” Kahit blangko ang ekspresyon ng mukha niya, nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mata.

“Because I am your friend.” Natigilan siya sa sinabi ko. “Don't worry, kakausapin ko si Syera para magkaayos kayo.” Bumuntong hininga ako at aalis na sana pero hinawakan niya ang wrist ko. 

“Wag na.” Kumunot ang noo ko.

“At bakit naman?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Don't tell me ayaw mong makigbalikan kay Syera.” I act na parang hindi makapaniwala. “A-ano bang kailangan mo?”

“You.”

“Ha?”

“I need you to get out of here.”

Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na niya ako hinila papunta sa labas at sinara ang pinto. Geez! Ano bang problema niya?! Napabuntong hininga na lamang ako para pakalmahin ang sarili ko.

Napahilot ako sa sintido ko.

“Told ya, hindi madaling kunin si Zayan. Even if he really had feelings for you, hindi niya pa rin ito tatanggapin.” I rolled my eyes. Tinaasan ko ng isang kilay ang lalaking nagtatago sa likod niya.

“What do you want from me, Zake?”

“Gusto ko sana matulog sa bahay mo.” Namilog ang aking mata dahil sa sinabi niya.

“What?!” Tinakpan ni Lareina ang bibig ko. 

“Kapag narinig ka talag niyan. Hindi talaga kita bibilhan ng chanel.” Namilog ang aking mata sa sinabi niya.

“Oh! I get it now, obsessed ka sa mga gamit na mga mamahalin.” Gumuhit ang nakakalokong ngiti ni Zake sa kanyang labi.

“Yes, I really love money. I can get what I want.”

“Pwede kitang bigyan.” Nawala ang ngiti sa labi ko.

“Diba lumayas ka sa pamamahay niyo. Saan ka kukuha ng pera?” walang gana kong tanong.

“How did you—”

“Hindi ako bobo, Zake.” Umuna na akong maglakad at sinundan naman nila ako.

Mas lalo pang binilisan ni Lareina ang paglakad niya upang makahabol sa akin.

“I'm sure didistansya na si Zayan sa'yo, Blaire.” I smirked.

“Hindi mo sure.” She rolled her eyes na parang alam niya ang mangyayari at hindi ako naniwala sa kanya.

“I know him, Blaire. Bahala ka, if you failed to get his attention. Wala kang makukuha sa akin.” Umuna na siyang maglakad sa akin dahilan para taasan ko siya ng isang kilay.

“Is she underestimating me?!” hindi makapaniwala kong tanong.

“Yes.” Inis akong napalingon kay Zake na ngayon ay nakatuon ang atensyon kay Lareina habang napatango-tango.

Napapaisip nalang ako, bagay silang dalawa. 

•••

“Syera.” Napahinto siya sa pagsusulat sa notebook niya at lumingon sa akin. I gave her a warm smile nang magtagpo ang mata naming dalawa. “How are you?”

Kitang-kita sa ekspresyon ng kanyang mukha na hindi ito komportable, but still pinapakita niya pa rin sa akin na okay lang siya.

I want you to cry infront of me.

“I-i'm fine. What are you doing here?” nakangiti niyang tanong.

Hinawakan ko ang kamay niya at binigyan siya ng matamis na ngiti habang may lungkot sa aking mata—which is not true.

“Narinig ko ang balita. Wala na daw kayo ni Zayan,” alala kong sabi.

“Did Zayan told you?” Hindi lang ako nagsalita but I'm sure inassume niya na sinabi sa akin ni Zayan.

Hinaplos ko ang likod niya, Kinalulungkot ko ang nangyari. I don't fully know what happened pero I wish na magkabalikan kayo.”

Niyakap niya ako at narinig kong humikbi ito. Niyakap ko din siya pabalik habang hinahaplos ng isang kamay ko ang likod ng ulo niya. Palihim akong napairap. I really don't understand love. Bakit ba kailangan nilang iyakan ang mga taong hindi naman sila mahal? Nagsasayang lang siya ng luha.

“Ang hirap... Ang hirap tanggapin, Blaire. Sobrang sakit.”

Shhh, may nakapagsabi sa akin na kung kayo talaga, kayo talaga ang magkakatuluyan. Kaya tanggapin mo nalang, Syera. Kung hindi talaga kayo para sa isa't-isa. May tao kasi na darating lang sa buhay natin para may matutunan tayo.” Kumalas siya sa pagkakayakap at umiling.

“No, if mahal niyo talaga ang isa't-isa. Gagawa kayo ng paraan para kayo ang magkatuluyan.” Pinunasan ko ang luha niya pero nakaramdam ako ng kunting inis ng may tumulo na naman na bagong luha. “He doesn't love me anymore. He loves someone else.”

“At sino naman 'yon?” inosente kong tanong.

Natigilan ito na para bang nagdadalawang isip na sabihin sa akin.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon