Chapter 35

237 9 1
                                    

“I am serious, that girl really need to go to the mental hospital,” bulong ni Zake.

Agad naman siya siniko ni Lareina at sinamaan ng tingin. Lumapit sa akin si Lareina. Alam kong hindi lang ako ang kinakabahan.

“Are you sure about this, Blaire? Mapapahamak talaga kami at lalong-lalo na ikaw.”

“You can leave if you want. I will do anything just to save the man that I love.” Natigilan siya dahil sa sinabi ko.

Napangiti ito at hinaplos ang buhok ko.

“Tinatanggap mo na ang pag ibig. I'm proud of you.” Napatango ako.

“I do, father.” Napalingon kami kay Syera na ngayon ay nakangiti habang kaharap si Zayan.

Dahan-dahan nilapit ni Syera ang sarili niya kay Zayan. Kinuha ko ang tsinelas ko at tinapon sa kanya. Sakto naman natamaan ang mukha niya dahilan para mapatawa ako. Agad naman lumapit sa kanya si Lareina at Zake at hinawakan ang braso niya.

“What the—let me go!” inis na sigaw ni Syera.

Kitang-kita sa ekspresyon ni Zayan na hindi niya inaasahan na darating ako. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para sumimangot ito.

“You promise that you'll comeback. You lied... I hate liars,” seryoso kong sabi sa kanya.

Napayuko ito, “I'm sorry.”

Ngumiti naman ako. Agad siya lumapit sa akin at niyakap ako. Sobrang higpit.

“Akala ko hindi na kita makikita muli.”

“Ganun din ako,” mahinahon kong sabi.

“Aray!” Napahinto kami ng nakita naming nakahiga na sa sahig si Lareina at Zake.

“Hayop kayo!” sigaw niya at tinutukan ng baril.

“Wag!”

Napahinto ako ng kinuha ni Zayan ang wrist ni Syera at nag aagawan na sila ng baril.

“Umalis na tayo! This girl is crazy!” sigaw ni Lareina.

“No! Dito lang ako! Umuna na kayo!”

“Anong magagawa mo sa lagay na 'yan?! Umuna na kayo! Ako na ang bahala dito!” nagmamadaling sabi ni Zake. 

“No! I won't leave him!” sigaw ko sa kanila.

Agad ako umalis sa wheelchair ko at napaupo lang ako sa sahig.

“Blaire!” Tumulo na 'yong luha ko.

Ayaw kong mawala sa akin si Zayan. He was there when I don't have anyone to help me! He was willing to give anything and yet palagi ko nalang siyang tinatalikuran.

And this time, hinding-hindi ko na siya tatalikuran pa.

“Stay away from my older brother!” Napalingon ako kay Zake na may hawak ng baril at nakatutok na kay Syera. “Kapag gumalaw ka! Ipuputok ko 'to!”

Napakunot ang noo ko dahil wala akong matandaan na may dala-dala siyang baril kanina. Walang emosyon na nakatingin sa kanya si Syera.

“Kill me.” Dahan-dahan lumapit sa kanya si Syera at napaatras naman siya, hindi inaasahan ang mangyayari.

“What are you doing, Zake?!” sigaw na tanong ni Lareina.

Hinawakan ni Syera ang baril na hawak ni Zake at halatang nahihirapan ito. Zake can't kill her. Ibang-iba siya sa kuya niya. If Zayan can kill a human, si Zake naman kahit langgam pa niyan hindi niya kayang patayin.

Sa isang iglap kinuha ni Syera ang baril at ipuputok na niya sana 'to pero agad siya sinipa ni Zayan.

Agad naman napahiga si Syera dahilan para magulat kaming lahat. Pumatong sa kanya si Zayan at sinakal ito.

“Zayan! Tama na! If you kill her! Makukulong ka!” sigaw ni Lareina.

Pero parang walang naririnig si Zayan. Puno ito ng galit kay Syera. Napatawa naman si Syera at tinaas ang kutsilyo.

“Wag!”

Gumapang ako ng pinakamabilis at agad kinuha ang wrist ni Syera. Pilit siyang pinipigilan. Bakit sobrang lakas niya?!

“Wag ka mangialam dito!” Agad niya nasugatan ang kamay ko dahilan para magulat ako.

Ganun na din si Zayan. Agad sinipa ni Syera si Zayan sa tiyan dahilan para matilapon siya.

Nagulat nalang ako ng nakatapat na sa akin ang kutsilyo. She smiled playfully like I'm falling for her trapped.

“One wrong move, Blaire. At lalayo ang ulo mo sa katawan mo,” walang emosyon na sabi niya.

Agad niya hinila ang buhok ko. Sa sobrang sakit ay napapikit nalang ako habang hilang-hila niya ako.

“Let her go! Syera!” sigaw ni Zayan.

Pero parang wala siyang narinig dahil kahit kailan hindi naman siya makikinig kay Zayan. She will choose to ruin her life at isasama nila kami sa kanya.

“We will go to hell together, my dear bestfriend.”

Nang makapunta na kami sa rooftop ay agad niya ako itinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig.

“Kawawa ka naman. Binali ko na ang buto sa paa mo para hindi ka na makalakad pa.” Nilapit niya ang mukha niya sa akin at sinamaan ko lang siya ng tingin. “You're now useless.”

“Sumusobra ka na!” Agad ko siya tinulak. “Ang sama-sama mo!”

“Oo! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito! And this is all your fault!” inis niyang sigaw sa akin.

Sasaksakin na niya sana ako pero nagulat ako ng agad ako niyakap ni Zayan at siya ang nasaksak. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat.

“Diba s-sinabi ko sa'yo, h-hindi ko hahayaan... N-na mamatay k-ka.”

Muntik na kami napasigaw ng biglang binaril ng isang police si Syera. Tumulo ang luha ko at umiling. Nakahiga na ngayon si Zayan habang nakahiga ang ulo niya sa hita ko.

“N-no! Hindi ka maaaring mamatay! M-mabubuhay ka pa! Mabubuhay ka pa! Zayan!” Napangiti ito at hinaplos ang pisnge ko.

“K-kung bibigyan man ako ng bagong b-buhay. I-ikaw pa rin ang... Mamahalin ko. I-i love you, Blaire... And I-i'm sorry for... evert-thing.” Pumikit ang kanyang mata at may lumabas na luha, iyung braso niya ay bumagsak dahilan ng ikatigil ng mundo ko. 

“I love you, Zayan.” Lumapit ako sa kanyang mukha at hinalikan ang noo niya. “I'm sorry dahil ngayon ko lang ito nasabi sa'yo.”

•••

Pinagmasdan ko ang bangkay ni Zayan na kinuha na ng mga tao. Nakatakip ako ng towel na white dahil duguan ang damit ko parang nawalan na ako ng pag asa mabuhay. Hinawakan ni Lareina ang balikat ko.

“I'm sorry, we can't save him.”

Nakita kong pinunasan ni Zake ang mata niya. Mahal niya pa rin ang kuya niya kahit hindi niya sabihin.

Love is a gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon