Agad ko binuksan ang pinto ng bahay ko. Sino ba 'tong pindot ng pindot ng doorbell? Ang aga-aga! Sabado ngayon kaya dapat nagpapahinga pa ako.
Napahinto ako ng makita si Syera at Zayan. Kumaway si Syera sa akin at nginitian naman ako ni Zayan.
“What are you two doing here?” nagtataka kong tanong.
“Sinusundo ka namin, of course!” excited na sabi ni Syera.
Hinead to foot ako ni Zayan dahilan para mas lalo akong nagtakang pinagmasdan silang dalawa. Syera wears short and white t shirt na may hawak na salbabida at si Zayan naman ay naka white t shirt at black pants.
“Saan kayo pupunta?” Napanganga si Syera dahil sa tanong ko.
“Hindi mo ba nabasa ang text ni Zayan sa'yo kahapon? He said we will going on a beach.” Tinignan ko si Zayan na ngayon ay wala pa ring ekspresyon.
“Bakit invited ako?” Nagtaka naman sila. “I mean it's your anniversary, right?” Hindi lang sila nagsalita at nakatingin lang sa akin. Ang weird nila. “Diba dapat you need to spent time just the two of you.”
Hinawakan ni Zayan ang kamay ko, “Sinabihan ko na si Syera na hindi ka iiwan dito. I don't like leaving my sister alone.”
Lumingon ako kay Syera na ngayon ay nakangiti pa rin sa akin. Baliw na ba sila?! How come hindi pa rin nagseselos si Syera sa mga inaaksyon ni Zayan?!
“O-okay.”
•••
“Ngayon lang ba niya trinato ng ganito ang ibang babae, Syera?” bulong ko kay Syera.
Natigilan ito. Ewan ko ba pero parang nawala saglit ang ngiti niya.
“Ikaw lang at ang kapatid niya ang trinato niya ng kagaya sa akin.” Kahit hindi niya ito pinapahalata alam kong nagseselos siya.
Kahit pa magpanggap siya alam kong nasasaktan siya. Pilit niyang binabago ang nasa isip niya. But sadly to say her intuition is right.
“Hindi ka ba nagseselos?” Mukhang nagulat siya sa tanong ko pero binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti.
“I trust Zayan. I know hindi niya ako sasaktan. Zayan love me so much na kaya niyang isakripisyo lahat para sa akin,” nakangiti niyang sabi.
She knows Zayan is obsessed with her.
“Good for you.” Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para matigilan ako.
“You won't steal him away from me, right?” she asked. Hindi lang ako nagsalita dahil nagulat ako sa tanong niya. She smiled again. “May tiwala naman ako sa'yo, Blaire. Alam kong hindi ka kagaya ng iba.”
“Thank you, Sera.” Hinila ko siya at agad ko siya niyakap dahilan para magulat siya. “You deserve to be happy.”
“Really?”
“Yes.” Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
“Blaire! Syera! Hali na kayo!” tawag sa amin ni Zayan sa labas.
Umuna sa akin si Syera. Napa cross arm ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Don't tell me, nakakahalata na si Syera sa akin?
I smirked. Kung nakakahalata man siya, alam kong hindi siya paniniwalaan ni Zayan. Lumingon sa akin si Zayan at binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti.
•••
“Okay ka lang?” Napalingon ako sa lalaking ngayon ay basa na. Nandoon pa rin si Syera sa dagat lumalangoy.
“Yes, I'm fine.”
“Bakit ka pa nandito? Sumali ka kay Syera.” Umupo siya sa tabi ko. Umiling ako.
“Kahit pa hindi sabihin sa akin ni Syera. Alam kong nagseselos siya. You should pay more attention to Syera, Zayan.” Lumingon siya kay Syera na nakangiti sa mga bata.
“I know she trust me, Blaire.” Hinaplos niya ang buhok ko dahilan para matigilan ako. “If may problema ka. You should talk to me. Baka matulungan kita?”
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Hinawakan ko ang wrist niya dahilan para mapatigil siya. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak na sa ulo ko.
“I'm fine. I am totally fine. Hindi ako mabilis masaktan, Zayan.” Kitang-kita pa rin ang pag alala sa mga mata niya. He's weak to a woman who is having depression. Mabilis lang makuha ang atensyon niya.
“Tao ka rin naman, Blaire. Nasasaktan ka rin.” Napakunot ang noo niya. I'm sure may napapansin siya. “Ngayon ko lang napansin. You don't talk about your parents that much.”
I smiled pero may halong lungkot sa mata ko which is not true. Gusto ko lang talagang maawa siya sa'kin.
“Dahil ayaw kong maalala ang nakaraan, Zayan. As long as kaya ko iiwan ko ang nakaraan ng mag isa.” Kitang-kita sa ekspresyon niya na naaawa siya sa akin.
Ayaw ko talagang kinakawaan ako pero if that makes me let your guard down and can steal your heart easily, I will do it.
“But we're here now. We will never leave you—”
“Zayan!” Napalingon kami kay Syera na ngayon ay kumaway na sa amin. Zayan smiled. Hindi niya pa rin napapansin ang nararamdaman niya sa akin. Manhid.
“Mukhang tinatawag ka na ng prinsesa mo, Zayan,” mahinahon kong sabi.
“Come with us.” Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti.
“Mauna ka na. May pupuntahan lang ako.” Nagtaka pa ito pero agad din naman ito umalis.
Naglakad lakad na ako sa resort. Napahinto ako ng makita ang pamilyar ng mukha ng lalaki. Pati siya ay nagulat pero mga ilang segundo pa ay ngumiti ito ng nakakaloko.
“What are you doing here?” seryoso kong tanong sa kanya.
“Look who's here.” Aalis na sana ako pero nagulat ako ng agad niya ako hinila.
“Hey! What are you doing?!” inis kong tanong. Nasasaktan ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa wrist ko.
“Ang kapal ng mukha mong tumakas sa akin! Wala lang ba sa'yo ang lahat ng pinagsamahan natin?! All the promise we made! Lahat ba 'yon kasinungalingan lang?!” Mas lalo niya pa akong hinila dahilan para mapalapit ako sa kanya. “Kahit ni isa ba? Hindi mo ako minahal kahit saglit lang?”
Napatawa ako sa sinabi niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya habang mapaglarong ngumiti.
“I will never love a man like you!” Nagulat ako ng agad niya ako sinampal.
“You're mine! You slut!” Nagulat na lamang ako ng hinalikan niya ako. Pilit ko siyang tinutulak pero sobrang lakas niya.
Pero mas lalo ako nagulat ng agad siya sinuntok ni Zayan.
BINABASA MO ANG
Love is a game
Romance(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...